Sheine POV
"Sir sa Monreal Homes po nakatira si Ms. Verah" sambit ni Stefhanie mula sa kabilang linya
Tama ako sa pagpili sa kanya magaling siyang sekretarya wala pang 24 hours at nahanap na niya kaagad ang bahay ng ex wife ko na si Verah
"Sa Monreal homes mo ideretso John" utos ko kaagad sa personal driver ko
Bumalik ako.bumalik ako para bawiin ulit si Verah o sa isang salita kunin siya ulit
Ilang taon na rin naman na ang nakalipas pagkatapos ng hiwalayan namin
At sa sampung taon na lumipas na yun alam ko na may nararamdaman pa siya sa akin
She love me more than herself at di niya ako matitiis kahit kailan
Ganon siya kabaliw sa akin sobra niya akong mahal para hindi ako tanggapin
Madali ko siyang mapa pa oo sa mga gusto ko
At hindi na magiging sapilitan pa ang lahat masyadong madali sa akin na makuha ulit si Verah
Ang tanging gusto ko lang naman ay tagapagmana at si Verah lang ang makakapagbigay sa akin nun
I can have her all the time masyado kasi siyang easy to get at hindi na ako mahihirapan pa
"Sir malapit lapit na rin tayo dun"
Binuksan ko ang car window para makita ko ang lugar kung saan nakatira si Verah
Parang Village ang itsura ng paligid nun na halos malapit na rin sa building na sinasabi ni Stefhanie
Hanggang sa mula sa kalayuan ay may nakita akong taong kilalang kilala ko
Maikli man ang buhok niya ay di ko pa rin makalimutan yung itsura niya
Medyo makapal ang pang ibabang labi niya at matangos ang ilong niya
Bilugang singkit ang hugis ng mata niya at may kakapalan ang kilay niya
"Sundan mo yung babaeng naglalakad na yun" utos sa driver ko
Tuloy tuloy sa paglalakad ngayon si Verah hanggang sa sinusundan ko lang ang pagkilos niyaMedyo malapit ang agwat namin sa isat isa pero di niya yata napapansin ang presensya ko
Tinitigan ko siya ng kaunti sa kinauupuan ko sa loob ng kotse at tiningnan sa side mirror nun
Napansin ko na nakatulala lang siya habang ipinapahid ang gilid ng palad niya sa mata niya
Then I saw a tear covering her eyes
She's crying that time
Di ko alam kung bakit o kung anong dahilan ng pag iyak niya
Did someone hurt her ?kaya umiyak siya ng ganun sa gitna ng daan
Di niya kasi inaalintana yung nga taong nakakasalubong niya
In her case dapat nahihiya siya na umiyak siya sa paglalakad niya pero ngayon parang tuloy tuloy lang ang ginagawa ng babaeng yun
Hindi ako kumportable sa pag iyak niya pakiramdam ko konsensya ko pa siya at ako ang may kagagawan nun kahit na hindi ko alam ang dahilan ng paghagulhol niya sa gitna ng daan
"Sir please bilhin niyo na po yung sampaguita na tinda ko"
Nagulat ako ng may batang dumungaw sa mismong harapan ko
"No I don't want to buy that umalis ka na sa iba ka na lang magtinda "biglang lumukot ang mukha ng batang yun ng sinabi ko na ayaw kong bilhin ang paninda niya
Hanggang sa nakita ko na mas humagulhol ng iyak si Verah
" Teka bata! lumapit ka nga ulit dito"utos ko
"Bibili na po ba kayo Sir?" Tanong niya
"Oo bibilhin ko iyan kung susundin mo ang utos ko"
"Ano po iyon Sir?"
Itinuro ko ang direksyon ni Verah at kinuha ang panyo ko sa bulsa
"Ibigay mo ito dun sa babaeng yun at bibilhin ko lahat ng iyan pero hindi mo sasabihin na may nagpapabigay sa kanya
Iaabot mo lang ang panyo at tatakbo ka na paalis"Iniabot ko ang pera sa kanya
"1000 po wala po akong panukli dito
100 pesos lang naman po lahat nito" tanong niya sa akin"Sa iyo na lahat iyan just keep the change at bayad din iyan sa gagawin mo para sa akin bata"
Ngumiti siya na isinuksok ang pera sa
Bulsa niya at dali daling tumungo sa kinaroroonan ni Verah"Sir kilala niyo po ba iyon?" Tanong sa akin ni John
"Pwede ba na gawin mo lang ang trabaho mo at hindi ko ugali ang ikwento ang pribadong buhay ko sa iyo John naiintindihan mo?"
Sumandal ako sa kinauupuan ko habang patuloy pa rin sa pagtitig sa kinaroroonan ni Verah
"Ihinto mo muna sandali" saad ko at bumaba na sa kotse
Sinundan ko siya mula sa likuran habang naglalakad siya
Wala siyang pinagbago madrama pa rin ang babaeng ito
Kaunti na lang at malalapitan ko na siya
Hanggang sa nabunggo siya sa akin pagkalingon niya
"So-sorry po" saad niya habang pinupunasan ang mga mata niya
"Ve-"
Dali dali siyang tumakbo paalis di niya siguro ako nakita dahil sa patuloy na pag iyak niya
Nakatungo lang kasi siya at di man lang niya ako tiningnan
Di ko inakala na ganun pa rin pala siya
Walang pinagbago...
#shattered
Plagiarism is a crime so don't try
BINABASA MO ANG
Shattered (Wounded series No 1)
RomanceSheine Theo Villafuerte a successful business man halos perpekto na ang buhay niya Pero may kulang pa rin sa kanya na kailangan niyang buuin Isang tagapagmana he needs someone who will bear his child and the perfect candidate for that is his ex-wif...