Verah's POV
"Verah kamusta Naman Ang bakasyon mo diyan masaya ka ba?"tanong Ni Ariston Mula sa kabilang linya
Tinitigan ko Yung bracelet na binigay niya habang hawak hawak Yung phone ko
Nagpapalamig ako sa balcony hanggang sa masulyapan ko si Sheine na nakikipaglaro Ng basketball sa pamangkin niya kasama si Voltaire gayong Gabi Naman
"Anong nakain nila at naisipan nila na maglaro Ng ganun?"bulong ko
"Verah may sinasabi ka ba?"tanong Ni Ariston
"Ah-ah Wala Wala lang Yun"
Ano ba kasing Ginagawa ko?nagsasalita bumulong ako gayong Ang kausap ko ay Si Ariston
"Oh sige na magpahinga ka na pagod ka na yata"
"Huh-oo nga...sige na Ariston bukas na lang Kita ulit tawagan sige na bye na goodnight"
Ibinaba ko na agad Yung phone
Nakita ko mula dito sa taas na tumingin si Sheine sa akin pero agad niya ring iniwas Yung mata niya
Pagkatapos kasi nang mga sinabi sa akin ni Sheine Ng araw na Yun ay di ko na siya nakitang sinundan pa ako
Naging malayo siya Lalo na kapag nandun ako sa Lugar Kung nasaan siya
Ganun ba talaga siya nasaktan?di ko akalain na magiging malaki ang epekto ko sa kanya
Hmm huling dalawang araw na lang at uuwi na rin kami at balik na Ang lahat sa dati
Bakit?parang?parang ngayon hinahanap ko siya?
"Verah Verah itigil mo nga iyan kalimutan mo na Ang Kung ano man Ang mga sinabi sa iyo Ng ex-husband mo Ang intindihin mo na lang ay Ang buhay mo...Ang buhay mo at Hindi siya"utos ko sa sarili ko
....
"Ate Verah!!!"narinig ko bigla Ang boses ni Serene Mula sa lounge Ng Resort bihis na bihis siya na kala mo may lakad
"Oh saan Ang punta mo?"ngumisi siya
"Ah ako ba ate?Well may pupuntahan nga sana kami Ni Voltaire Ang kaso...itong si Voltaire mas gustong manatili kami dito Ang Sabi niya Kasi family time namin ito atsaka Hindi ito Ang oras para abalahin Ang sarili niya sa trabaho"
"Bakit ?ano Naman ba dapat Ang lakad niyo ngayon?"
Ngumiti siya Ng matipid at hinawakan Ang kamay ko
"Pirmahan Kasi dapat ngayon sa nabili namin na lupa ni Voltaire dito Ang kaso ayaw niyang puntahan Kaya si Kuya Sheine Ang pinag substitute niya Kaya ate..."Teka bakit parang may kailangan sa akin si Serene at Yung mga Mata niya eh nangungusap na parang tanga?
"May kailangan ka ba?bakit parang Hindi ko gusto Yung mga pinapahiwatig mo?"
"Ate please ...pwede ba na...pwede ba na samahan mo si Kuya Sheine para makipagkita dun? please ito na lang Kasu Yung free time namin na kumpleto Kaya nilulubos lubos namin g mag Asawa kasama Ng mga anak namin...Ate Verah pwede ba na..."
Huminga ako Ng malalim Sabi na nga ba eh...Tama nga ako may kailangan nga siya
"Serene..."
"Please Ate Sana maintindihan mo..."
Tumingin ako Mula sa malayo nakikita ko si Voltaire na buhat buhat Yung bunso nila habang nakakapit si Veiron sa gilid Ng shirt niya
Kinawayan pa ako Ni Veiron na tuwang Tuwa
Nakakakonsensya Naman Kung tatapusin ko agad Yung kasiyahan nila...siguro Naman Hindi magiging issue Ang pagsama ko Kay Sheine atsaka Wala Naman nang malisya Yun
"Okay ...sige na ...sige sasama ako"
Biglang nagliwanag Yung Mata Ni Serene nang sabihin ko Yun
"Talaga ate?!"niyakap niya ako Ng mahigpit"thank you talaga!!!thank you!!thank you!!!"
Bumitaw ako bigla sa kanya"sige na Tama na... pumapayag na ako Dahil nakikita ko na tuwang Tuwa Yung dalawa pero please...huwag mo na sanang sasabihin sa iba na kasama ko si Sheine , Serene"
"Sure ate,mananahimik ako"
"Iyan Tama ,o sige na nasaan na ba si Sheine?"
"Nandun siya "tinuro niya Yung kotse na pula na nakaparada sa labas
"Thank you talaga ate ingat Kayo ha!,have a nice trip"
Inirapan ko lang siya ...anong ibig niyang sabihin dun?sasamahan ko lang Naman si Sheine?at pagkatapos nun tapos na
Inabutan ko si Sheine habang isinasaksak na Yung Susi sa kotse Kaya Dali Dali Kong kinatok siya para papasukin ako sa loob
Ibinaba niya Yung bintana at parang gulat na gulat na Makita ako
"Verah?te-teka anong ginagawa mo?"
"Ah eh sasamahan daw Kita?"
"Ah-ako?"sabay turo niya sa sarili niya
Ano bang trip niya ?akala ko ba kailangan niya Ng kasama para sa deal ?bakit parang nagtataka siya
"Pasakayin mo na ako please,Kasi di ba nagmamadali ka?"
Dali Dali niya Yun binuksan at sa wakas Naman at nakasakay na ako
Isinuot ko Ang seatbelt at inutusan siyang bilisan na magmaneho
.....
Masyadong malayo at mahaba haba Ang biyahe namin na Hindi ko Alam Kung saan patungo
"Teka nga saan ba talaga kayo magkikita nung dealer Ng lupa?"
"Lupa?Teka kaninong lupa?"
"Anong lupa?edi syempre dun sa pinagbilhan ni Voltaire Ng lupa di ba nga inutusan ka niyang mag substitute para sa kanya?"
"Substitute?No way!Verah walang ganun ano na Naman bang kwento Ang sinabi sa iyo Ng pinsan ko?"
Teka na budol yata ako ah
"Pero Sabi Ni Serene..."
"Oh fuck...niloko ka Ni Serene?"pigil tawa niyang Sabi
Sinasabi ko na nga ba di ko dapat pinaniniwalaan Ang babaeng iyon
Pesteng...Serene!!!Naku!!!
"Kung ano man Ang sinabi Ng pinsan mo sa iyo well...Hindi totoo Yun...umalis ako para puntahan Yung bakasyunan namin dito Yung pinupuntahan natin noon
Balak ko kasing daanan iyon bago umalis Wala na rin Kasi akong oras na bisitahin Ang bahay bakasyunan..."
Napasapo nalang Ang palad ko sa noo ko
Si Serene talaga!!!
"If you want ibabalik Kita sa Resort baka Kasi mainip ka lang?"
Sumandal ako at binuksan na lang Ang phone ko
"Okay lang...sasama na lang ako sa iyo ..."
Ngumisi siya "sigurado ka?pero Ang Sabi mo kalimutan na lang natin lahat"
"Okay lang,eh heto na eh...atsaka Wala nang choice gusto ko lang Rin Makita yun ...naging masaya rin naman Ng alaala natin tatlo dun
Ako ,ikaw at si Shania di ba?na kahit ngayon balikan natin ulit Yung mga alaala na iyon kahit ngayon lang..."
#shattered
Plagiarism is a crime so don't try
BINABASA MO ANG
Shattered (Wounded series No 1)
RomanceSheine Theo Villafuerte a successful business man halos perpekto na ang buhay niya Pero may kulang pa rin sa kanya na kailangan niyang buuin Isang tagapagmana he needs someone who will bear his child and the perfect candidate for that is his ex-wif...