Since wala na ako sa Angel Ent ngayon, hindi na ako ganun kabusy. Wala na rin namang masyadong ibinibigay na activities sa amin si Mr Go, kaya wala akong masyadong magawa. Kay Mr Go na kasi ako nakasign, dahil after all, loyal kami sa isa't isa at mas maayos na yung ganito. Kumuha na din siya ng ibang trainees, and magdedebut na daw siya ng mga trainees niya as idols which has never happened before dahil this used to be just a dance company.
Nakaupo kami ni Jhope sa loob ng practice room namin, at wala nang magawa. Kakatapos lang namin magfilm ng isa nanamang video at sure akong mamayang hating gabi pa irerelease sa channel namin yun kaya naman hindi ko pa hinihintay.
I turned my head towards him, at nakita naman na nakatingin na siya sa akin kaya medyo nahiya ako sa sarili ko. Bakit siya nakatingin? Mukha ba akong TV na pinapanood?
"Bakit nakatingin ka?" Tanong ko sa kanya, at nginitian naman niya ako sabay umiling.
"Nagugutom ka ba? Kasi ako oo. Tara sa Fiery Castle?" Sabi niya, at ngumiti naman ako ng malawak.
Abaaaa! Gutom nga naman ako! And Fiery Castle is a special place para sa amin kaya hindi na ako magugulat kung yun ang laging pupuntahan namin tuwing magkasama kami na kami lang dalawa. After all, it was the start of everything.
He nudged me, kaya naman saka ko lang narealize na natulala pala ako at hindi pa nakakasagot sa kanya.
"Ah, tara! Treat mo ba?" Sabi ko, at tumawa pati siya.
"Kelan ba naging hindi?" Sagot naman niya at saka tumayo.
Tatayo na sana ako, nang iabot niya ang kamay niya sa akin para tumulong kaya naman hinawakan ko yun.
Bigla naman akong napapitlag nang makaramdam ako ng parang kuryente dahilan para tumawa siya.
"Luh? Ginagawa mo?" Sabi niya, sabay tawa pa.
Tumayo naman ako, hiyang hiya sa nangyari. Ano ba yun? Ako lang ba nakaramdam nun? Bakit may ganun ganun pa? Taser ba siya? Ay focc.
"Tara na nga. Iispot-an ko pa yung may ari ng Fiery Castle. Ang ganda niya kasi," sabi ko, at nagpout naman siya habang naglalakad na kami palabas ng practice room.
"Kahit babae yun nagseselos ako, ha? Cute din naman ako sa paningin mo, diba? Gwapo?" Sabi niya, kaya naman tumawa ako saka umiling.
Nakalabas na kami sa mismong building, wearing our caps and masks para hindi gaanong halata na kami ito. Mahirap na. Maissue pa naman sa mga panahon ngayon.
"Ang takaw naman ng Sunhye ko," sabi niya, making me narrow my eyes at him.
"Anong matakaw? Saka anong Sunny mo? Sayo ba ako?" Sabi ko, at nagchuckle naman siya sabay shrug.
"Hindi pa," panimula niya, sabay nagseryoso yung tingin sa akin. "Pero kelan ba? When are you planning on saying yes? May pag asa naman ako, diba?"
Natahimik ako. Oo, Jhope. Tanga, may pag asa ka talaga. Kung pwede lang ngayon na talaga kita sinagot e, pero natatakot ako. Although nasa isipan ko na rin na hindi na ako takot.
Kailangan ko lang siguro ng lakas ng loob.
"Huy, natahimik ka nanaman. Maingay kaya si Sunhye-"
"HOBI, KAPANG-ASAR MO!" sabi ko sa kanya, sabay tumawa naman siya.
Hindi na kami kumakain ngayon dahil tapos na kami, but hindi pa naman kami umaalis. Nakakainis kasi, gusto ko yung cake na nakadisplay, kaya lang specially made lang daw yun para sa mga magiging engaged.
"Sasagutin kita kapag nagdance cover ka ng Kitten by STARLIGHT tapos makaabot ng 100m views in one day," sabi ko, dahil talagang hinahanap ko yung tamang tyempo. Hindi pa siguro magagawa yan?
Ngumisi naman siya sa akin, kaya medyo natakot ako. Nako, ano tong pinasok ko?
"O sige ba. Kaya ko yan. Views ang kailangan, diba? Sa channel natin?" Sabi niya, at tumango naman ako.
Medyo confident ako na hindi yun aabot, pero medyo pakiramdam ko din naman na aabot yun. Pero ang tanong, ayaw ko bang mareach yun?
Pwe.
"Oo," sagot ko, at tumawa naman siya.
"E bakit nakabusangot ka pa din? Mukha kang bunny na malungkot. Ano bang gusto?" Sabi niya, at nagpout ako.
"Yung cake na yun. Mukhang masarap," sabi ko, at tumawa naman siya lalo sabay tinignan ako.
"E for magiging engaged lang yan, e. Ibibigay for free. Hindi naman yun nabibili," sabi niya, kaya I groaned.
Mukhang masarap talaga! Yung chocolate and strawberry na kasama. May different berries pa, tapos ugh. Bakit ganun?
Naiiyak ako, ha. Kahit maganda yung owner baka masabunutan ko. Joke hehe. Nakakatakot nga siya, e. Ang sungit sungit daw.
"Ah! Alam ko na," sabi niya kaya naman nagulat ako. "Magpapanggap ako na nagpropose sayo. Para may free dessert tayo?"
Namula naman ang mga pisngi ko sa narinig, at medyo natawa. Ano ba yan?
Mixed feelings, ha?
Pero wag na! Gaano ko man kagusto yung cake na yun, nakakahiya kaya na makita siyang nalaluhod sa harapan ko. God.
Bakit ako kinikilig?!
Siraulo ka Sunhye?
Grrr! Kasalanan ni Jhope Mendez!
"Wag na-"
Bigla naman siyang tumayo sa kinauupuan niya, at sabay lumuhod sa gilid ko kaya naman hinarap ko siya dun kahit nahihiya ako.
Napatakip ako sa mukha ko kahit na nakamask naman kami, kasi hiyang hiya talaga ako. Parang nahubaran ako ng pride sa nangyayari, pero kinikilig ako na ewan! Ugh!
"Will you marry me?" Tanong niya, at narinig ko naman sa tono niya na parang natatawa siya, kaya tumango nalang ako saka niyakap siya as an acting.
Natawa naman kaming pareho nang magpalakpakan yung mga nandito na ibang customers. Humiwalay na kami sa yakap, pero may ibinulong pa si Jhope sa akin na siyang nagpatigil sa akin.
"This proposal may not be real, but I'm promising you that this will happen soon. Sayo din naman ang bagsak ko, Sunhye Park. Ayokong sa iba," bulong niya, at hindi ako makagalaw.
Tuluyan siyang humiwalay sa yakap, at saka naman nagningning ang mga mata at halatang nakangiti kahit na natatakpan ang mukha na parang walang nangyari.
May lumapit naman na staff sa amin na may dalang plato, saka ko narealize.
Omg, yung cake! One slice! Omg, this is it! HAHAHAHAHA.
"Ayan, may cake na tayo," bulong ni Hobi, at sabay naman kaming nagtawanan kahit na medyo stunned pa ako sa sinabi niya. "Pero mas maganda to kapag totoong engaged talaga tayo, hehe."
God.
Kakayanin ko ba araw araw na makita si Jhope knowing na may sinabi siya sa aking ganun? Jeez, mahihiya ako panigurado!
Bakit ka ba kasi marupok dyan?
Well, nakasalalay nalang to bukas. Sa 100m views.
Patience lang, Hobi. Gusto rin naman kita, e. Gustong gusto. Pero bahala na kung magiging tayo. Ang tanong,
When?
YOU ARE READING
waste it on me ♧ jung hoseok
Fanfiction♧ bangtan series #7 ♧ "so if love is nothing more than just a waste of your time, waste it on me," sunny park probably is one of the happiest girl out there kung nakikilala mo siya. her smile can brighten up your day, and she doesn't like it when pe...