waste it on me ; chapter eighteen - dawn

11 1 1
                                    

Everything about tonight was a big blur, pero hindi ko pa din alam ang gagawin ko. Parang ang bilis ng mga pangyayari, at hindi ko mahabol yung oras. One moment, I was just happy na magkaibigan na ulit kami ni Jinjin and the next thing I know, nagtext si Mr Go sa akin na nagpull out na daw sa partnership nila si Jinjin at hindi na matutuloy yung video namin.

There are only a few things na nagtagal sa isip ko about the events from earlier. Una, nanood kami ng DC special show, then kinausap ko si Jinjin at nangyari ang di ko inaasahan, and then Jhope tried comforting me, tapos ay yung binalita sa akin ni Mr Go ang pag alis ni Jinjin sa partnership.

It was dawn at gusto kong makapag isip isip, at gusto ko din naman na maalis ang mga yun sa isipan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya naman umupo nalang ako sa kama ko at sinuot yung hoodie na kinuha ko pa kay Jhope. I was debating whether to go out of the dorms and jus walk around para mawala sa isipan ko yung mga pangyayari kaso nga lang ay baka mapagalitan ako ng manager namin.

Isa sa mga kinatatakutan ko kasi yung manager namin na malahalimaw kapag nagalit. Hindi rin naman namin siya inaano, pero ang tapang niya sa amin kaya hindi namin alam kung paano ang iaasta naman kapag nandyan siya.

I sighed, tapos ay tumayo nalang. Nakasuot naman ako ng track pants kaya nagsapatos nalang ako at kinuha yung phone and wallet ko. I went out of my room then looked sideways kung nandun sina Hyerim at pasimpleng nagtatago, pero hindi. When I realized that the area was clear ay agad naman akong tumakbo pababa sa front door at isinara yun ng mabuti matapos akong makalabas.

I bit my lip, habang nagsisipasok nanaman sa isipan ko yung mga pangyayari kagabi. It was almost two in the morning, pero wala akong magawa kundi ang tumakas kahit na irisk ko pa ang career kong sa ayaw at sa gusto ko mang sabihin ay medyo lulubog din naman.

Mayroon pa kaming final recording ng final song namin ng STARLIGHT mamayang 8 am, pero wala na akong pakialam. Wala ring mangyayari at mas maguguluhan ako kapag hindi ko pa ginawa ang pag alis ko na ito.

Unti unti ay naglakad na ako palayo sa dorm, hindi iniisip na baka hanapin nila ako dahil dala ko naman yung phone ko. But do I really want to open my phone as I get away from the dorm and from the thoughts I'd rather run away from?

Malapit lapit na ako sa may convenience store, at nasa may mini abandoned park na ako nang mag umpisang pumatak ang ulan. I halted, tapos ay itinaas ko nalang ang hood ng suot ko bago maglakad ulit palayo kaso nga lang ay halos mahimatay ako sa takot nang may humablot sa kamay ko.

Pinilit kong alisin ang kamay ko kaso nga lang ay nakita ko kung sino yung may hawak nang harapin ko na siya para sipain sana, Naiiyak na ako sa mga pangyayari, pero pinipigilan ko nalang. I know I already cried earlier but my heart screams and wants to tell me to cry my eyes out again.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ko at halos manlambot pati ang mga tuhod ko nang makita ko na si Jhope lang din yun ngunit tinitignan niya ako ngayon na parang nagaalala siya ng sobrang sobra. Bakit naman?

"Jhope, pwede mo na akong bitawan," I muttered, kaso nga lang ay hindi niya yun ginawa. Instead, mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko bago ako pinaharap ng mas malapit sa kanya. I bit my lip, at saka mas tumingin sa baba.

"I don't want to, Sunny. Ayaw kong bitawan ka kasi naaalala ko yung panahon na hinayaan kitang maiwan at umiyak sa piling ng maling tao. It was Jinjin. I can't let you deal with your problems alone again, this time kahit na ano pang mangyari hindi na ako aalis. Kahit matae ako sa daan, kidding aside, hindi kita iiwan," sabi niya, at nagsimula nang magbagsakan ang mga luha ko at pinalo palo ko siya dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

"Nakakainis ka! Bakit kailangan mong gawin to? Pwede mo na akong hayaan, Jhope. Kaya ko na to," sabi ko, pero umiling siya at hinawakan ang magkabilang kamay ko ng mahigpit para hindi ko na siya masaktan. By this time, umiiyak na ako ng todo at nag uumapaw na ang mga emosyon ko. Hindi ko alam kung paano ako tatahan.

"Hindi nga. Hindi ako aalis. Sunny. Nasasaktan akong nakikitang ganito ka dahil sa maling tao. He is just a chapter of your life, Sunny. Turn the page. Sana naman maisip mo na hindi mo deserve yung ganito. You're a ray of sunshine, Sunhye, I don't wanna lose that just because of some guy who thinks na babalik siya sa buhay mo at aalis lang din matapos na masigurado na ayaw na niya talaga," sabi ni Jhope, at medyo natigilan ako.

"No. Hindi siya ganun, Jhope. Hindi siya bumalik sa buhay ko para lang iwan ako. We're both victims here. We just got caught in the moment, at nangyari na to dati. I can't blame him, because I felt the same way because of what other people say about us, too. Ako lang tong tanga na kumapit sa alam namang walang pagkakapitan," sabi ko, at huminga naman siya ng malalim bago ako niyakap.

By that time, lumakas na ang ulan pero ni isa sa aming dalawa ay walang may pakialam. He was just hugging me, being the best friend that he was, at gaya nga nang sinabi niya ay hindi niya ako iniwan dito. Kahit na magkasakit pa kami dahil sa biglang paglakas ng ulan ay walang may pakialam sa amin. It was a moment we treasured.

"Sunny, I just hope you stop thinking about Jinjin, because you are so much more than what you can be kapag nandyan si Jinjin. You are your own person at hindi niya dapat maapektuhan yun,"

I wish I could pay him back for everything he's ever done to help me. God, ano pong ginawa ko para madeserve ang isang best friend na katulad ni Jhope?

Putting all the emotions aside, naisipan namin ni Jhope to do what we do best, dancing. Nagpunta kami sa dorm nila, at nagulat ako dahil gising pa yung members nila. Nakaharap pa nga sila sa TV, bukod kay Yoongi at V na wala na sa dorm dahil mayroon na silang Marione at Charlene na makakasama sa sarili nilang mga tahanan.

Jin was eating ramen habang tutok na tutok pa sa pinapanood nila which I was guessing ay yung bagong drama ni Hanjin, yung girlfriend niya. Action naman yun, kaya naman ay mas nanood sila. Si Namjoon naman ay nagbabasa ng libro pero minsan ay napapatingin din siya sa pinapanood nila. Jimin was watching intently habang nakatulog naman sa balikat niya si Jungkook.

"Oh, Jhope, Sunny, buti nandito kayo? Hala, basa pa kayo. Maligo nga kayo, tapos magpalit. Ano nanamang kalokohan yan, e," sabi ni Jin, at agad ko namang naisip, mom.

"Oh, hi, Sunny," bati ni Namjoon, and I just smiled at him and nodded as a greeting.

"Sunny, hello!" pagbati ni Jimin, mas mahina dahil baka mamaya ay magising niya pa si Jungkook.

Hinawakan naman ni Jhope ang wrist ko atsaka dinala ako sa taas, sa kwarto niya. We couldn't make out the noises from downstairs dito, at binigyan naman niya ako ng mga damit which I was guessing ay sa kanya. Iinuro din niya sa akin ang bathroom, kaya naman ay sinunod ko nalang ang sinabi ni Jin.

When I was done ay nakasalubong ko naman siya na papunta din sa kwarto niya, kaya naman ay binigyan niya ako ng ngiti at saka naggesture nalang siya sa isang kwarto na extra. I was guessing na they had their mini practice room dito kaya naman sinundan ko nalang siya.

Stepping away from his room, I could feel myself getting slowly comfortable habang hinihila niya ako papunta sa practice room sa dorm nila. Inobserbahan ko ang mga pasikot sikot sa dorm nila, kahit na medyo nakakabisado ko na rin, at saka tumigil nang may maalala ako.

"Jhope," tawag ko, at tumigil din siya.

"Bakit?" tanong niya, and I smiled at him.

"Thank you for everything,"

It was the most memorable dawn for me.

waste it on me ♧ jung hoseokWhere stories live. Discover now