waste it on me ; chapter seventeen - no

16 1 2
                                    

Naghanda kami dahil papunta kami ng STARLIGHT sa show ng Dreamcatchers to show them our support. Live siya and panigurado ay hindi lang naman kami ang manonood nun. Hinihintay nalang namin si Eunhye na kilos pagong, so that we can now go to the show.

Hindi ko mapigilan ang pagngiti dahil panigurado ay magiging maganda nanaman ang performance nila. Naiisip ko pa lang yun ay naaalala ko na kung paano yung mga dati nilang performance that never ceased to catch everyone's attention and hearts. Isa pa, mandun yung pinsan ko kaya naman I should be proud, right?

"Eunhye, parang awa mo na, unnie! Baka patayin ako ni Marione pag nalate tayo!" sabi ni Chloe, kaya naman lahat kami ay nagtawanan. Nahuli pa yung unnie.

"Saglit na nga lang, e. Kukunin ko lang yung wallet ko!" sabi ni Eunhye, and we all sighed.

Most certainly, mamimiss ko itong pagong namin. These past few days, we've been working on our last song at mas nagkakasundo naman kami kumpara nung araw na sabihin sa amin ni ceo na he is disbanding our group.

Nagpapractice din kami ni Jinjin ng dance namin, which happened to be Seventeen's Adore U, at masaya ako na parang hindi siya naiilang sa nangyari. But what scared me is that kada magkikita kami ay parang gusto kong sabihin sa kanya na gusto ko na rin siya pero pinipigilan ako ni Jhope at sinasabi na I should think about it clearly at hindi dapat na padalos dalos.

Napapadalas din yung pagdayo niya dito sa dorm namin, kaya naman kilalang kilala na talaga siya ng STARLIGHT. Halos kaibiganin na nga din nila ng same intensity ng saamin, e. Tuwang tuwa naman siya.

May biglang tumawag sa akin, so I answered it matapos na iexcuse ang sarili ko.

"Sunhye, ha, ang tagal sumagot," boses ni Jhope, at natawa naman ako.

"Demanding naman ng best friend ko, oh. Bakit ba?" sabi ko, at nakarinig ko ng nagsisigawan tungkol sa jams sa may kabilang linya.

"Wala lang. Gusto ko lang marinig yung boses mo," sabi niya, kaya naman nanlaki yung mga mata ko at naramdaman yung pamumula ng mga pisngi ko.

"Walang hiya ka, Hobi, manahimik ka. Maghanap ka na nga lang ng girlfriend mo nang hindi mo ako ginugulo," sabi ko, at tumawa naman siya kaya napatawa nalang din ako.

"Eh kasi lagi nila akong ginugulo at sinasabihan na get a girl get a girl! Porque may girlfriend na silang lahat. Minsan pa nga pati sila Hanjin yung mang aasar sa akin at sasabihin na kailangan nila ng bagong member sa girlfriends squad nila. Naiinis ako!" wika ni Jhope, kaya naman mas natawa ako.

"Haba ng sinabi mo, hindi ko naman tinanong-"

"PARK SUNHYE!" sigaw niya, kaya mas natawa nalang ako.

"Sunny, tara na! Sabihin mo kay Jhope maghanap siya ng girlfriend niya!" sigaw ni Chloe habang hinihila ako papunta sa van kaya naman natawa ako nang makarinig ako ng paggroan sa kabilang linya.

"Pasabi kay Chloe hindi ko na siya ngingitian kahit kailan," sabi ni Jhope, dahilan para magtawanan kami.

"Di ka na daw niya ngingitian kahit kailan," sabi ko, at tinawanan lang ako ni Chloe.

"Di ko naman kailangan yung ngiti niya. Jungkook lang sapat na. Naks naman," sabi ni Chloe which made us all laugh.

"Bye na, tinatawag na din ako. Ingat ka kung may pupuntahan man kayo," sabi niya, and I hummed tapos ay inend yung call.

waste it on me ♧ jung hoseokWhere stories live. Discover now