Chapter 11
The Reapers TribunePABALIK na kami ngayon ni Professor Slouch sa klase ko sa Loriciology. Nauuna siyang maglakad sa akin at sumusunod lamang ako sa kaniya.
Walang may nagbalak na magsimula ng pag-uusap sa amin kay nanatili ang katahimikan.
Hindi nagtagal ay nakarating na nga kami sa classroom namin sa Loriciology. Ngunit eksaktong pagdating namin ay nag-aayos na ang mga kasamahan ko senyales na tapos na ang klase namin dito.
"So," napatingin ako kay Professor Slouch. "I'll just leave you here. I need to go already," sabi niya.
Tumango naman ako sa kaniya.
"Thank you by the way," dugtong niya pa saka umalis.
Hindi na ako pumasok sa loob ng classroom at hinintay na lamang silang lumabas. Napatingin ako ulit sa bulletin board sa gilid ng pintuan. MOTHER EARTH IS CRYING FOR JUSTICE.
Funny. It exactly implies that the Natural Alliance resembles Mother Earth. Kase pangkalikasan naman ang lore ng bawat miyembro ng Natural Alliance. But no one knows about the differences.
"Hay salamat! Natapos din!" napatingin ako sa biglang nagsalita. Si Percival pala na kakalabas lang ng classroom. "Oh! Drape! Nandito ka na pala,"
"Nag-ditch ka 'no? Kanina ka pa siguro nandito pero hindi ka lang pumasok. Ikaw ha. Sumbong kita!" sabi naman ni Nero na kasabay ding lumabas ni Percival.
"No I didn't," tanggi ko naman. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Hinintay ko lang talaga silang makalabas. Pero wala akong balak na sumama sa kanila sa paglalakad. Nasa kanila na 'yun kung sasamahan nila ako o hindi.
"Oy Drape! Hintay!" tawag naman ni Percival sa akin at narinig ko ang pagtakbo nila ni Nero. Nakita ko na lang na sumasabay na sila sa akin sa paglalakad.
"Lunch na daw sa cafeteria," sabi ni Percival sa akin. "'Pag sa Nest pa raw tayo kakain, maghihintay pa tayong maluto ang pagkain," dugtong pa niya.
Tumango lang ako sa kaniya. Saka sila nag-usap ni Nero tungkol sa kung anu-anong bagay.
"By the way," pagtawag ko sa atensiyon nila. "...what did Professor discussed when I'm not around?" tanong ko kasi baka may nasabi siyang hindi ko alam.
"Paulit-ulit lang naman ang meaning ng mga sinabi niya," si Pruschian ang sumagot. "Nung una interesado pa akong makinig pero nang tumagal inantok na ako,"
Dahil wala naman palang something important, tinalikuran ko na sila at naglakad papuntang cafeteria.
"Hoy! Kahit kalian Drape ambastos mo kausap!" sigaw ni Pruschian na hindi ko pinansin. Narinig kong tinawanan naman siya ni Nero.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sa cafeteria talaga kasi sine-serve ang mga meals. Kaya naman kapag mealtime na, pumupunta lang doon ang mga students dahil wala naman silang kusina sa dorm nila.
Pero dahil Reapers kami, may sarili kaming kusina sa Nest namin kaya pwede rin na doon na lang kami kakain. Kaso, kami mismo ang magluluto.
So ngayong lunch ay napagdesisyunan nilang sa cafeteria na lang kumain. Kanina kasi ay sa Nest kami nag-breakfast. Na-late pa kami sa Magic History.
Malapit lang naman ang cafeteria kaya nakarating rin kami kaagad doon. Pagpasok namin ay nalanghap ko agad ang amoy ng mushroom soup at medyo nangangalahati nang napupunan ang mga pwesto sa loob ng cafeteria.
May apat na long tables vertically placed sa cafeteria. May long benches din placed on each sides of the tables. At ang bawat mesa ay tinatakpan ng isang mahabang mantle.
YOU ARE READING
He Who Must Not Lie
Fantasi"Liars go to hell." Almost every living person believes in this notion - but not Drape Scamander. He didn't have a normal childhood because at the age of ten, he already experienced hell even without muttering a single lie. As he entered Grim Academ...