Verah's POV
"Verah ,si Avie ito pwede ba tayong mag usap Yung tayong dalawa lang"
Bumangon ako bigla sa higaan ko Ng marinig ko Ang boses na iyon
Si Avie...tumawag siya Ng ganitong oras para sabihin sa akin na gusto niyang makipagkita?
"Verah Sino iyang kausap mo?"
"W-wala...Wala Lang "
"Ah sige matulog ka na Lang ulit pagkatapos..."
Tumungo ako palabas Ng kwarto at dumiretso sa may Sala
"Bakit mo gustong makipagkita sa akin?ano Naman Ang kailangan mo?"
"May gusto Lang Sana akong sabihin sa iyo"
"Ano Naman Yun?"
"Verah gusto ko lang sabihin Ang lahat...hihintayin Kita bukas sa dating lugar
Pangako Hindi ko na guguluhin ang buhay niyo pagkatapos nito...Verah pumunta ka ha...Sana pumunta ka"pagkatapos nun ay binaba na niya Yung phone
Ano ba Kasi Ang gusto niyang sabihin?bakit ba kailangan ko pang makipagkita sa kanya?
.......
"Hello ?Verah?saan ba talaga Kayo magkikita Ni Avie?gusto mo bang samahan Kita diyan? sabihin mo Kung nasaan ka na? please Verah nag aalala ako sa iyo"
Ang kulit kulit Naman Ng lalaking ito ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na kaya Kong harapin si Avie mag Isa
"Tsk.dito Lang Naman ako pumunta sa dati naming tambayan noon huwag Kang mag alala Hindi Naman ako papatayin Ni Avie
Oo traydor siya pero di siya ganung tao Kaya please itigil mo na nga iyang pagiging OA mo!sige na mamaya na Lang ako tatawag ulit"Binaba ko na kaagad Yun at dumiretso na sa Cafe house sa tabi Ng dati naming campus
Malaki na Rin Angg pinagbago nun pero Ang pakiramdam ko ay nandun pa Rin Ang dating mga alaala na naiwan namin magkaibigan
Mula sa malayo nakita ko si Avie na nakangiti sa akin halos nakikita ko Ang dating Avie na minsan ko Rin na naging kaibigan
Dali Dali Kong tinungo Yun at umupo sa kabilang upuan katapat niya
Nadatnan ko Ang kape na paborito ko at Pancake na may chocolate sa ibabaw
"Verah inorder ko na Alam ko na magugustuhan mo iyan"nakangiti niyang sambit
Ibinaba ko Ang bag ko sa gilid at seryoso siyang tiningnan
"Ano pa ba Ang dapat natin pag usapan?"
"Hindi ka ba kakain muna?kainin mo muna iyan"
Humigop ako Ng kaunti sa kape na iyon at pumiraso sa pancake na nakahanda atsaka bumalik ulit sa pagtatanong sa kanya
"Okay ...hindi Naman ito Ang ipinunta ko..
Ang gusto ko Lang malaman ano ba talaga Ang dapat natin pag usapan dalawa"
Huminga siya Ng malalim
"Ang gusto ko Lang kasi ay ...ay mag sorry sa lahat
Gusto ko na personal kong sabihin Ang lahat Ng iyon
Una sa pagsinungaling ko sa lahat lalo na nung ipinilit ko si Sheine noon na piliin ka kaysa sa akin I'm sorry para dun Ang buong akala ko Kasi ay makakabuti para sa iyo kapag binigay ko Ang taong gusto mo pero sa huli Naman ikaw pa Rin Naman Ang pinili niya di ba?"
Nakatingin Lang siya sa Mata ko
"Mahal na Mahal ka niya Verah"
Bakit ba niya sinasabi itong lahat medyo kinakabahan Naman ako sa sinasabi niya
BINABASA MO ANG
Shattered (Wounded series No 1)
RomansaSheine Theo Villafuerte a successful business man halos perpekto na ang buhay niya Pero may kulang pa rin sa kanya na kailangan niyang buuin Isang tagapagmana he needs someone who will bear his child and the perfect candidate for that is his ex-wif...