Chapter 12
The First Training
PANIWALANG-PANIWALA naman sila sa Vitani na 'yun na ako nga ang Wisest Wizard. Pero on the brighter side, mas mabuti na ring ganun ang pagkakakilala nila sa akin – na ako ang Wisest Wizard.
Sa ganitong paraan, matatakpan ang tunay kong pagkatao. Sa ganitong paraan, hindi nila malalaman kung sino ang totoong ako. Sa ganitong paraan, walang makakaalam sa mga nagawa ko.
But I didn't expect na mahuhulog si Vitani sa ganito. Hindi man lang ba niya naisip na maaaring gawa-gawa lang ng kung sinumang saksi ang kuwentong 'yun. Porket kamukha ko lang ang tao at alam ko ang Wisest Theory ako na agad ang Wisest Wizard? Marami namang magkamukha diyan pero sadyang magkamukha lang talaga sila.
Lumabas na lang ako ng cafeteria at hinayaan na lamang silang mag-isip ng kung anumang naiisip nila tungkol sa akin. At dahil wala naman na akong pupuntahan ay dumiretso na ako sa Training Hall kung saan magaganap ang training naming mga Reapers.
Mabuti na lang at kusang itinuro sa amin kanina ni Melina ang direksiyon papunta sa Training Hall. Kaya naman hindi ako maliligaw kahit mauna pa akong pumunta doon.
Habang papalapit ako sa Training Hall ay papaunti naman ang mga nakakasalubong kong estudyante, hanggang sa wala na talagang natira. Medyo tago kasi ang Training Hall para walang may makadistorbo sa aming training.
Malamang kapag maraming estudyanteng dumadaan dito, sisilip na naman sila niyan para matitigan si Yojan, o di kaya'y si Vitani.
Pagdating ko ng Training Hall, may narinig akong mga pagkalansing ng mga espada. Malamang may nagte-training na sa loob. Pero sino naman? Naiwan pa sa cafeteria ang mga kasamahan ko ah.
Kaya naman para mapunan ang kuryusidad ko ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Dahan-dahan rin akong pumasok para naman hindi ko magambala ang mga nag-eensayo.
Nakita ko ang isang lalakeng nakatalikod sa akin na prenteng-prenteng nakatayo sa gitna ng Training Hall. Hawak ng kaniyang kanang kamay ang kaliwang kamay niya sa kaniyang likuran.
Pamilyar ang kaniyang pigura. Si Professor Hamilton.
Katunggali niya ang isa pang lalake na hindi ko kilala. Nakaharap siya sa direksiyon ko ngunit hindi niya ako nakita dahil tutok siya sa laban nila ni Professor Hamilton. Hindi siya mukhang matanda pero hindi rin mukhang bata. Parang nasa late 20's na siya.
Determinado siyang nakikipag-espadahan sa kusang gumagalaw na espada. Habang si Professor Hamilton naman ay parang nakatingin lang sa katunggali niya at sa espadang kusang gumagalaw.
Doon ko napagtanto ang lore ni Professor Hamilton. Telekinesis. It may sounds so common, but it is not common in our world. Sobrang makapangyarihan ng Telekinesis para maging common lore.
Ito ang pagpapagalaw sa kahit anong solid na bagay sa pamamagitan lamang ng isip. There's a deep logical explanation kung paano ito nagagawa ng mga Telekinetic mage pero tinatamad akong magpaliwanag.
Pero may excemptions din ang mga bagay na kayang kontrolin ng Telekinesis. Hindi kayang pagalawin ng Telekinesis ang: tao, hayop (dahil hindi naman sila mga bagay), at kahit anong element-related subjects (hal. apoy, hangin, ulap, usok) dahil tanging mga elementalist lamang ang makakakontrol nito.
Ngunit kahit ganun, masasabi pa rin nating sobrang lakas ng Telekinesis. Katulad nga ng nangyayari ngayon. Ang lalakeng may hawak na espada ay bakas na ang pagod sa mukha ngunit si Professor Hamilton naman ay parang hindi nga nilabasan ni isang butil ng pawis.
YOU ARE READING
He Who Must Not Lie
Fantasy"Liars go to hell." Almost every living person believes in this notion - but not Drape Scamander. He didn't have a normal childhood because at the age of ten, he already experienced hell even without muttering a single lie. As he entered Grim Academ...