Chapter 9
Massacre to Nature
PAANO ko kaya papatigilin si Vitani sa panggigisa sa'kin? Hindi naman kasi pwedeng palagi ko na lang siyang iwasan. At mas lalong hindi ko siya pwedeng paslangin. Bukod sa ilegal ito, malaki rin kasi ang maitutulong niya sa akin sa magiging kompetisyon namin sa Grand Magic Tournament, kahit ayaw ko mang aminin.
Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Mabuti na lang at inalam ko na agad kanina sa mapa ni Melina kung saan ang lokasyon ng aming susunod na klase.
Nag-iisa lang kasi ako ngayong naglalakad papunta sa susunod naming academic subject which is Loriciology. Loriciology is the study of Famous Lorics, Heroes and even Villains. Kumbaga parang Magic History din siya kaso nga lang, ang inaalala sa Magic History ay mga past events habang sa Loriciology ay mga kilalang Lorics naman.
Sobrang tago ng classroom namin sa Loriciology. Dumaan pa ako sa isang makitid na hallway. Sa sobrang kitid, tanging dalawa katao lang ang kakasya sa pasilyong ito.
Sa mga pader ng hallway na ito ay may mga nakasabit na picture frames. Ang mga nasa bawat larawan ay ang mga tanyag na Lorics sa buong Magic Dome. At malamang, lahat sila dito ang pag-aaralan namin sa Loriciology. Karamihan sa kanila ay kilala ko na. Nabasa ko na kasi sila sa libro kong Greatest Lorics of All Times.
Sinuri ko ang mga larawan. Unang nakahagip sa aking paningin ay ang larawan ng isang babae na nasa mid 30's na ang edad sa tantiya ko. Ang kaniyang buhok ay purong itim ngunit ang ilang bahagi ay kulay asul. Sa ilalim ng kaniyang imahe ay nakasulat ang Pamela Percival: Water Elementalist. Siguro, dito sa klaseng 'to ko rin malalaman kung kaanu-ano nga talaga ni Percival ang babaeng 'to.
Sa katabing picture frame ay nakapaloob ang larawan ng isang lalake na may mahabang kulot na buhok na umaabot hanggang balikat. Mahaba rin ang kaniyang bigote. Ang dulo ng bawat buhok nito ay kulay apoy. Magkasalubong rin ang kaniyang dalawang kilay marahil ay ayaw niyang magpakuha ng litrato. Nakasulat ang kaniyang pangalan sa baba ng kaniyang larawan. Felix Fernandez: Fire Elementalist.
Sa sumunod na picture frame ay naglalaman naman ng larawan ng isang babaeng napakaamo ng mukha na dumagdag pa ang kaniyang napakagandang ngiti. Hindi rin nagpapahuli ang kakinisan at kaputian ng kaniyang kutis. Hindi mo aakalaing kasing edad na niya ang mga taong nasa naunang mga picture frame. Kumikislap din ang kaniyang mga mata na parang mga bituin sa madilim na langit. Katulad ng mga naunang larawan, sa ilalim nito ay nakasulat ang kaniyang pangalan. Seraphina Celeste: Wind Elemenalist. Ang pinakakilalang Wind Elementalist sa buong Magic Dome. Not because of her strength but because of her looks.
Napadako naman ako sa susunod na kuwadrado. Nakalagay sa loob nito ang larawan ng isang lalakeng medyo bata pa. Sa tingin ko ay mga mula dalawa hanggang apat na taon lang ang agwat nito sa akin. Halata sa kaniyang mukha ang tapang na tinataglay. Kapansin-pansin rin ang malapad niyang balikat tanda ng kaniyang malaking katawan. Parang siya at ang lore niya ay iisa. Jared Jackson: Earth Elementalist. Oo. Magkaparehas kaming dalawa ng lore. Pero alam ko namang mas malakas ako sa kaniya.
YOU ARE READING
He Who Must Not Lie
Fantasy"Liars go to hell." Almost every living person believes in this notion - but not Drape Scamander. He didn't have a normal childhood because at the age of ten, he already experienced hell even without muttering a single lie. As he entered Grim Academ...