Chapter 3
Where Did Slouch Slouch?
POSIBLE kayang nasa clocktower siya?
Nang sumagi 'yun sa isip ko ay muli akong tumakbo paakyat sa hagdan. Kahit hingal na hingal na ako ay hindi ako tumigil sa pagtakbo. Tumingin ako sa relo ko at sampung minuto na ang nakalilipas nang magsimula ang Sectionig. Mahaba pa ang oras ko.
Nagpapasalamat naman ako dahil wala pa akong nakakasalubong na kapwa ko estudyante kaya wala pa akong may nakakalaban. At nang makarating na ako sa ikalimang palapag ay ang Admission Office kaagad ang bumungad sa akin. Patakbo ko itong pinuntahan at agad na pumasok.
Hinanap ko ang malaking mapa doon ngunit wala akong nakita. Sa halip ay isang miniature ng kastilyo ang natagpuan ko ngunit hindi ito nakakulong sa isang rectangular glass box. Nakatayo lamang ito sa isang mesa sa gilid.
Hindi ko naman ito magamit dahil ang panlabas na anyo lamang ng kastilyo ang nakikita ko. Ngunit nagulat ako nang biglang may sumabog doon at gumuho ang isang tore sa kanang bahagi ng kastilyo. Tiningnan ko kung ano nangyari doon. May nakita akong dalawang maliit na tao na naglalaban gamit ang kanilang lore.
Kapwa mag-aaral ko ba sila?
Sinubukan kong hawakan ang miniature at nagulat na naman ako nang nahati ito sa dalawa at kitang-kita ko ang mga kapwa ko estudyante na nakikipaglaban sa isa't-isa sa magkakaibang palapag sa loob ng miniature. May nakita rin akong mga nakahandusay na ngunit gumagalaw pa naman ang kanilang dibdib senyales na buhay pa sila. Nakita ko rin ang sarili ko sa isang kuwarto na parang may tinitingnan.
Doon ko napagtantong parang isa pala 'tong monitoring device kung saan makikita mo ang lahat ng mga nangyayari sa loob ng kastilyo. Parang CCTV ng school pero ang pinagkaiba, makikita mo talaga ang bawat sulok ng school.
Napakapambihira talaga ng mga nagagawa ng mahika. I'm still amazed kahit na 16 na taon akong namumuhay kasama ang mahika. With this miniature, makikita ko kung saan matatagpuan ang bawat tao sa school. That means, pwede kung mahanap si Professor Slouch mula dito.
Biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa naisip. I'm excited and nervous at the same time. I checked every floor, every room, and every corner of the miniature to find a trace of Professor Slouch. But unfortunately, kahit ilang beses ko nang inisa-isa ang bawat lugar sa miniature ay wala akong nakita na Professor Slouch.
Malamang ay minanipula nila ang miniature para hindi makita si Professor Slouch dito. It would be so easy kung makikita ko siya dito. But this miniature is more than enough. Maliban sa pagiging mapa ay pwede ko rin 'tong magamit upang maiwasan ang mga kapwa ko estudyante.
I tried to carry it pero hindi ko mabuhat na parang nakadikit ito sa kanyang pinaglalagyan. So it's not really portable.
Hinanap ko na lang sa loob ng miniature kung saan matatagpuan ang clocktower. I searched for it and I found it at the end of the west chamber of the castle. Pwede akong dumaan dito sa ikalimang palapag para maka-shortcut na rin.
YOU ARE READING
He Who Must Not Lie
Fantasy"Liars go to hell." Almost every living person believes in this notion - but not Drape Scamander. He didn't have a normal childhood because at the age of ten, he already experienced hell even without muttering a single lie. As he entered Grim Academ...