Chapter 8
Class in Magic History
NGAYON na ang simula ng pasukan dito sa Grim. Kaya ngayon ay sabay-sabay kaming pito na naghahanda sa kani-kaniyang kuwarto namin.
Simple lamang ang uniform namin. Ang sa mga lalake ay ang simpleng white clean polo at ang sa pang-ibaba ay isang gray pants.
Sa mga pambabae naman ay isang white clean polo rin ngunit mas maliit lang ang kuwelyo nito kaysa kuwelyo ng polo ng mga lalake. May dagdag ding checkered caravat ang sa mga babae na kakulay ng kanilang skirt. Ang sa pang-ibaba naman ay isang rose pink skirt with white gride lines
In other words, a checkered skirt.
Lumabas na ako ng aking kuwarto nang matapos na ako sa pag-aayos. Suot-suot ko na rin ang black backpack na required ding dalhin sa araw-araw na pagpasok. Pare-pareho din ang bags ng bawat estudyante dito. Ikaw na lang ang bahala kung ano ang dadalhin basta't may dala kang parchment at quill for some reasons.
Pagbaba ko sa sala ay nandoon na silang lahat at ako na lang ang hinihintay.
"Good morning," nakangiting bati ni Percival.
"Good morning Kuya!" bati rin ni Luca na sinabayan niya ng pagkaway.
Tiningnan ko lang sila at hindi pinansin.
"Umalis na tayo. Baka hinihintay na tayo ni Professor Slouch," sabi ni Melina at naunang lumabas. Sumunod naman kami. She acts like she's the leader of this team since yesterday. When in fact, she's too far to be one.
Sama-sama kaming naglakad sa hallways ng kastilyo. Utos kasi ni Professor Slouch na sa unang araw ng pasukan ay sabay kaming pitong pumasok. Kaya nga hinintay nila ako kanina. May mga nakakasalubong din kaming ibang mga estudyante.
"Sila ba ang Reapers this year?"
"Oo sila 'yan,"
"Sana manalo sila ngayon 'no?"
"Sana nga,"
Syempre, dahil girls would be girls, marami na namang nakapansin kay Yojan. And because boys would be boys too, hindi rin nakalampas si Vitani. May ilan ring sumisipol habang dumadaan siya. At hindi ko alam kung bakit nila ginagawa 'yun.
But I'm wondering why girls can't notice me though. I just gave it a shrug. Mabuti na rin para hindi maraming atensyon ang makuha ko. Pero sayang 'tong mukha ko.
Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad at paminsan-minsan ay napapatigil kami kapag may crossroads. Tumitingin muna kami sa mapa ng school na nakuha ni Melina noong Sectioning para alamin kung saan ang tamang daan.
Hanggang sa nakarating na nga kami sa classroom ni Professor Slouch. Siya ang first academic subject namin. Magic History.
Pagpasok namin ay nandun na si Professor Slouch. Prenteng-prenteng nakaupo sa harap habang nakatingin lamang sa pitong bakanteng upuan.
YOU ARE READING
He Who Must Not Lie
Fantasy"Liars go to hell." Almost every living person believes in this notion - but not Drape Scamander. He didn't have a normal childhood because at the age of ten, he already experienced hell even without muttering a single lie. As he entered Grim Academ...