Chapter 45

502 6 0
                                    

Verah's POV

"Mam ito na po Yung boquet na order niyo"

Kinuha ko Ang white roses na naka boquet sa mismong shop Kung saan ako nagpareserved nun nakaugalian ko na Kasi na tuwing isang buwan ay dadaanan ko ang lugar Kung nasaan nakalagak Ang abo ni Avie

Nakasanayan ko na Rin na ayusin iyon at pagandahin tutal Wala Naman akong kakilala Ni isang kamag anak niya

Ulilang lubos na siya nung dumating siya sa mansion para maging katulong at simula nun Wala nang iba pang detalye Ang nalaman ko tungkol sa kanya

"Hello Sheine bakit na Naman ba?di ba nga Ang Sabi ko sa iyo pupuntahan ko si Avie para ilagay itong mga white roses sa tabi Ng abo niya"

"Verah makinig ka nga sa akin !kabuwanan mo na at hindi ka dapat mag isang gumagala Kung saan saan Alam mo bang masama sa iyo iyan!"sigaw Ni Sheine Mula sa kabilang linya na para bang mangangain na sa sobrang galit

"Okay okay aalis na ako...pauwi na ako sa bahay"

"Susunduin na Lang Kita,hintayin mo ako diyan"

Tsk iyan na Naman Ang napaka over protective na asawa ko

"Okay"

.....

"Hmmm Ang tagal Naman niya yata"nakaupo Lang ako sa may loob Ng flower shop habang hinihintay Ang Lalaking Yun pero mag iisang oras na Wala pa Rin Ang presensya niya

"Ang tagal"tumayo ako Ng kaunti at inabang abangan siya Mula sa labas

Pero di ko inaasahan Ang makikita ko...

"Avie?"

Yung babaeng dumaan ...Hindi hinding ako magkakamali at lalong Hindi ako namamalikmata Lang

Iisang iisa

Si Avie Yun ... buhay na buhay

Dali Dali akong lumabas Ng flower shop at tinakbo Ang kinaroroonan Ng babaeng Yun pero halos malayo na Ang agwat namin

Hindi ako nagkakamali si Avie talaga Yun

"Avie!!!"sigaw ko pero Hindi man Lang siya lumilingon

"Avie!!!"

Nilingon lingon ko Ang paligid nawala na Ang presensya niya

"Nasaan na siya!!!"

Siya Yun

Si Avie Yun

Pero bakit ganun bigla na Lang siyang nawala sa paningin ko

Pero sigurado ako na siya Yun...Hindi ako namamalikmata Lang tumingin pa siya sa akin na para bang ngayon Lang kami nagkita

Hindi Naman pwedeng magkamukha sila?

Paranoid pa Rin ba ako sa pagkawala ni Avie

"Aaah!"najaramdaman ako bigla Ng sakit

Nararamdaman ko na parang humihilab Yung tiyan ko

Napakapit ako sa may posted Kung saan ako napatigil

Nakikita ko Rin na patuloy na dumadaloy Ang dugo sa magkabilang binti ko

"Aaah-aray"

"Verah!"narinig ko Ang boses ni Sheine Mula sa likuran

"Sheine manganganak na yata ako!"

Binuhat niya ako at isinakay sa kotse niya

Hindi ko aakalain na dito na pala ako aabutan Ng pagsakit Ng tiyan

Shattered (Wounded series No 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon