Verah's POV
"Bumalik ka lang pero wala ka nang babalikan" sambit ko Kay Sheine na akala mo ay guilty sa mga nagawa niya dati
Dire diretso akong lumabas ng coffee shop na yun
Ano tingin niya sa akin uto-uto?Woaah ano yun?
Bumalik daw para sa akin...if I know bumalik siya dito dahil Kay Avie sa kanyang Avie
Iba talaga ang alindog ng kabit na yun sampung taon na ang lumipas maappeal pa rin sa lokong Sheine na yun
Ginulo gulo ko ang buhok ko
"Letse!!!" Sigaw ko nangigigil ako ano bang araw ito napakaswerte ko naman
"Verah!!!" Narinig ko bigla yung boses ng lalaking yun
Nilingon ko siya at inirapan tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa naabutan niya ako
"Verah bakit umalis ka kaagad?!" Sigaw niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko
"Mr.Villafuerte pwede ba na bitawan mo ako?please ...nasa public place tayo ayaw mo naman siguro na magkaroon ng eskandalo dito ?"mahinahon kong sambit sa kanya
Ang buong akala ko matutulungan niya ako pero hindi pala ni wala akong napala sana natulog na lang ako sa condo siguro tumulo pa yung laway ko dun sa sarap ng tulog ko kesa na stress lang ako lalo na sa pagmumukha ni Sheine
Pinipigilan ko lang yung sarili ko kanina pero nung makita ko ulit ang mukha nito ang sarap niyang balibagin ng upuan kanina
Binitawan niya ako ng tapakan ko bigla ang paa niya
" aaaah!!!"sigaw niya hawak hawak ang paa niya
"Hindi ba sinabihan na kita ...Gusto mo kasing mag eskandalo edi iyan ano napala mo?
Ano Masakit ba?" Nakangising sambit ko sa kanya at tuloy tuloy lang sa pag ngiti sa kanya
"Gusto ko na mag usap tayo matutulungan kita " sabi niya sa akin
Di ko siya pinansin at ipinagpatuloy ko lang ang ppaglalakad ko gusto kong layuan siya hindi siya nakakatulong sa akin dagdag pa siya sa problema ko
"Huwag na huwag mo akong lalapitan lumayo ka sa akin at lalayo din ako sa iyo at isa pa...
Huwag na huwag mo akong hahawakan" sabi ko atsaka dumiretso na para tumawid sa kabilang daan
Pero di ko inaasahan ang susunod na nangyari may bigla kasing bumusina ng malakas sa akin
Hanggang sa napapikit na lang ako
Ni hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng mga oras na yun kahit gustuhin ko iba ang sagot ng paa ko sa akin
Nakapikit lang ako na halos kumakalabog ang dibdib ko sa mangyayari pero di ko inaasahan sa pagmulat ko
"Verah okay ka lang?" Bumungad ang pagmumukha ni Sheine na ginigising gising ako
Hinahabol habol ko pa rin ang hininga ko
"Patay na ba ako?" Tanong ko
"No ! Teka Nasaktan ka ba ?anong masakit sa iyo Verah please tell me?!" Sigaw nito paulit ulit
Kinisap kisap ko ang mata ko ni wala akong naiintindihan ngayon medyo nakakahilo ang nangyaring iyon
Teka nauntog ba ako?
Siguro naman hindi wala namang masakit
May gasgas ba ako?
Ah wala wala nga akong nararamdaman
Para akong tanga na sinasagot lang ang mga tanong na iyon sa isip ko
....
"Take a rest medyo nagasgasan yung braso mo" sabi ni Sheine habang binabantayan ako sa loob ng hospital
Nakahiga lang ako habang nakatulala sa malayo at siya todo asikaso sa akin dun
Akala mo naman sincere siya di naman bagay sa kanya ang ganun
Ngumiti siya sa akin at iniabot yung bagong hiwang mansanas sa plato na hawak niya
"Para saan iyan?" Tanong ko
"Kainin mo para sa iyo talaga ito"
Inirapan ko siya at tinanggihan yun ayaw ko kasi ng pagkain na galing sa kanyaPakiramdam ko Kasi peace offering yun sa kasalanan niya o kung anuman
"I don't like apples...your apples kaya please kung pwede lang iwan mo ako at umalis ka na
I don't need anyone here nagasgasan lang ako hindi ko naman ikamamatay yun
Get out of here Mr. Villafuerte
I don't need you and I never need you"
#shattered
....
Plagiarism is a crime so don't try
BINABASA MO ANG
Shattered (Wounded series No 1)
RomanceSheine Theo Villafuerte a successful business man halos perpekto na ang buhay niya Pero may kulang pa rin sa kanya na kailangan niyang buuin Isang tagapagmana he needs someone who will bear his child and the perfect candidate for that is his ex-wif...