waste it on me ; chapter two - out

26 2 0
                                    

It was a morning nanaman kaya ay sinubukan ko na maglagay ng ngiti sa mga labi ko. Pero bakit hindi ko magawa? Ewan ko ba.

Hindi ko na madalas na makasama ang girls dahil sa individual schedules namin, kaya naman ay medyo dismayado ako. Kuntento naman ako na nakikita ko silang nagiging successful hindi lang dahil sa group activities namin kundi pati na rin dahil sa individual careers ng bawat isa. Kaso nga lang, halos hindi na kami magkakitaan.

Ang focus daw kasi ng individual career ko ngayon ay collaboration with other people. Isa na yung dance covers namin ni Jhope. Halos namaster na nga namin yun, e.

Matapos akong makaligo at makapaghanda ng sarili ay bumaba naman ako sa living room namin ng may ngiti sa mga labi ko trying to be enthusiastic as usual, kaso nga lang ay nawala ang mga ngiti ko sa nakita.

"Good morning," pabulong na bati ko sa hangin, dahil wala na pala sila.

Hindi ko nanaman sila naabutan. Wala nanaman akong kasama. Naaalala ko tuloy yung mga araw dati na malawak ang mga ngiti ko tapos pagkababa na pagkababa ko galing sa kwarto ko ay babati ako sa kanila ng malakas na good morning to try to cheer them up para hindi kami masyadong mag isip ng negatibo kapag punompuno ang schedule namin.

I sighed. Mag isa ko ngayon sa dorm, on my way to Mr Go's building.

I almost slipped a tear kaso nga lang ay naalala ko na ayaw ko nga pala ang umiiyak, for some reason.

"Ang aga mo talagang dumadating, e, no?" Nagulat ako nang may nagsalita, at nakita na si Jhope na pala yun.

Nasa may bandang pinto siya habang nagpeplay naman ako ng music dito sa may tabi ng speaker. Lagi kasi siyang on time, pero ako lagi akong maaga na dumadating.

Nginitian ko naman siya at nagfurrow yung brows niya.

"Mukhang malungkot ka?" Sabi niya, and napataas naman yung mga kilay ko.

Malungkot? Hindi naman siguro? Ayokong nararamdaman yun, dahil sa mga pangyayari dati. Ewan ko ba, perk nakasanayan ko na yung gawain na hindi ako nagpapakita ng malungkot na side or what. Hindi kasi yun yung pagkakakilala nila sa akin.

"Hindi, ha. Ayos lang ako. Masyado ka lang talagang masaya ngayon," sabi ko sa kanya, and he gave me a gentle smile.

"Hay nako, Sunhye Park. Wag ako. Alam ko yang style na yan. Eh ganyan din ako, e. Tara, kain tayo? Bago tayo magpractice? O kaya wag muna tayo magpractice? Maiintindihan naman siguro ni Mr Go?" Sabi ni Jhope, umakbay sa akin, at may makapanlokong ngiti pa sa mukha niya.

I chuckled, at inalis yung kamay niya na nakaakbay sa akin dahil hindi ko alam. Hindi naman siguro yun masama, kasi hindi pa naman kami ganun kaclose, e.

Pinag isipan ko naman. Bakit ako nalulungkot? Kasi namimiss ko na yung Starlight. Lahat nalang kasi ng time na libre namin, hindi libre yung iba. Tapos mas pinagfofocus kami sa individual careers to the point na halos hindi na kami magkakasama. Gabi nalang kami magkakakita kita o kaya naman madaling araw, pero saglit lang dahil lahat kami nun pagod. Namimiss ko yung panahon na magkakasama kami, na inaabot ng madaling araw. Basta magkakasama kami.

"Baka magalit si Mr Go-"

"Hay, Sunny. Wag mo munang isipin yan. Ako bahala," sabi ni Jhope, and then nagulat naman ako nang idisconnect niya yung phone ko sa speaker at ibinigay yun sa akin matapos na inoff din yung speaker.

Kinuha ko naman yung phone ko sa kanya dahil wala na akong magagawa. Naialis na niya at lahat, e, may magagawa pa ba ako? Syempre wala.

"Ano, tara?" Tanong niya, at tumango ako.

waste it on me ♧ jung hoseokWhere stories live. Discover now