Chapter 4
The Heartbreaker"LOOKS like your heart beats for me," she said.
Tiningnan ko lamang siya nang masama habang sapu-sapo pa rin ang dibdib ko. Patuloy lamang sa pagtibok ang puso ko nang sobrang mabilis, at sobrang lakas. Is this her lore? Has it something to do with the human hearts?
Dahil sa hindi ko alam ang gagawin dala ng sobrang sakit na nararamdaman ay iwinasiwas ko na lang ang mga kamay ko. Sunod-sunod namang umangat nang biglaan ang ilang bahagi ng sahig. Dahil hindi nakapaghanda ang babae ay natamaan siya at tumilapon sa kabilang dulo.
Lumikha ng malakas na pagkalabog ang kaniyang pagbagsak at narinig ko pang napadaing siya sa sakit. Pagkatapos nun ay unti-unting humina ang pagtibok ng puso ko hanggang sa naging normal na muli ito. Doon ko nakumpirmang puso nga ang pinupuntirya ng lore niya.
Muli akong tumayo at inayos ang sarili. Tiningnan ko ang oras at 15 minutes na lang ang natitira bago matapos ang sectioning. Kailangan ko nang magmadali.
Tatakbo na sana ako papunta sa hagdan ngunit biglang sumigaw ang babaeng 'yun kaya napatingin ako sa kaniya. Sumusugod na pala siya dala-dala ang kaniyang espada.
Tatamaan na sana ako ng kaniyang pag-atake ngunit dahil mabilis ang reflex action ko, naiharang ko dito ang hawak kong espada. Nagtulakan naman kami at tanging ang dalawang espadang naggigitgitan lamang ang pumapagitna sa amin.
"In just a moment, matutumba ka rin katulad ng ibang estudyanteng nasa likuran ko," nanggagalaiting sabi niya habang ngumingitngit pa ang mga ngipin.
"Talaga? Tingnan natin," panghahamon ko naman sa kaniya.
Pagkasabi ko nun ay agad siyang umatras pasudsod sa sahig. Umusok pa ang bahagi ng sahig na dinaanan ng kaniyang mga paa dahil sa mga alikabok.
Iwinasiwas niya nang limang beses ang espadang hawak na parang hinihiwa ang hangin saka itinuro ito sa akin. Tiningnan ko lamang siya ngunit hinahanda ko rin ang aking sarili kung sakaling gagalaw siya.
Matapos ang ilang segundo ay bigla siyang sumigaw at tumakbo papunta sa akin dala ang espada. "Ahhh!"
Habang tumatakbo siya ay pinaikot-ikot ko rin ang espada sa magkabilang gilid ko para kumuha ng buwelo. Nang makalapit na siya sa akin ay inatake niya ako at katulad ng dapat na mangyari ay nasangga ko ito.
Ngunit hindi namin inasahan ang sumunod na nangyari. Dahil sa lakas ng pagbanggaan ng dalawang espada ay napudpod ang mga ito at magkasabay na nahulog sa sahig ang bawat piraso.
Agad-agad niya akong tinulak kaya naman natumba ako. Mabilis naman akong tumayo sa takot na daganan niya ako. At muli na namang nagsimula ang laban sa pagitan naming dalawa.
This time, she did the first move. Using her right fist he gave me a quick punch but I managed to dodge it. I have the chance to counterattack but just like what I did, she avoided it. We just continued giving each other a series of punches and attacks but still no one of us got hit.
YOU ARE READING
He Who Must Not Lie
Fantasi"Liars go to hell." Almost every living person believes in this notion - but not Drape Scamander. He didn't have a normal childhood because at the age of ten, he already experienced hell even without muttering a single lie. As he entered Grim Academ...