Chapter 13: Rest of the Day

55 8 2
                                    

AUTHOR'S NOTE: MAY MGA INEDIT AKO SA PREVIOUS CHAPTERS BUT I'M NOT REQUIRING YOU TO REREAD. SIGURO BETTER LANG IF MAG-REREAD KAYO PARA MA-REFRESH ANG MGA PANGYAYARI SINCE SOBRANG TAGAL BAGO AKO NAKAPAG-UPDATE ULIT. SORRY HEHE!


Chapter 13
Rest of the Day



BEEP! BEEP! BEEP!

"Time's up!" Dober announced. "Nasurpresa mo na naman ako Dray!? Akala ko Earth Elementalist ka? Hindi ko alam, hangin na pala ang Earth ngayon," bilib na reaksiyon ni Dober.

Hmm. Alam pala nila ang lore ko, or most probably, alam nila ang lore naming pito. Hindi naman nakapagtataka kasi nakalagay sa record namin kung ano ang lore namin at sila ang advisers namin so natural lang na alam nila 'yun. And also, they might have seen us fighting during the Sectioning.

"Henry, pumunta muna kayo ni Dray sa clinic para magpahinga," Lady suggested while looking at me intently. I prefer calling her Lady though.

Napansin kong seryosong-seryoso ang pagkakatingin niya sa'kin.

Tumango naman si Professor Hamilton at tumingin sa akin na parang hinihintay ako. Tumango naman ako at nagsimulang maglakad. Sumunod naman siya.

Napansin ko na sinusundan ako ni Lady ng kaniyang questioning look. Siguro ay malaking palaisipan pa rin sa kaniya kung paano ko nagawang kontrolin ang hangin. Pero I can't find any reason kung bakit ganun talaga siya makatingin sa'kin.

Nang makalapit kami sa mga kasama ko, kinalabit ako ni Pruschian at may ibinulong. "Huwag kang mag-alala Drape. Hindi namin sasabihin kung paano mo nagawa 'yun," he whispered and wiggled his brows. Tiningnan ko lang siya nang masama.

"It was a great fight Drape!" ani Melina with thumbs up.

Tumingin ako kay Vitani para makita ang reaksiyon niya. Pero tinanguan niya lang ako saka nag-smirk. Creepy. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng pagtango niya at pag-smirk. I even don't know if it is a positive or negative remark.

"Ako na ang next na kakalabanin niyo!" rinig kong sigaw ni Dober. "Huwag kayong matakot kasi hindi naman ako ganun kalakas," sabi pa ni Dober na halata namang hinaluan niya ng sarkasmo.

Gusto ko pa sanang manood para malaman ko kung ano ang lore ng dalawa pa naming advisers pero dahil dumudugo pa rin ang bibig ko, wala akong choice. Kaya nagpatuloy kami sa paglalakad ni Professor Hamilton.

"Have you noticed how Gilda looked at you kanina nang palabas na tayo ng training room?" he asked nang makalabas na kami ng training room.

Hindi lang pala ako ang nakapansin. Pati si Professor Hamilton ay nakita din 'yun. Maybe there's a story behind that stare.

"She has her reason," sabi ko na lang.

"Paano mo nalaman?"

"Everyone has a reason behind doing something," I answered and looked at him meaningfully.

"You couldn't tell actually. What if, trip niya lang?"

"Still counted as a reason though," sagot ko saka binalik ang tingin sa daan.

"Okay," Professor fussed. "So, by all means do you know what her reason might be?"

"I don't know, Professor," I replied, lowering my rude manner by saying "Professor." Para sa'kin kasi nababawasan ang pagkawalang galang mo kung may "Professor" or "Ma'am" sa sinasabi mo since sign of respect 'yun.

"And I suppose you don't also know what her lore is," sabi pa niya.

Hindi ako kumibo sa sinabi niya. Nanatiling sa daan ang paningin ko at nagpatuloy lamang ako sa paglakad. This is my own way of "silence means yes."

He Who Must Not LieWhere stories live. Discover now