waste it on me ; chapter eight - SunHope

18 1 0
                                    

Isang linggo matapos yung Gashina na video namin, madaming nagsuporta sa duo namin ni Jhope. Hindi nga ako makapaniwala na magugustuhan talaga ng lahat, tapos in one week, naka-10 million views na agad.

But aside from that, mas masaya ako kasi nagpatuloy na kami sa group activities the next days after that. Hindi na sila busy sa individual schedules, samantalang pabisibisita nalang muna kami kay Mr Go dahil wala pang plano.

"Oh, isang take pa!" Sabi nung director, habang nagshoshoot na kami ng music video.

Kakarelease lang din nung latest na song galing sa irerelease na album namin, which is yung ginagawan namin ng music video this past week. Last day na nga ng filming ngayon, e. Tapos mamayang hating gabi din daw irerelease. Halatang nirurush ni CEO yung schedule. Wala namang nanghahabol sa kanya.

Nagpunta ulit kami sa positions namin kung saan yung last scene, tapos ay nagroll na ulit yung cameras.




"Okay! That was great! Let's wrap up," sabi nung director, and nagcheer naman kami.

"Kamsahamnida, everyone, thank you for everything," sabay sabay na sabi namin nina Hyerim, Eunhye, at Chloe, while they gave us smiles and nods.

Nag-aayos na sila ng mga equipment, at busy ang lahat. Magkakasama kaming apat na naglalakad papunta sa dressing room, talking about our comeback which will be tomorrow.

Sa album kasi na irerelease namin, compilation din yun nung mga individual schedules na ginagawa namin. Tsaka part two versions ng hits namin. Kaya hindi kasing haba ang preparation.

"Ano kayang reaction ng STARS bukas, no? I hope maappreciate nila yung latest natin," sabi ni Chloe, and I smiled.

"Magtiwala lang tayo. STARS sila, e. I believe they are the reason kaya tayo naging STARLIGHT. Because they make us shine. They believe in us, too," sabi ko, and nagcheer naman sila na parang mga abnormal.

"Ang inspirational mo ngayon, ah? Tinalo si Hyerim!" Sabi ni Eunhye, tawa pa ng tawa dahilan para batukan siya ng leader namin.

"Anong ako?" Sabi ni Hyerim, at nagsalita naman si Chloe.

"Unnie, aminin mo na. Eomma ka namin," sabi ni Chloe, causing the three of us to snicker habang namumula ang mukha ni Hyerim unnie.

"Whatever. Tara na nga. Sa dorm na tayo," sabi ni unnie, kaya naman ay sinundan na namin siya sa paglabas.

Nasa unahan sina Eunhye at Hyerim unnie habang nakasunod naman kami ni Chloe sa kanilang dalawa. Nakaakbay pa si Chloe sa akin na akala mo naman ay mawawala ako.

We were silent, habang dahan dahan at walang kung anong pumasok sa van. E nasa likod si manager, e. Baka mamaya may masabi nanaman siya.




"Unnie, kinakabahan ako," sabi ni Chloe, at umakyat sa kama ko kinagabihan. Patulog na dapat ako, kaso nga lang ay niraid pa niya yung kwarto ko. Bukas kasi, comeback na namin at mag aawarding na din niyan ng best comeback of the month.

"Bakit naman?" Sabi ko, and she pouted.

"Eh kasi naman baka matalo tayo sa awards. Sigurado naman na Dreamcatchers yung mananalo sa best comeback of the month, e." Sabi ni Chloe, as she pushed herself next to me.

Ngumiti naman ako bago ko siya piningot sa tenga dahilan para mapasigaw siya. Tinigilan ko na habang mangiyak ngiyak naman siya.

"Chloe gising ka ba?" Sabi ko sa kanya, habang nakapout siya at tumango.

"Oo naman, unnie! Ang sakit, ha? Hindi mo na ba ako mahal?" Sabi niya, and I laughed at her.

"Ikaw naman kasi. Hindi nagcomeback yung Dreamcatchers this month, no. Bakit kinakabahan ka dyan?" Sabi ko, and nagliwanag naman yung mga mata niya.

waste it on me ♧ jung hoseokWhere stories live. Discover now