Chapter 1
Deceiver
PAANO ba natitiis ng mga tao na gumawa ng masama? Ano ba ang tumutulak sa kanila upang gawin ang hindi nila dapat gawin? To answer that, innately bad people don't exist actually, only bad circumstances. At ang mga sirkumstansiyang ito ang nagsisilbing driving forces sa mga tao upang gumawa ng masama.
Sa madaling salita, hindi tayo nagiging masama dahil lang sa wala. Lahat ay may rason.
Hindi na ako nagulat pa nang makita ko ang aking pangalan sa listahan ng mga nakapasang aplikante para sa scholarship na ibinigay ng Magic Ministry. Sa simula pa lang ay alam ko nang makakapasa ako rito. I never doubted myself. I always get what I need to.
Agad ko namang nilisan ang ministry at bumalik sa bahay. Malayo pa ang lalakarin ko mula bayan hanggang sa bahay dahil nakatayo ito sa gitna ng bukirin. Ilang tao rin ang nangungumusta sa akin habang naglalakad ako at sinuklian ko lamang sila ng isang tipid at pilit na ngiti. Pilit, dahil hindi ko hinahayaang maging kumportable ang aking sarili sa kahit sinong tao. Hindi ko sila mapagkakatiwalaan.
Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Tatay na naghahanda na upang bumalik sa bukid pagkatapos mananghalian.
"Oh anak? Nakapasa ka ba?" bungad na tanong niya sa akin. Ngumiti lamang ako ng tipid at alam kong nakuha niya naman iyon. "Alam ko naman kasing kaya mo 'yan. Ipinagmamalaki kita kahit hindi tayo magkadugo anak," sa muli ay ngumiti ako.
Right. He's just my foster dad. Anim na taon na ang nakakalipas nang matagpuan ako ni Tatay sa gitna ng kakahuyan. Sampung taon na ako noon kaya naman tandang-tanda ko ang lahat ng mga nangyari. Nakaupo lamang ako doon sa isang bato habang yakap-yakap ang mga binti ko, humihikbi dahil sa mga naranasan at nasaksihan bago ang mga sandaling iyun na tanging ako lamang ang nakakaalam.
I was alone out there twisting my head sideways like a lost stray cat looking for help. It was the saddest moment of my childhood. Parang hindi na ako bata sa mga oras na iyon dahil sa mga pinagdaanan ko.
Hindi nagtagal ay may dumating na isang magsasaka suot ang nagtataka at nag-aalalang mukha – si Tatay. Marahil ay narinig niya ang mahinang paghikbi ko. A blaze of hope sparked in me nang makita ko siya dahil sa wakas ay may sasaklolo na sa'kin. I stopped crying and gently wiped the flowing tears through my cheeks.
Nilapitan niya ako at tinanong kung ano ang pangalan ko and I said, "Drape". Tinanong rin niya ako kung anong nangyari sa akin; kung saan ang mga magulang ko; kung sino ang kasama ko. And I just answered him, "Hindi ko alam".
That's what I said, but that's not true. I just made him think that way. Hindi ko sinabi sa kaniya kung ano ang mga naganap bago pa man niya ako nadatnan doon na nag-iisa. He must not know. Everybody must not know.
Sinama niya ako pauwi dito sa kaniyang munting kubo, pinabihis, pinakain, at binuhay. Sinubukan niya ring ipagtanong sa ministeryo ang tungkol sa akin ngunit wala silang mahanap na impormasyon. Kaya nagdesisyon na lang siyang ampunin ako.
YOU ARE READING
He Who Must Not Lie
Fantasy"Liars go to hell." Almost every living person believes in this notion - but not Drape Scamander. He didn't have a normal childhood because at the age of ten, he already experienced hell even without muttering a single lie. As he entered Grim Academ...