"Sunny! Sunny! Tingin dito! Anong pakiramdam ng idate si Jhope Mendez?"
"Sunny! SUNNY! SUNNY PARK! Anong pakiramdam ng i-date ang isang idol na mas angat sayo?"
"Sunny? Anong pakiramdam ng maging girlfriend ng isang idol?"
"Anong masasabi mo sa mga nagsasabi na hindi mo raw deserve si Jhope?"
"Anong masasabi mo sa mga bashers mo?"
I bit my lip, at saka dire-diretso na naglakad papunta sa building ni Mr Go. Sinundan kasi ako ng mga reporters nang magpunta ako sa Fiery Castle kanina kaya naman nakaabot sila hanggang dito.
Nang makarating na ako sa entrance ay hindi naman sila pinapasok, kaya napaupo nalang ako sa floor at saka dun ibinuhos ang mga luha.
Bakit ba ganyan sila? Bakit ba ganun? Bakit sila nagsasabi ng mga ganun? Hindi ba pwedeng maayos nalang?
Bakit kailangan na nagiging ganun pa ang mga reporters?
"Sunny? Tumayo ka dyan, bakit ka umiiyak?" Sabi ni Taemin, na siyang napadaan pala dito.
Agad naman akong tumayo at saka nagpunas ng mga luha. Ngumiti ako ng malawak at saka hinarap siya, tapos ay umiling naman siya at saka pinitik yung noo ko.
"Di mo kailangan magpanggap na masaya. Alam ko nangyayari. Wag ka nang umiyak dyan. Isipin mo nalang na pag nalagpasan niyo na ni Jhope to, mas tatatag pa kayo. Wag kayong masyadong padadala sa mga reporters at mga netizens," sabi niya, at napablink ako.
Tama naman siya, alam kong tama siya, pero nahihirapan ako. Hindi pa kami nag uusap ni Jhope ngayon, kaya naman hindi ko na talaga alam ang sitwasyon.
"May practice daw kayo ni Jhope sabi ni Mr Go. Go get your man," sabi niya, ngumiti at saka iniwan ako.
Nanlaki ang mga mata ko. May practice kami ni Jhope? Paano naman nangyari yun? Akala ko ba iiwasan muna namin ang isa't isa para bawas sa issue? Anong sinasabi ni Taemin na may practice? Niloloko nanaman ba niya ako?
Nakaalis na siya kaya naman hindi ko na magawang tanungin sa kanya kung loko lang ba yun o hindi. Namalayan ko nalang ang sarili ko na tumatakbo papunta sa practice room namin, walang katok katok at diretsong bukas na ng pinto.
Tumambad sa akin ang isang madilim na practice room, kaya naman agad akong nadisappoint. Nagbabadya nanaman ang mga luha ko, kaya pinigilan ko.
Ano ba naman?
Loko nanaman?
I clenched my fists at aalis na sana kaso nga lang ay nang tumalikod ako, may tao na pala sa likod ko.
Natigilan ako, at saka iniangat ang tingin ko.
His soft hair waved in the perfect direction, and his loving eyes gazed down at me. His soft smile reminded me how I am not alone in this relationship, na kaming dalawa ang dapat na lalaban.
Hinawakan naman niya ang balikat ko, at saka biglang tumawa.
What the hell? Bakit siya tumatawa?
Anong trip niya at tumatawa siya? Hindi ba halatang stress na stress na ako sa sitwasyon?
"Hoy, bakit ka... bakit ka nakatawa dyan?" Tanong ko sa kanya, at tumawa naman muna siya bago sumagot.
"Ikaw naman kasi, e. Naiiyak ka ba kasi wala ako dito?" Sabi niya, at nanlaki ang mga mata ko.
Umiling ako, pero alam kong nireveal na ako ng mga pisngi ko. Urgh!
"Sira ka ba? Sa kabila yung practice room natin. Sunny ko talaga, ang iyakin naman pala. Ngingiti ngiti pa siya, iyakin naman. Halika na nga!" Sabi niya, at tumawa sabay gulo sa buhok ko.
I pouted, at saka kinurot naman niya yung mga pisngi ko.
Habang naglalakad kami papunta sa practice room namin, bigla naman siyang nagsalita kaya hindi ko alam ang sasabihin o ano.
"Pasensya ka na, Sunny, kung hindi tayo makapag-usap. Naghihigpit si Bang PD. Pero ngayon naman, medyo lumuwag na siya at hinayaan ako na magpractice tayo," panimula niya. "Saka tandaan mo to. Wag kang papatalo sa mga reporters na yan. Wag mo silang papansinin. Ako gumawa ng gulong to kaya maupo ka lang, stay beautiful and never stress about it. Ako ang aayos ng gulo na to."
Napakunot naman ang noo ko, and then I stopped walking. Aayusin niya? Mag isa? Paano naman mangyayari yun? Paano niya maaayos yun?
"I know you're thinking na kung paano ko yun maaayos, pero magtiwala ka lang sa akin. Ako ang bahala. Panuorin mo lang ang events sa malayo, at kusa yun na babalik sa ayos." Sabi niya, at hindi na ako umangal.
Baka kapag nagsalita ako ay lalo lang akong maguluhan sa mga sasabihin pa niya.
Nakarating na kami sa harapan ng practice room namin, at bubuksan na sana ang pinto nang biglang may tumunog na party popper.
Nagulat ako at napatakip sa tenga ko saka napapikit, kaso nga lang ay hindi lang yun ang tunog. Nagsiingayan din ang mga sigaw, saka mga toy hammer.
Nakarinig ako ng tawanan, kaya naman iminulat ko ang mga mata ko.
Tumambad sa akin ang practice room na punung puno ng myembro ng Bangtan, Starlight, at ni Mr Go and Bang PD.
May long table na nakaset up, may cake na may designs na penguins, tapos ay may malaking penguin na plushie sa gilid. Nakaparty hat silang lahat, tapos ay may mga helium balloons sa taas. Nakaattach naman dun ang mga photos namin ni Jhope, kaya napakagat ako sa labi ko.
"J-Jhope, ano to?" Tanong ko, at bigla naman na sabay sabay silang sumigaw.
"HAPPY MONTHSARY, SUNHOPE! STAY STRONG!" sigaw nilang lahat, sabay nag ingay nanaman.
Bigla namang humakot ng icing si Jungkook, sabay ipinahid yun kay Chloe dahilan para magulat siya at sabunutan siya nun.
And then all hell broke loose.
"HYUNG NAMAN! BAKIT AKO? SABI KO PAGTULUNGAN NATIN YUNG STARLIGHT E!"
"GAGO KA BA? USAPAN NATIN, SI BANG PD AT MR GO YUNG GUGULUHIN!"
"SIRAULO KAYO! SABI KO SUNHOPE ANG GUGULUHIN NATIN NG ICING. MGA SIRAULO! YOU GOT NO JAMS!"
"BEACH? BITCH? PAKYU, HYUNG! SABI NATIN SI SUNNY LANG, E!"
"ANG INGAY NIYO, MGA ULIKBA KAYO. MANAHIMIK KAYO O ISUSUNGALNGAL KO SA INYO YANG MGA KAMAY NIYONG MARURUMI,"
"YOONGI MENDEZ STRIKES! SAVAGE-"
"ISA PA, JIMIN-"
"HEHE, YOONGI PAISA-"
"ABA-"
For once, walang gulo, nawala sa isipan ko yung mga problema regarding the reporters.
Thank you, everyone.
"Silence. Oo nga pala, naresolbahan na natin yung issue about dun sa SunHope. Wala na kayong iisipin. Let's enjoy for now!" Sabi ni Bang PD, at nagcheer naman silang lahat.
"YAY! KAINAN NAAAA!" Sigaw ni Eunhye, at nasapok naman siya ni Hyerim.
"Gaga, sabi ko na nga ba yun lang habol mo dito, e," ani Hyerim.
"Ako, habol ko dito yung competition ng pinakamadaming marurumihang mukha. HAHAHAHA," Sabi ni Chloe, and we all facepalmed.
"Ako din!" Sabi naman ni Jungkook, at naghigh five sila.
We facepalmed twice.
But what was important?
SunHope wins.
YOU ARE READING
waste it on me ♧ jung hoseok
Fanfiction♧ bangtan series #7 ♧ "so if love is nothing more than just a waste of your time, waste it on me," sunny park probably is one of the happiest girl out there kung nakikilala mo siya. her smile can brighten up your day, and she doesn't like it when pe...