Chapter 59

22 6 0
                                    

ZAIRA'S POV

Napatingin ako sa labas ng kulungan nang makita sina tita at yung lawyer niya.

"Ahhh!!" tumakbo ako papunta sa kanya pero umatras siya kaya hindi ko siya naabot.

"Ms. Zaira Smith will no longer an smith, In the name of Alejandro smith, Ethaniel smith, Nathalie smith and Amira smith everything that left from your family will be pass to Mrs.Elisa smith" humawak ako ng mahigpit sa bakal sa sinabi ng lawyer niya "Hindi maaaring ipasa sa taong nakakulong kaya nagdesisyon ang lahat na ibigay sa kanya ang mga ari-arian, kompanya, at pamanang dapat sana ay mapupunta sa anak nilang si amira smith"

"NOOO!!! THAT'S MINE!!!" tinignan ko si tita na umalis agad kaya hinampas ko ang bakal "AHH!! ILABAS NIYO KO DITO!!!"

"Maliwanag ang mga nakasulat sa papel kaya kung may kailangan kayo dito na lang po kayo tumingin"

"Ahhhhh!!!" tinapon ko ang mga papel na inabot niya sa akin.

"Bukas ilalabas ang balita kaya wala na po kayong magagawa miss zaira, hintayin niyo na lang po kung kailan darating ang lawyer mo" umalis na siya kaya napahawak ako sa buhok ko at umiyak na. N-no! No! I need to get out of here! This is not in my plan!

BEA'S POV

"Maraming salamat sa pagsama niyo sa akin dito" nandito kami sa hospital para sa monthly check up ko. Sumama naman sila dahil kailangan ko daw yun lalo na't sobrang tindi ng nangyari nitong mga nakaraan.

"Anong sabi ng doctor?" tanong ni kuya habang naglalakad kami palabas ng hospital. Napagiti muna ako kay cj nang alalayan niya ako pababa ng hagdan. Hindi kami pwede basta basta na lang makihalubilo sa mga tao lalo na't baka may makakilala sa amin.

"Healthy pa rin daw kahit papano" tahimik na ulit kami hanggang sa makababa na kami sa hospital.

"I'll just go get the car" paalam ni kuya kaya kaming tatlo na lang ang naiwan dito.

"You should eat more"

"Oo nga" natawa ako ng konti at nahihiyang umiwas kay cj. Nagaaalala siya sa akin! Nagulat ako dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako kay jayson na kunot noong pabalik balik ang tingin sa aming dalawa.

"P*tang*nang shuteng!" napahawak ako sa tiyan! Baby stay put ka lang dyan! Nanggugulat! "Cosa stai facendo?! Ti ucciderà!(What are you doing?! He will kill you!)"

*peeep*

"Get in! They are not in the house!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni kuya kaya mabilis kaming pumasok doon.

"Yung dalawang batang yun! Hindi talaga maaasahan sa pagbabantay!" nanggigil na sabi ko. Puro na lang laro laro! Haaaaaaist!!

AMIRA'S POV

Tahimik akong lumabas ng kwarto at wala na naman akong ibang nakita kundi ang upuan lang. Usually kasi kapag nagigising ako si linc agad ang nakikita ko doon. 

Pumunta ako sa kwarto ni nathalie at nagulat dahil wala din siya. Nasaan na ang batang yun?! Bumaba ako sa hagdan at wala din akong makita ni isa.

Nilibot ko ang buong bahay at napatingin lang sa itim na sports bag sa tabi. Nakuha nun ang atensyon ko dahil sa pamilyar na keychain na nakasabit. Pinuntahan ko yun at tinignang mabuti. This isn't mine. I think it's linc's.

Nakakita ako ng limang piso sa gilid ng cabinet kaya kinuha ko yun at tahimik na lumabas ng bahay.

"Waahahaha huli ka!"

Someone's special (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon