Chapter 10: Another Responsibility

128 37 56
                                    

Chapter 10
Another Responsibility

Chapter 10 Another Responsibility

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


MGA ilang wirdung kaisipan na rin ang nasabi ng Professor na 'to sa amin na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam ang kaniyang pangalan. Paulit-ulit lang naman ang thought ng kaniyang mga sinasabi. At isinusulong niya talaga ang hustisya para sa pagkamatay ng limang elementalists.

"They formed this alliance to protect the whole Magic Dome from the wickedness and snares of devilish Lorics. They formed an association to cater the needs of some indigent Lorics in terms of defense," muli na naman niyang saad.

Yes. These five elementalists have an alliance. The Natural Alliance Kung naalala niyo, ito ang nabasa ko mula sa libro na Famous Organizations and Associations in Magic Dome na nakita ko sa mini-library sa aming dorm.

Hindi lang sila tumutulong sa pakikipaglaban sa mga masasama. Tumutulong din sila sa ibang mga bagay katulad ng pagkontrol sa panahon, pagpapalago ng mga halaman at iba pa na pwede nilang magamitan ng kanilang lore.

"But how come someone has the guts to kill them. What is the motive?" dugtong niya pa sa nauna niyang sinabi.

Napapansin kung hindi kumportable si Melina dahil sa pangamba na nararamdaman. Marahil ay natakot siya sa sinabi ng Professor tungkol sa pagiging malaya ng suspek. Ang limang natitira naman ay all-ears sa sinasabi ni Professor at parang sinusubukan din nilang bumuo ng sagot sa mga tanong ni Professor.

Ako, hindi naman sa hindi ako interesado sa mga sinasabi niya. Sadyang alam ko na talaga ang mga 'yun.

"Wala ba siyang balak magpakilala?" rinig kong bulong ni Vitani sa kaniyang sarili. Kanina ko pa rin 'yan iniisip.

"Again Reapers, fame can bury you six feet below the ground. So why would I introduce myself?" sabi niya.

Huh? Hindi ko masyado makuha kung ano ang nais niyang sabihin.

"I don't want to die from the hands of the culprit. I don't want to die,"

Ngayon nakuha ko na. Hindi siya nagpapakilala dahil ayon sa kaniyang weird mindset, kapag magpapakilala siya ay malaki ang tiyansang maging sikat siya. At kapag maging sikat siya, posibleng patayin siya dahil sa kaniyang kasikatan. And that was a senseless, weird thought.

"But professor, your still prone to becoming famous," tumayo ako saka sinabi ito.

"And how exactly would that happen?"

"You said you're not telling others what your name is. And that's pretty unusual. Unusual things are... prominent. You could be famous from being unknown," sagot ko sa kaniya.

"Child, how can you be famous if you're unknown. It's like complimenting a mute for having a nice voice," malumanay niyang tugon sa sinabi ko.

Hindi niya naiintindihan kung ano ang ibig kong sabihin. Naiinis na ako dito. Lahat ng sinabi niya ay alam na alam ko na, nabasa ko na. Hanggang ngayon ay wala pa akong nalalaman na bago.

He Who Must Not LieWhere stories live. Discover now