waste it on me ; epilogue

28 1 1
                                    

An hour before chapter thirty...

Jhope Mendez

Habang wala si Sunny sa building ni Mr Go at naghahanda yung STARLIGHT and Bangtan sa practice room namin, kasama ko sina Taemin, Mr Go at Bang PD sa may hallway dahil may pag uusapan kami.

Nakausap ko na din si Jinjin tungkol dito, kaya naman ayos na. Ang kulang nalang talaga ay yung pag eexecute nung plano.

Kinakabahan ako, dahil alam ko kung gaanong nalungkot si Sunny sa mga issue na binabato sa kanya. Naguiguilty ako na siya ang lahat ng sumasalo nung negative comments samantalang ako dapat yung nasa posisyon niya. Kaya heto, gumawa ako ng paraan para masolusyunan yun once and for all.

"Ano, handa ka na ba?" Sabi ni Bang PD sa akin, and I smiled at him at saka tumango.

Handa naman ako kahit kailan basta para yun sa ikakabuti ng sitwasyon. Lalo na kung para sa ikabubuti ni Sunny. Nasasaktan akong makita siyang naghihirap.

"Okay, we will answer the questions now. Taemin, nasaan na daw si Jinjin?" Sabi ni Mr Go, at tumakbo naman palapit si Taemin sa amin at kasama na si Jinjin.

Nagpapasok na ng tatlong reporter sina Mr Go at Bang PD sa secret room na kinaroroonan na namin ngayon, saka naupo kaming magkaharap.

Ang napagusapan kasi, sasagutin namin ni Jinjin lahat ng questions. Kami lang. Hindi na namin idadamay si Sunny dahil lahat nalang ay halos isisi kay Sunny ang bawat issue dito.

Hindi na ako papayag na ganun yung mangyayari.

"Okay, let's start," sabi nung isang reporter, "We have agreed na exclusive lang ito at hindi makakarating at maibebend ng ibang articles ang lalabas sa inyo."

"Thank you, sir," sabi ko, at ngumiti.

"First question, how did you both meet Sunny Park?" Sabi nung isang reporter, at tinignan ko naman si Jinjin.

"Nauna ko siyang makilala sa amin ni Jhope. Nung trainees palang kami magkakilala na kami dahil sa dancing. Minsan magtetrain pa kami na magkasama. Tapos, ayun, naging close kami. Best friends, hanggang sa nawalan ng contact dahil din sa fans. Tapos ngayon, naging close ulit kami pero hindi na kami makapagusap nanaman dahil rin sa fans. Sana po iconsider ng fans na kahit friendships namin naidadamay dahil sa conclusions nila," banggit ni Jinjin, at napangiti naman ako sa sagot niya.

"Ikaw naman, Jhope?" Tanong ng reporter.

"Hmm, I met her before pero hindi pa kami nag usap. Since mag-on si Jungkook at si Chloe, nagkita na kami dati but no speaking terms. And then there came our project. Yung Gashina. Yung channel. Hanggang sa unang araw na yun, tinuruan ko muna siya ng steps ng sayaw namin. Dun kami naging magbest friends. Naging close kami at minsan sabay pa kaming tatakas sa practice para lang kumain. Sunny is a great woman, no biased anything," sagot ko naman.

Tumango sila, at saka nag move on sa next question.

"Did you both have feelings for Sunny, romantically?" Sabi ng reporter, at ako naman na ang unang sumagot.

"I did. After our practice nun na nakita ko siyang umiiyak at una kaming nag escape sa practice, I was sure I liked her. I still do, even way better than before." Sabi ko, nakangiti. Hindi ako nahihiya sa bagay na yun.

"Ako din. Nagustuhan ko siya dahil shiniship kami, pero nasigurado ko na sa sarili kong nadala lang ako. Alam ko yun, at alam din ni Sunny yun. Walang away sa amin. Walang gulo. Sadyang mga fans lang ang nagpalayo ng loob naming tatlo sa isa't isa," sabi ni Jinjin, at tumango naman ako. Tama naman siya.

"Final question. What do you want to say to the fans na nagimbento ng theories nila regarding SunJin and SunHope?" Tanong ng pangatlong reporter saka ko tinignan muna si Jinjin para magsalita siya.

"Um, please, stop from spreading these rumours. Heto na, kinlaro na namin. Wala nang mambabash, lalo na kay Sunny. Wala siyang masamang ginawa dito. Naipit lang siya sa mga statements ninyong mga fans. You should be ashamed that idols are being physically and mentally abused because of your reckless theories. That's all. Spread love, not hate," sabi ni Jinjin, sabay nag bow.

"Jhope?" Sabi ng reporter, at tumango naman ako.

"Uh, paano ko ba sisimulan to? Um, first of all, I want everyone to please apologize sincerely to Sunny. Knowing her, ang gusto niya lang na ipakita sa lahat ay ang mabubuting bagay at iimpress ang lahat, ibigay ang gusto ng lahat. There would be no way that I will tolerate anything that dulls the light of my sunshine. And yes, I do love her, she's my girlfriend now and ang swerte swerte ko dun. Hindi siya yung swerte dahil nakuha niya ako; ako yung napakaswerte dahil nabigyan niya ako ng tyansa na patunayan sa kanya yung totoong nararamdaman ko. She is a queen, my queen, STARs' queen. Stop dragging her down and spread love. Wala siyang kasalanansa lahat. Thank you," sabi ko, at nagbow na din.

Nakipagkamayan naman na yung mga reporters sa amin at kina Mr Go, at nginitian nila kami.

"You two, Jhope? Jinjin? You're the hope of idols," sabi niya, at ngumiti naman kami bilang pasasalamat. "Asahan ninyong tapos na ang isyu matapos nitong mapublish. Thank you for your honesty."

Napangiti naman ako, at saka nakipagkamayan ulit.





"Oh, ano, solve na? Napapunta ko na din sa practice room si Sunny. Ayos na ba?" Sabi ni Taemin, at ngumiti naman ako ng malawak. Nakaalis na kasi si Jinjin, kaya hindi na raw siya makakasama sa amin.

"Oo, hahaha, salamat nga pala," sabi ko, at tumango naman siya and patted my shoulders.





"HAPPY MONTHSARY, SUNHOPE!" Sabay sabay na sigaw nila, pero ang mga mata ko ay napako lang kay Sunny.

Mangiyak ngiyak siya at malawak ang ngiti, at sapat na yun para mabuo ang araw ako. Makita ko lang siyang ayos na at masaya, sapat na sapat na sa akin yun.

Nagkukulitan yung members namin at nakikinig naman siya, pero habang katabi ko siya, hindi ko maiwasang ibulong sa kanya ang mga salitang matagal ko nang gustong sabihin.

"I love you, Sunhye Park. Thank you for wasting it on me. Thank you for loving me,"

It was the moment I was peaceful, seeing her sincere smile, her happy eyes.

This is the Sunny I know. The Sunhye Park I want to marry soon.

waste it on me ♧ jung hoseokWhere stories live. Discover now