CHAPTER ONE

1.4K 36 7
                                    

" NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER ONE

"Hoy lalaking pulubi tumabi ka diyan! Huwag kang haharang-harang sa dinaraanan ko!" Naka-cross arms na sigaw ng pitong-taong gulang na si Darlene sa sampung-taong gulang na si Hendrix.

"Bakit madadaanan mo ba ang malawak na kalsada payatot na tutubi? Sa lawak ng maari mong daanan dito pa sa nilalakaran namin ang napili mo o sadyang nagpapapansin ka?" Ismid namang sagot ni Hendrix.

Kaya naman ang kaninang sigaw ay naging  kulog  na.

"Ikaw na pulubi ka ang bastos mo! Pinapatabi kita para may madaanan ako pero anong sagot mo? Hoy hampas-lupang elepanteng pango ang ilong kailan-man ay hindi ako magpapansin sa iyo!" Kulang ang salitang malakas para ilarawan ang boses nito, sa edad na pito ay akala mo'y malaking tao na ang nagsalita.

Pero hindi pa doon nagtapos dahil muli itong bumalik sa kinatatayuan ni Hendrix  at walang babala itong itinulak.

Dahil dito naka-agaw na sila ng pansin. Pero nag-walked ang batang si Darlene. Lumapit sa walang imik na yaya.

"Yaya tara na po. Pagdating natin sa bahay isusumbong ko kay grandpa ang elepanteng pango ang ilong na iyan." Nakapamaywang pang sabi dito.

"Okey baby, huminahon ka na sige ka papangit ka niyan." Kahit papaano'y naging mahinahon pa rin ito. Hindi lang maunawaan kung bakit abot hanggang langit ang galit nito sa anak ng tauhan ng amo nilang matanda.

"I don't  like to be ugly as that elephant so let's go na po yaya." Taas-noong tugon nito saka nag-martsang palayo sa kinaroroonan nina Hendrix, ang kaawa-awang si Hendrix na nagalusan ang siko dahil sa hindi inaasahang pagtulak ni Darlene pero walang nangahas na sumabad dahil kilala nila ang pamilyang pinagmulan ng may sungay na bata.

Wala na ring nagawa ang yaya kundi ang sumunod dito. Sa batang si Hendrix lang naman kasi ito nagiging maldita, kahit na masungit ito sa ibang bata pero kahit kailanman ay hindi ito naging bastos.

Samantala, pagka-alis ng mag-yaya ay kinalabit si Hendrix ng isa sa kasamahang naglalakad pauwi.

"Hindi ka ba natatakot 'Drix? 'Di ba't apo iyun ng boss tatay mo?" Tanong nito.

"Alam ko ang ibig mong sabihin Lino pero kahit kailanman ay hindi ako natatakot sa payatot na parang tutubing iyan." Sagot ni Hendrix sabay sapo sa sikong may gasgas

"Ang ibig kong sabihin 'Drix tauhan ng lolo ni Darlene ang papa mo. Hindi ka ba natatakot na baka mawalan siya ng trabaho? Kapag nagkataon hindi ka makakapag-aral niyan." Muli ay wika ni Lino.

"Hindi Lino dahil kahit kailan man ay hindi mangyayari iyan, maldita lang talaga ang payatot na tutubing iyan. Simula noong maliliit pa tayo hanggang ngayon nag-aaral na tayo'y y ganyan na ang scenario pero hindi nangyari ang kinatatakutan mo. Mababait ang mga magulang ng impaktitang iyun hindi niya kagayang may buntot na may sungay pa." Sagot ng sampung-taong gulang na si Hendrix.

"Ikaw yata ang bukod tanging hindi takot sa kanya 'Drix, kita mo naman na walang nakialam dahil kilalang-kilala sila  dito sa Isabela. Pero mauna ako sa inyo nandito na pala tayo sa tapat ng bahay namin." Paalam ng isang classmate nila.

Doon nila napagtanto na dahil sa pag-uusap nila'y hindi nila namalayan na nasa kabahayan na pala sila, kaya hindi na sipa nag-aksaya ng panahon. Nagkanya-kanya na sila ng uwi sa kani-kanilang bahay.

Pero ang scenario sa pagitan ng dalawang bata o sa pagitan nina Hendrix and Darlene ay hindi na bago sa mga magulang nila, hindi rin ito lingid sa kaalaman nila.

Hanggang sa tumuntong sila sa sekondarya ay gano'n pa rin ang eksena.

"Go to hell elepanteng pango ang ilong!" The teenager even says to Hendrix.

NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon