Chapter 2
The Sectioning
TAHIMIK lamang akong nakamasid sa bintana ng kalesa habang si Tatay naman ay abala sa pakikipag-usap sa kutsero. Ngayon na ang araw ng pagpunta ko sa Grim Academy at ihahatid ako ni Tatay doon. Sa buong taon ay sa dorm ng paaralan ako maninirahan dahil 'yun ang patakaran ng paaralan.
"Alam mo bang nakapasa ang aking anak sa scholarship exam ng ministeryo?" pagmamayabang ni Tatay.
"Matalino pala ang anak mo. Congratulations hijo," sabi naman ng kutsero.
Just like how I usually handle this kind of situation, I just flashed a quick smile and took a peek again at the window. That's my typical way of trying to be rude and to be kind at the same time.
Sanay na akong masabihan na matalino. Sa pinanggalingan kong paaralan, taun-taon ako palagi ang nangunguna sa klase. But it's not a big deal for me actually. Kailanman ay hindi magiging sapat ang puro talino lang para makamit mo ang iyong nais. Hindi ka naman makakapagsulat ng libro kung puro ideya lang ngunit tinatamad kang magsulat diba?
Nasa masukal na bahagi na kami ng kakahuyan at tanging ang pagtakbo ng kabayo at tunog ng naaapakang tuyong dahon lamang ang nagbibigay-ingay sa lugar, bukod pa sa bunganga ni Tatay at ng kutsero.
"Magandang paaralan ang Grim Academy hijo. Bukod sa edukasyon nito ay palaban rin ito sa mga kompetisyon laban ang iba pang paaralan," sabi pa ng kutsero.
"Naku! Sa tingin ko 'nak ay kukunin ka nila bilang kalahok sa ilang kompetisyon," masayang saad ni Tatay. Nginitian ko na lamang ang turan ni Tatay dahil tinatamad akong magsalita.
Pero 'yun talaga ang pakay ko sa pagpasok sa Grim Academy – ang maging kalahok sa ilang mga kompetisyon. Ngunit hindi dahil gusto kong manalo at makatanggap ng pagkilala kundi dahil may hinahanap akong mga impormasyon. At sa tingin ko ang pagsali sa mga ito ay makakatulong sa akin.
"Ngunit kahit ganito ang reputasyon ng paaralan, may naganap din namang kasuklam-suklam diyan," animo'y isang tsismoso na sambit ng kutsero.
Hindi 'yun nakuha ang interes ko dahil alam na alam ko kung ano ang pangyayaring iyon. Iyon ang pinakamalaking digmaan na nangyayari sa kasaysayan ng mundo namin. Ito ay ang labanan sa pagitan ng Wisest Wizard at ng Blood Lord. Bukod sa nabasa ko na ang tungkol dito sa ilang mga libro, may isa pang dahilan kung bakit alam ko ito.
"May narinig ako noon tungkol sa kung saan na ang Blood Lord pero hindi naman ako naniwala. Sa tingin ko kasi kuwentong-barbero lang eh," sabi naman ni Tatay.
Hindi na muling nagsalita ang kutsero. Pati si Tatay ay tumahimik na rin. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagtanaw sa bintana. Pinapatay ang oras sa pagtingin-tingin sa mga naglalakihang puno at ilang mga magagandang halaman. I'm so attached with nature at kung sa tingin niyo ay dahil isang Green Elementalist si Tatay, nagkakamali kayo.
YOU ARE READING
He Who Must Not Lie
Fantasi"Liars go to hell." Almost every living person believes in this notion - but not Drape Scamander. He didn't have a normal childhood because at the age of ten, he already experienced hell even without muttering a single lie. As he entered Grim Academ...