waste it on me ; chapter four - new recruit

21 1 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon kaya naman nagpunta ako sa Ai Coffee Shop para kumain muna. Pagkagising ko kasi wala na si Chloe, kaya naman umalis na din ako. Wala na rin naman sila Eunhye at Hyerim sa dorm kaya umalis na din ako kahit na may kalahating oras pa ako.

"What's your order for today, ma'am?" tanong ni Stacy, yung worker dito na lagi kong naaabutan. Nginitian ko naman siya and then tumingin sa menu nila na nasa taas.

"I'll get the chocolate mix berries frappe and a chocolate glazed doughnut," sabi ko, and then she nodded. Nagbayad na ako agad and she gave me my change, tapos ay naupo ako sa isang table na malapit lang sa may counter para madali lang na makakarating sa akin yung order ko. "I'll take it out."

Inisip ko naman yung sinabi ni Mr Go kagabi. May bagong recruit siya tapos magiging kasama daw namin ni Jhope ng umaga? Sino naman kaya yun? Babae kaya o lalaki?

Napaisip naman ako. Hala, twenty minutes nalang, tapos kailangan ko nang makarating dun. Nandun na kaya si Jhope? Baka mamaya naunahan niya pa ako! Ako nauuna dun, eh! Bigla naman na inilapag na sa harapan ko yung inorder ko so I thanked Stacy at tumayo na.

Pagkatayo na pagkatayo ko ay nagulat ako dahil nasa harapan ko na si Jinjin. Oo, si Jinjin ng Astro. Nginitian ko siya tapos nginitian naman niya ako pabalik. Aalis na sana ako kaso nga lang ay hinawakan niya yung wrist ko para pigilan ako. Tinignan ko siya as if asking, and inalis naman niya yung pagkakahawak niya sa akin and awkwardly laughed sabay nagkamot ng ulo.

"Saan ka pala pupunta?" sabi niya, and I chuckled.

"Magdadance practice, eh. Ikaw?" sabi ko. Antagal na din nung huli ko siyang nakausap. Siguro dalawang buwan. Paano ba naman kasi, lagi kaming inaasar sa isa't isa nila Hyerim to the point na nailang na siya sa akin. We used to be almost best friends, eh kaso nga nagkailangan na kami.

"Oh, ako din. Pinasok kasi ako ng CEO namin sa company ng isang sikat na dance choreographer dati. Sinong instructor mo?" sabi niya, and I smiled.

"Mr Go," I smiled proudly, dahil mahirap makapasok sa company ni Mr Go.

"Oh! Parehas pala yung pupuntahan natin. Wait, baka kayo yung makakasama ko. May kasama ka bang nagpapractice lagi?" sabi niya, and I nodded.

"Yep. So, sabay na kaya tayo?" sabi ko, at ngumiti naman siya at tumango.

Naupo muna ako sa isang available na seat tapos hinintay siya. Hindi na siya umalis sa counter at dun na hinintay yung order niya kaya naman nang makarating na siya sakin, umalis na agad kami.

Tumawid kami, tapos naglakad ng kaunti at nakarating na sa building ni Mr Go. Habang papasok ay binabati ko yung ibang mga instructor dito at mga trainee, kaya naman ngumingiti din sila pabalik. Hindi ko alam pero kapag hindi ako bumabati sa mga tao sa paligid ko, pakiramdam ko ang rude ko na.

Nakarating naman kami sa dance practice room na lagi naming pinupuntahan ni Jhope, yung may nakalagay na pangalan na namin sa doors. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay sinalubong ako ng tumatawa na si Jhope tapos bigla pang umakbay sa akin kaya naman I groaned. Naunahan niya ako!

"Ha! Nauna ako sayo, Sunny!" sabi niya, at tawa pa ng tawa. Kinatok ko yung ulo niya dahilan para humiwalay siya at hawakan yun habang nagggroan pa. "Ouch."

"Ipangalandakan mo pa kasi sakin! Ayaw kong nalelate sa dance practice!" sabi ko sa kanya, at nakarinig naman ako ng pag ubo kaya natigil ako sa pagsasalita. Hindi nga lang pala kami ang magiging tao dito ngayong umaga.

Nanlaki naman yung mata ko nang makita ko na nandito din si Mr Go sa loob. Ibinaba ko yung pagkain na binili ko at ngumiti sa kanya ng malawak at niyakap siya. Close na kami, bakit ba. Jhope pouted at me but I stuck my tongue out at him. Si Jinjin naman, nakatayo lang sa may gilid habang umiinom ng frappe niya at nanonood. May kasama pa na babae si Mr Go na mukhang mas bata pa sa akin, e. Akala ko new recruit, hindi recruits?

"Good morning Sunny! Lawak ng ngiti, ah. Dahil ba inakbayan ka ni Jhope?" pang aasar ni Mr Go kaya naman pinalo ko siya.

"Hala hindi naman! Kahit ano pang gawin sakin nyan, hindi ako ngingiti kahit gusto kong ngumingiti! Babae siya sa paningin ko!" sabi ko, at sumigaw naman si Jhope.

"Oi, hindi ako babae! Nakakainis naman, eh! Hindi ako babae!" sabi niya, at nagtawanan kami.

"Siya nga pala, mukhang kaibigan mo si Jinjin, ah? Magkakilala ba kayo, Jinjin?" sabi ni Mr Go, at lumapit naman siya sa amin.

"Yes, magkakilala po kami," sabi ni Jinjin. "Masayahin nga po yan, eh. Parang bawal umiyak sa kanya."

"We should appreciate happiness," sabi ko, smiling a little.

"You should appreciate my handsomeness," sabi ni Jhope, and I groaned kaya naman nagtawanan sila.

"Magpractice kayo ng kahit ano, kasama niyo ngayong umaga si Jinjin para naman may kasama siya. Siya nga pala, pamangkin ko. Si Demi. Magaling na choreographer yan, ang galing galing nga sumayaw eh. Sabi ko sa kanya, mag idol siya, magaling din kasi kumanta kaso nga lang ayaw na daw niya sa ganun," sabi ni Mr Go, and nagbow naman sa amin yung Demi. She looked younger. "Mas bata pa sa inyo yan. 99 liner yan," sabi ni Mr Go.

"Nginingidngod mo talaga sa lahat ng tao yung mga tungkol sakin, uncle." sabi ni Demi, at nang magtama ang paningin namin ay nginitian naman niya ako so I did the same.

"O sige, maiwan ko muna kayo. Demi, ikaw muna bahala sa kanila, ah?" sabi ni Mr Go, at tumango naman yung Demi.

Lumabas na si Mr Go at sinundan ko ng tingin. Kinakabahan ako dito kay Demi. Pakiramdam ko e hindi siya basta basta kasi naman, may lahi ni Mr Go yan e. Pero bakit ayaw na kaya niya maging idol? Teka, na? Ibig sabihin dati gusto niya? Huh?

Ikinonekta naman niya yung phone niya dun sa speaker kaya hinintay namin na magpatugtog siya.

"Hope you guys and girl like Michael Jackson, because I sure as hell do," sabi niya, and I grimaced.

Oh. Nako. Nagkatinginan kami ni Jhope at Jinjin, tapos ay kay Demi.

"What?" she asked, tapos nagscroll sa phone niya.

"Nice choice," sabi ni Jhope, smirking.

I facepalmed. Eh yung style ni Michael Jackson kasi, eh! Yung may paano ano yung lalaki. Bahala na. Malamang ipapamukha sa akin ni Jhope na lalaki nga siya.

waste it on me ♧ jung hoseokWhere stories live. Discover now