Chapter 7
A Bit of Explanation
SIGURO nagkamali talaga ako nang inisip ko na walang alam 'tong si Vitani kundi ang pakikipaglaban lamang. Hindi ko akalaing hindi ko siya makukuha sa mga imbentong rason ko. Mas kailangan ko nang mag-ingat ngayon. Kung ipagpapatuloy ko ang aking pagpapabaya ay maaaring mabisto niya kung sino talaga ako.
Umakyat na ako sa taas. Pagdating ko doon ay iisang hallway lamang ang nakita ko. Sa magkabilang bahagi ng hallway ay may tig-tatatlong pinto.
Sa kaliwang bahagi, ang tatlong pinto, o ang tatlong kuwartong ito ay pagmamay-ari ng tatlong babae. Sa bawat pinto ay nakasulat ang lore ng taong nagmamay-ari nito. Ang unang kuwarto ay kay Melina. Ang sumunod ay kay Luca at ang panghuli ay kay Vitani.
Sa mga kuwarto naman sa kanang bahagi ng hallway ay pagmamay-ari ng tatlong lalake. Ang unang kuwarto ay kay Percival. Sumunod ang kuwarto ni Nero at panghuli ang sa Soul Mage. Kailan ko ba malalaman pangalan niyan? Nahihiya akong magtanong.
Sa pinakadulong bahagi ng hallway, bali ang deadend nito, doon naman ay may isa pang pinto kung saan nakasulat ang lore ko. Naglakad ako papunta doon at saka pumasok. Ito ang magiging kuwarto ko sa mga susunod na buwan.
Hindi na masama. Hindi naman siya ganun kalaki pero hindi naman masyadong maliit. Pagpasok mo, ang unang bubungad sa'yo ay ang liwanag mula sa labas na pumapasok sa bintanang gawa sa salamin. Sa gilid ng pinto ay isang malambot na kama na tanging iisa lamang ang kasya. Sa dulo naman ng kama, sa paanan nito, may isang mesa at upuan, isang study lamp at may maliit na shelf sa bandang itaas nito na nakadikit sa pader. A perfect place to study.
Sa gilid nito ay isang kloseta na gawa sa kahoy. Binuksan ko ito at nagulat ako dahil nandito na pala ang mga damit ko. Nakatupi ng maayos at ang ilan naman ay naka-hanger. Ang maleta ko ay nakatago rin sa isang lalagyan sa pinakailalim ng kloseta.
Kinuha ko ang maleta ko saka binuksan ito. Nandoon pa sa loob ang mga librong dinala ko mula sa bahay. Konti lang naman ang dinala ko. Anim na makakapal na mga libro. The Loric's Book, Grim Academy: A Book to Remember, Magic History, The Magic Dome, Greatest Lorics of All Times, at ang isang booklet na walang pamagat.
Isa-isa ko itong nilabas mula sa maleta saka inilipat sa maliit na shelf doon sa may study area. Mabuti naman at nagkasya doon. Ang libro namang nakuha ko mula sa mini-library ay inilapag ko sa mesa saka ako umupo. Magbabasa na lang muna ako dahil wala naman akong magawa.
Sa muli ay nakita ko na naman ang larawan ni Armadios Crouge. Tulad nga ng nakasulat dito, siya ang kasalukuyang Magic Minister ng buong Magic Dome. Kumbaga, siya ang pangulo ng lugar na ito.
Kung ang pangulo ay may mga alagad na mga senador, ang Magic Minister dito ay may mga galamay din. Tinatawag silang Saints. Anim lamang ang kinukuhang Saints dito sa bawat termino. Ang mga Saints na ito ay ang mga Magic Minister naman sa kani-kanilang Dibisyon.
YOU ARE READING
He Who Must Not Lie
Fantasy"Liars go to hell." Almost every living person believes in this notion - but not Drape Scamander. He didn't have a normal childhood because at the age of ten, he already experienced hell even without muttering a single lie. As he entered Grim Academ...