"Thanks for the effort, everyone!" Sabi namin ng girls, nang umalis na kami sa recording studio.
Tapos na namin na narecord yung final song namin, and to be honest ay hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nalulungkot silang lahat kaya naman ngumiti ako at naglakad sa harapan nila para tignan sila.
Hyerim was looking down at hinahawakan ng mahigpit yung kamay ni Eunhye, habang si Eunhye naman ay nakakagat sa pang ibabang labi niya. Chloe looked out of it, kaya naman I pouted and looked at them to try and cheer them up.
"Uy, cheer up, girls. This is not the end," sabi ko, tapos ay iniangat nila yung tingin nila sa akin.
Nararamdaman ko na humahapdi yung mga mata ko nang makita kong ganun din yung nangyayari sa kanila, kaso ngumiti pa din ako. Anong silbi ko bilang sunshine of the group kung ako yung unang iiyak? Diba?
"How come na hindi? We will disband in a week, Sunny. Next week na natin yan irerelease," sabi ni Eunhye, kaya naman binigyan ko siya ng soft smile at saka hinawakan yung kabilang kamay niya.
"Hindi naman ibig sabihin nun hindi na tayo magkikita kita, di ba? CEO even said na we can still live in the same dorm," sabi ko, at huminga sila ng malalim.
"But it's still different. Hindi na tayo gagawa ng music together," sabi ni Chloe, at niyakap ko naman siya. Nag umpisa na siyang umiyak kaya naman I chuckled and rubbed her back.
Kapag umiyak siya baka maiyak na din ako. I bit my lip, at saka humiwalay sa yakap ng magsalita si Hyerim.
"But we can still collaborate, right?" Sabi naman ni Hyerim, and napatingin kaming lahat sa kanya.
Magsasalita sana kami, kaso nga lang ay biglang nakita ko na papunta sa amin yung manager namin and mukhang nagmamadali pa siya. Hala? 4 30 palang naman? Baka sabihin niyang may iba pa kaming schedule na gagawin, e dapat day off namin ngayon?
Nakatingin pa siya sa akin kaya naman medyo napatago ako sa likod ni Chloe kaso nga lang mukhang nairita yata. Nakakatakot naman kasi siya tumingin. Parang may kasalanan ako?
"Sunny, hindi ka pa ba aalis? Pinapahanap ka sa akin ni Mr Go! Kailangan ka sa building ngayon," sabi niya, at nanlaki naman ang mga mata ko.
Wala naman siyang sinabi na magkakaschedule kami? Baka biglaan?
"Ano, titignan mo lang ako?" Sabi niya, at napakagat ako sa bibig ko sabay tinignan yung girls para magpaalam.
Tumango sila sa akin, so I followed our manager na parang pinagalitan na bata. Mukhang galit siya, talaga. Akala mo may ginawa akong malaking kasalanan.
Habang naglalakad pa kami papuntang parking lot, yung mga nakakakita sa amin na ibang staff ay nagsisiiwasan pa ng tingin na akala mo takot din siya. Sa lahat ng managers, siya lang yung nakakatakot.
Bahala na. Ilang weeks nalang akong magtitiis sa kanya. Pero mamimiss ko yung STARLIGHT, dahil pumapasok agad sila sa isipan ko sa tuwing maaalala ko yung mga pinagdaanan namin sa manager namin.
Sighing, I got in the van habang inihahatid na niya ako sa building ni Mr Go.
"At last, nandito ka na din, Sunny! Nakaalis na ba yung manager mo?" Sabi ni Mr Go, nang makapasok ako sa practice room namin ni Jhope.
Napalingon ako sa likod ko, and saw na wala na nga si Manager. Wala nanaman.
Nasa loob din si Jhope, and I was surprised to see na may ibang trainee si Mr Go dito. Madalas kasi ay pinapadala din sa building niya ang ibang trainees from different Entertainments, for additional dancing training.
YOU ARE READING
waste it on me ♧ jung hoseok
Fanfiction♧ bangtan series #7 ♧ "so if love is nothing more than just a waste of your time, waste it on me," sunny park probably is one of the happiest girl out there kung nakikilala mo siya. her smile can brighten up your day, and she doesn't like it when pe...