Sheine's pov
Iba Ang naging pakiramdam ko ngayon kinakabahan ako at di mapakali habang naghihintay sa restaurant Kung saan namin napagkasunduan magkita Ng Magulang Ni Verah
"Kaya mo ito Sheine ano ba Naman Yung lakas Ng loob mo Kung Hindi mo gagamitin sa kanila"
Huminga ako Ng malalim na parang hinugot ko na sa kaibuturan ko
Ilang beses ko rin ikiniskis Ang mga kamay ko hanggang sa uminit na ito Dahil dun
"Anong oras na ba?"itinaas ko Ng kaunti Ang sleeves Ng damit ko para Makita ko Ang oras sa wriswatch na suot ko pasado alas dose na Rin pala pero Ni anino nila ay di ko man Lang nakita
"Haiiih"bumuntunghininga ako di ko Alam Kung darating pa ba sila
"Naiinip ka na ba ?Hindi ko akalain na magtitiyaga ka talagang maghintay sa mga taong galit na galit sa iyo"napahinto ako Ng marinig ko Ang pamilyar na boses na iyon
Iniangat ko Ng kaunti Ang ulo ko Hindi nga ako nagkakamali siya nga iyon
Halos di ko na maalala Kung kailan Ang huling pagkikita namin na halos isumpa ako Ng taong ito
"Jannie Montes"
Walang pinagbago nakakainis pa Rin Ang presensya Ng lalaking ito
"Sheine Theo Villafuerte...himala at tinawag mo ako sa buong pangalan ko napaka pormal mo Naman yata, ngayon?"sarkastikong tono niya
Isinandal niya Ang likuran niya sa kinauupuan at hinalukipkip Ang dalawang braso niya
"Long time no see?kamusta?kamusta na ba ulit Kayo Ng pinsan ko na sinaktan mo noon?
Nagpauto na Naman ba siya sa iyo? Si Verah bakit ba madali siyang mapa-oo Ng mga manloloko?"
Nakangisi siya na para bang nang aasar Ng mga oras na iyon Nakakainis at di katanggap tanggap Ang pambungad niya sa akin nito
"Bakit ikaw ang nandito?hindi ikaw Ang hinihintay ko"
"Mismo.hindi mo ba Alam na ako Ang nagpupunta sa iyo dito... Villafuerte Hindi ka masuwerte Dahil Kung Ang magulang mismo Ni Verah Ang pumunta dito at sasabihin mo na mag so-sorry ka eh. Baka ipapatay ka Ni Tito Greg Dahil sa kagaguhan mo at sa pag iwan mo nun sa anak niya?
Hindi mo Alam Ang takbo Ng utak niya sa ngayon
Magpasalamat ka at concern ako sa pinsan ko"
Ano bang ibig niyang sabihin?bakit kailangan ko pang dumaan sa kanya bago sa magulang Ni Verah
"Ano bang gusto mong- palabasin?"
"Simple Lang gusto ko Lang na sagutin mo Ang mga tanong ko sa iyo"
"Anong tanong?"
Nanahimik siya Ng kaunti at halos ubusin Ang kape na nasa harapan namin
Masama Ang tingin na ibinibigay niya sa akin at ganung ganun Ang mapanghusgang tingin na nakita ko noon sa kanya habang pinagbabantaan ako noon
"Sabihin mo nga ...Iniwan mo ba talaga si Verah?bakit ba niloko mo siya?!"
Tinitigan ko Ang Lalaking iyon ngayon Alam ko na gusto niyang malaman Ang lahat Ng mga sagot tungkol sa pag Alis ko
Bakit pa ba?bakit kailangan ko pang sabihin Yun sa mortal kong kaaway
Pero Kung sa ikakabuti Naman namin Ni Verah ito bakit Hindi?bakit Hindi ko sasabihin Ang totoo
Inilapag ko Ang cellphone ko at ipinatong Ang kamay ko sa ibabaw Ng lamesa ilang minuto ako nag isip bago ako magsalita
"Nangyari Yun dahil-
BINABASA MO ANG
Shattered (Wounded series No 1)
RomanceSheine Theo Villafuerte a successful business man halos perpekto na ang buhay niya Pero may kulang pa rin sa kanya na kailangan niyang buuin Isang tagapagmana he needs someone who will bear his child and the perfect candidate for that is his ex-wif...
