Verah POV
"Ano ito?!" Pagdadabog ko habang paulit ulit na binabasa ang recent message na pinadala ni Vanica
Sino ba naman ang hindi magagalit sa sinabi niya
Na kailangan daw niya ang tulong ko dahil may lalaking pinagbabantaan siya tapos bigla biglang huwag na lang daw dahil tatapusin na lang niya ang buhay niya
Ano yun?nababaliw lang siya?trip trip lang niya yun?
"Aaaah!!!" Sigaw ko
"Ate Verah"napalingon ako ng biglang bumukas ang pintuan
Niluwa noon si Stefhanie na may dalang dalawang kahon ng pizza at ipinatong iyon sa lamesa
" May problema ba?"tanong niya atsaka tumabi sa akin
Napahawak na lang ako sa sentido ko at iniunat unat ang leeg ko
"Meron....at higit sa lahat di mo naman ako matutulungan kung sakali"
"Anong problema ba?"pangungulit niya" please ate sabihin mo ano ba yung problema mo?Malay mo makatulong ako"saad pa nito
"Wala huwag mo nang alamin"
"Ate please"
Ang kulit niya talaga hindi ba siya makaintindi
"Sige ka sasabihin ko Kay Kuya Ariston na may problema ka ngayon at siguradong sigurado ako na magmamadaling pumunta yun dito bahala ka" pananakot niya
May pananakot pa siyang alam pero sure ako na gagawin niya talaga kapag sinabi niya
Ayaw ko naman guluhin si Ariston ngayon.Marami na nga siyang problema dadagdag pa ako
Ano namang klase akong kaibigan nun
"Okay sige ...may problema ako ngayon kilala mo ba si Vanica Monreal?" Tanong ko
"Hmmm sino yung pinsan mo na artista?"
"Yes at ngayon nawawala siya at higit sa lahat kailangan ko siyang mahanap ngayon baka kasi magtangkang magpakamatay yun
Ayaw kong humantong siya dun kaya ... Kaya nga lang hindi ko alam kung paano
Hindi ko alam kung paano siya mahahanap wala akong Koneksyon para mahanap siya" sambit ko sa kanya
May kinuha siya sa bag niya at iniabot yun sa akin
"Giant Entertainment" yun ang nakasulat sa card na yun
Medyo napataas ako ng kilay ng makita yun
"Para saan naman ito?" Tanong ko
"Well ate Verah makakatulong ng malaki iyan sa iyo
At higit sa lahat matutulungan ka ni Mr.S " saad nito
Sino naman yun?
"Teka ano bang kalokohan ito Stefhanie ano ba iyang pinagsasasabi mo?" Tanong ko sa kanya
"Ate just trust me matutulungan ka ng taong iyan
Kung gusto mo bukas na bukas magkita kayo para mahanap mo na yung pinsan mo".....
Naghihintay ako sa kaliwang parte sa tapat ng Glassdoor ng Coffee shop na yun
BINABASA MO ANG
Shattered (Wounded series No 1)
RomanceSheine Theo Villafuerte a successful business man halos perpekto na ang buhay niya Pero may kulang pa rin sa kanya na kailangan niyang buuin Isang tagapagmana he needs someone who will bear his child and the perfect candidate for that is his ex-wif...