Chapter 39

169 3 0
                                    

Sheine's POV

"Magsusukat ka na ba Ng wedding gown mo ngayon?"

Ngumiti sa akin si Verah at hinawakan Ang kamay ko

Ihahatid ko na siya sa boutique Kung nasaan siya pipili Ng damit pangkasal niya

"Oo Ang kaso bawal Kang sumama Kasi Hindi mo pwedeng Makita "

"Ano?!Teka nga Sino Ang sasama sa iyo Kung Hindi ako pwede ?

"Si Serene siya Ang kasama ko Wala namang masama di ba?atsaka Alam Naman niya na ikakasal na Tayo"

Nakikita ko Mula sa front mirror si Shaun na tulog na tulog

"Si Shaun kasama din ba?"

Ngumiti si Verah at tinapik ako bigla

"Oo Naman papasukatan ko na rin siya Ng suit...atsaka ikaw?pumunta ka dito para magpasukat na rin"may iniabot siyang business card sa akin

"Ako Lang mag Isa?"

"Ano ka ba Sheine matanda ka na masyado para samahan ko di ba? atsaka pupuntahan ka na Lang namin dun Ng anak mo"

Inihinto ko na Yung kotse nang makarating na kami sa boutique Kung saan niya sinabi

"Sige na aalis na kami"sabay halik sa pisngi ko

Lumabas na siya pagkatapos nun at nakita ko Mula sa malayo si Serene na nakangiti si Shaun Naman parang ayaw pa pumasok dun

"Sige na Sheine pupuntahan ka na Lang namin dun!"paalala Ni Verah sa akin pagkatapos Kung masigurado na nakapasok sila sa boutique na Yun ay dumiretso na ako sa address na bigay sa akin ni Verah para magpasukat

"Dito na siguro Yun"

Dumiretso na ako paglabas ko Ng kotse pero di ko inaasahan Ang taong makikita ko ibinaba ko Ang sunglass na suot ko  para siguraduhin Kung siya nga iyon

Isang Tao na naging parte Ng nakaraan namin Ni Verah

Seryoso siyang nakatingin sa akin Wala pa Rin siyang pinagbago parehong pareho pa rin Ang itsura niya Lalo na nung naghiwalay Ang landas namin dalawa

"Sheine Villafuerte"bigla siyang ngumisi at dumiretso sa pwesto Kung saan ako nakatayo

Huminga ako Ng malalim at di muna umimik

Ang babaeng Yun bakit nagkita pa kami sa ganitong Lugar may binabalak ba siya

"Avie Moureen Sy?bakit Nandito ka?"

Bigla niyang hinawakan Ang kamay ko

"Sheine ..."bigla siyang naging seryoso Ng mga oras na Yun

"Bakit?anong kailangan mo?"

"Pwede ba tayong mag usap?Yung tayong dalawa Lang may gusto Lang akong sabihin sa iyo"

Bumitaw ako sa pagkakahawak na iyon

"Para saan ba ?ano bang gustong mong sabihin?tapos na tayong dalawa ano pa bang gusto mo?"

"Please kahit ngayon Lang"

Mukha siyang problemado na para bang nakakaawa siyang tingnan Ng mga Oras na iyon

"Pwede mo Naman sabihin sa akin Yun ngayon dito mismo. Avie huwag mo na kaming guluhin Ni Verah pakiusap Lang"

"Please kahit ngayon Lang Sheine  pagbigyan mo Naman ako kahit ngayon Lang"

......

Nakangiti siya habang iniinom Ang kapeng kanina niya pa hinahalo

Shattered (Wounded series No 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon