Verah's POV
"Hulaan mo kung sino ito?" Bulong ng boses ng lalaking tumakip sa mga mata ko
May pagkapamilyar ang mga boses na yun at hinding hindi ko makakalimutan ang taong nagmamay ari nito
"Aris?!wait Ariston ikaw ba iyan?!" Tanong ko habang hawak hawak ang kamay niya na nakatakip pa rin sa mga mata ko
Tinanggal niya yun at humarap siya sa akin
Tama nga ...si Ariston nga ang taong iyon matagal tagal ko na rin siyang hindi nakikita at halos isang taon na simula ng huli ko siyang nakasama
"Ariston ikaw talaga anong pakana mo na ito ngayon?ang sabi mo sa akin ikakasal ka na Kay Jhela hindi ba?ano iniwan mo na naman ba siya sa pag aasikaso nun?" Tanong ko sa kanya
Bigla niyang hinila ang kamay ko at inilabas sa restaurant kung saan ako kumakain
"Wait nga!Ano bang ginagawa mo Aris tinatanong kaya kita ano nga kasi ang ginagawa mo dito?Atsaka sagutin mo muna ang tanong ko sa iyo nakakabigla ka kasi "
Ngumiti lang siya at ipinasok ako sa kotse niya
"Get in sasabihin ko sa iyo kung bakit basta sumama ka sa akin Verah"
Matipid at walang sumunod pa sa sinabi niyang iyon
Tahimik kasing tao si Ariston at sa tinagal tagal ng pagkakakilala ko sa kanya ay di siya ganun kaganang makipag usap sa tao kahit na ako na best friend niya
"Ariston ako ang una mong bigyan ng invitation letter niyo sa kasal ni Jhela ha baka kasi makalimutan mo lang alam mo na hindi ako makasama sa kasal niyo "
Tumingin lang siya sa akin at patuloy lang sa pagmamaneho
Seryoso siya habang ako dada ng Dada lang sa kanya
"Mr. Ariston Villafuerte !!!" Sigaw ko habang niyuyugyog ko siya sa kinauupuan niya
Villafuerte tama nga ang pandinig niyo ang lalaking kasama ko nga ngayon ay isang Villafuerte di ko alam kung bakit masyado akong malapit sa pamilya nila
He is my high school best friend at halos kapatid na rin ang Turing ko sa lalaking ito kaya sanay na sanay na akong asarin siya
Kahit na may agwat na sa pagitan namin ng half brother niya at sa akin ay di pa rin mawawala ang pagkakaibigan namin ganon katatag kaming dalawa
"Aris!!!Aris!!!" Pangungulit ko
May kinuha naman siya na paperbag sa gilid ng kinauupuan niya at ibinato sa akin yun
"Ano ito!" Sigaw ko atsaka binuksan ko iyon
Nakita ko yung box na nasa loob nun at binuksan ko
Tumambad sa akin ang bracelet na may diamond na nakapalibot sa paligid nito
"Ano ito?suhol mo para tumahimik ako?" Tanong ko sa kanya
"Oo suhol iyan manahimik ka na seryoso ako sa pagmamaneho ko dito " sagot niya
Tumahimik ako at sinukat ang bracelet na yun
Saktong sakto sa akin ang sukat nun at halos ganito ang gusto kong design ng bracelet
"Ariston thank you dito kahit na suhol mo lang ito" saad ko
......
"Ano nga kase kailan ba ang kasal niyo ni Jhela alam mo kanina ko pa iyan tinatanong sa inyo ni hindi ka man lang umiimik diyan
Sabi ko habang kumakain ng shawarma na binili niya sa akin
Pinunasan niya ang bibig niya atsaka nagsalita
" Walang kasal na mangyayari "saad niya
Tumungo siya at ngumiti
Medyo nagulat ako sa sinabi niya
Walang kasal na mangyayari? At bakit naman ?
Ang buong akala ko ay magpapakasal na sila ni Jhela ngayong taon tapos ganito malalaman laman ko na hindi tuloy ang kasal nag jojoke ba siya?
" You're kidding right Aris? Ikaw huwag ka ngang gumanyan ganyan
Ang balita ko eh nakaayos na ang lahat hindi ba?kaya anong pinagsasabi mo diyan baliw ka talaga"
"Hiwalay na kami.Nakipaghiwalay na ako sa kanya isang buwan na rin ang lumipas Verah kaya umuwi ako dito"
Tiningnan ko siya na halos naguguluhan sa mga pinagsasabi niya
"Aris anong kabaliwan ba ito?sabihin mo nga bakit mo iniwan si Jhela? May ibang babae ka ba?
Kung iyan ang dahilan ayoko na !!!ayaw ko na maging best friend ka?" Saad ko
"I just realized na hindi ko pala talaga siya Mahal Verah
Verah ayaw ko lang na masaktan siya
Ayaw ko na pagsisihan ko bandang huli na itinuloy ko pa ang lahat kahit na wala naman akong nararamdaman I don't want to hurt her" malungkot niyang sagot
Alam ko kung ano ang pakiramdam ni Jhela ngayon pero mas gusto kong alamin kung anong pakiramdam ni Ariston
Kaibigan ko siya at higit sa lahat nahihirapan ako kapag nasasaktan siya
I have to comfort him mahirap din naman ang naging desisyon niya
Ayaw niya lang na may masaktan na iba
Bigla niya akong hinila at niyakap
"Pwede ba ?kahit five minutes lang gusto ko lang ng comfort na galing sa iyo" saad niya
Tinapik tapik ko ang likod niya
"I know di ako pwedeng manghimasok sa relasyon niyo ni Jhela pero Ariston sana may pag asa pa kayo
Alam ko mahal na mahal ka niya at nakikita ko yun
Kaya sana kung may second chance pa balikan mo siya
Mabigat din ang desisyon mong iyon para sa kanya
Akala niya pangmatagalan na kayo pero heto nakipaghiwalay ka pa rin sa kanya
Please Don't let her go...
*******
Shattered
.....
Plagiarism is a crime so don't try
BINABASA MO ANG
Shattered (Wounded series No 1)
RomanceSheine Theo Villafuerte a successful business man halos perpekto na ang buhay niya Pero may kulang pa rin sa kanya na kailangan niyang buuin Isang tagapagmana he needs someone who will bear his child and the perfect candidate for that is his ex-wif...
