Chapter 34

177 3 0
                                    


Jannie's POV

"Sir,have a seat"pambungad sa akin ni Mrs.Ferrei Ang principal Ng school na pinapasukan mismo Ni Shaun

Nandun din Ang babaeng may katandaan at masama Ang tingin sa akin at katabi niya Ang batang may pasa sa bibig

Napalunok ako sa nakita ko

Ang batang iyon may ginawa na naman ba  siyang kalokohan?!

"Ikaw?ikaw ba Ang tatay Ng batang bumugbog sa anak ko?!"

Nilahad ko ang kamay ko sa kanya pero tiningnan Lang niya ako Mula ulo hanggang paa

"Tito niya po ako...ah pwede ko bang maitanong Kung anong ginawa niya?"

"Hindi pa ba sapat sa iyo itong nakikita mo?!"

"Mr.Montes kagagawan po iyan Ng pamangkin niyo,Shaun pwede bang pumasok ka dito sa loob?"

Pero ilang minuto na pagtawag ay wala man Lang ni anino Ng batang iyon

"Shaun!Shaun Trein Montes Alam Kong nandyan ka sa may labas pwede bang pumasok ka?!"matigas na sambit ko

Mula sa labas pumasok Ang batang may sira sirang uniporme na  may magulong buhok at may malaking black eye sa Mata dagdag pa Yung dumudugong ilong niya pero di mo.man Lang makikita sa mukha nito Ang pagsisisi sa ginawa

Inilapit ko siya kaagad sa akin at pinunasan Ang ilong niya at ibinalot sa kanya Ang jacket na suot ko

"Shaun Magsalita ka bakit mo ginawa Yun sa kaklase mo?"

"Hoy ikaw bakit ginawa mo iyon sa anak ko!"panduduro Ng babaeng iyon sa pamangkin ko

"Madam please pwede po bang pagsalitain niyo siya baka may dahilan Ang ginawa niyang ito Hindi ugali Ni Shaun Ang gawin Ang isang bagay Ng walang dahilan"

"Teka nga !bakit kinukunsinte mo iyang batang iyan at Isa pa nasaan ba Ang magulang niya bakit Hindi Isa sa kanila Ang pumunta dito!

Ah !malamang eh sinukuan na iyan Ng magulang niya Dahil sa ugali niya Tama ba ako!!!"

Tinakpan ko bigla Ang magkabilang tenga Ng batang iyon ayoko na maririnig  niya Ang ganung salita Hindi ko hahayaan na sisihin niya Ang sarili niya I know him a lot

Katulad siya Ng Mama niya

"Shaun Magsalita ka please"mahinahong sambit ko

"Sinadya ko iyon!sinadya ko iyon!"sigaw niya

"Tingnan ninyo !di ba Tama ako sutil Ang batang iyan!"

"Madam please huwag niyong pagsalitaan Ang pamangkin ko Ng ganyan"

"Mr.Montes patawad po Kung sasabihin ko ito Alam po Naman namin na malaki ang naiaambag niyo dito sa eskwelahan na ito pero di po namin pinapayagan Ang ginagawa Ni Shaun,maraming beses na po namin iniintindi Ang lahat pero ngayon tama na Hindi na namin pagbigyan pa  siya...isususpend namin siya Ng isang buwan "

.....

"Bakit mo ba ginawa Yun?!"matigas na tanong ko habang nagmamaneho

"Gusto ko Lang Yun,Tama Lang sa kanya yun"

"Shaun ilang beses na kitang pinangaralan Ng tungkol dito ilang beses mo ba itatanim sa utak mo na Mali Ang gawin iyon!!! magkalinawan nga Tayo!ano bang pagrerebelde Ang ginagawa mo!"

"Gusto ko lang Yun okay nga Yun sa kanya "

"Shaun gusto mo bang isumbing on Kita sa Mama mo? Gusto mo ba na umiyak siya ulit Dahil nagiging passway ka na?"

Shattered (Wounded series No 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon