" NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER TEN
"You bastard!" Galit na sumalubong kay Hendrix.
Mabuti sana kung sigaw lang pero sa pagpasok pa lamang niya sa opisina ng De Janiero International Detective Agency ay sinalubong na siya ng sigaw at kamao ng boss nila.
"Boss, what's happening?" Sabayang tanong ng mga nakapaligid. Pero para kay Anthony ay may hinala na kung ano ang dahilan at gano'n na lamang ang galit ng boss nila.
Pero hindi ito sumagot bagkus ay muling lumapit sa nakabalandrang si Hendrix.
"All these time you fool! How could you do that to me? I trusted you since the day you stepped in into my team but you are big liar demon!" Galit pang sigaw nito saka muling inindayuhan ng suntok.
In other words, left and right punches na sunod-sunod ang pinakawalan nito. Bagay na ikinabahala ni Anthony na baka mapaano si Hendrix. Saka may kasalanan din naman kasi siya, kailanman ay hindi siya nagsalita tungkol sa relasyon mayroon ang dalawa. Ngayon na may tatlong buwan ng mag-asawa ay saka pa nakarating sa kaalaman ng boss nila.
"Boss tama na iyan baka matuluyan mo siya." Lakas loob niyang sabi.
"You too Anthony, why you didn't tell me about them? Alam mo naman pala ang lahat pero bakit hindi mo sinabi para hindi alo nagmukhang gago. How could you do this to me?" Namumula ang pisngi nito patunay na nanginginig sa galit.
"Boss aminado akong may kasalanan ako at ito ang hindi ko pagsasabi sa iyo pero wala ako sa posisyun na magsalita kaya pasensiya na boss." Hinging paumanhin ni Anthony saka lumapit sa parang lantang gulay na si Hendrix. Sa katunayan kayang-kaya kaya naman nitong labanan ang boss nila, may potential ito pagdating sa karate dagdag pa na mga detective agent sila.
"Sige subukan mong tulungan ang sinungaling na iyan at tingnan natin kunh may trabaho ka pa Anthony." Pigil ni Kenjie sa katiwala ng agency.
Kaya naman natigilan ito sa akmang pagtulong kay Hendrix. Matagal na rin siya sa agency ng mga De Janiero, masasabi niyang nakilala na rin niya ang boss niya at kapag sinabi nito ay papanindigan. Pero mali ito sa pambubugbog sa hindi akalaing karibal ay tauhan pala. Napalapit na rin sa kanya kaya naman nahihirapan siya kung sino sa dalawang lalaking malapit sa kanya nag susundin.
Sa nanghihinang pakiramdam ni Hendrix nagawa pa rin niyang bumangun kahit paunti-unti. Kung sa kanya galit ang boss nila'y dapat sa kanya lang din, pero ang idamay niya ang matagal ng tauhan nito ay mali na iyun. At isa pa wala namang naging sila o walang naging relasyon ang asawa niya at ang boss niya bago pa man maging sila. Ang kamalian lamang niya ay hindi inamim dito agad ang tunay nilang relasyun.
"Kung sa akin ka galit sa akin mo ito ibunton huwag mong idamay ang matagal mo ng kasama. Bakit boss obligado ba akong ipaalam sa iyo ang bawat kilos ko? Tama ikaw ang boss at tauhan mo ako at tama ka ding dapat alam mo lahat ang bawat galaw namin IF it's related to our job which I really do, pero ang tungkol sa personal kong buhay ay hindi na boss. What ever I will do when it comes to my personal life it's out of your business." Buo at may paninindigang wika ni Hendrix.
Dahil dito agad na bumaling ang binatang banyaga sa kanya at pinakawalan ang kamao pero hindi na ito hinahayaan ni Hendrix.
"Wala kang karapatang bugbugin ako boss. Hinayaan kita kanina dahil alam kong may pagkakamali ako pero ang ulit-ulitin mong suntukin ako'y hindi na makatarungan." Seryosong wika ni Hendrix na hawak-hawak ang kamao ng boss na dadapo sana sa kanya.
"How dare you crippled son of a bitch to say those words to me!" Galit pa ring sabi ni Kenjie sabay bawi sa kamao at isusunod sanang paliparin ang paa pero naging mabilis ang galaw ni Hendrix . Naka-iwas siya saka naging maliksi ang kilos.

BINABASA MO ANG
NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)
Narrativa generaleDrama, general fiction. A story that will makes you cry, makes you laugh, to hate, to curse maybe even you will hate the writer too. But at the end you will love it after all.