" NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER SEVENTEEN
Walang kasing saya para kay Kenjie ng nalaman na darating sa LA ang pinakamamahal niyang babae. Well, wala naman siyang intensiyon na makinig sa mga ito pero dahil nakakalabas-pasok siya sa tahanan ng mommy Whitney niya'y walang nakahalatang dumating siya at napakinggan accidentally ang usapan ng dassy Niel Patrick niya at ang kausap sa telepono.
Para maging kapani-paniwalang wala siyang narinig ay patalihis siyang bumalik sa gate at nag-doorbell.
"Oh ikaw pala anak bakit hindi ka na lang pumasok? Bakit nagdoorbell ka pa? Ikaw talaga oo, hala pasok ka." Ani Niel Patrick ng napagbuksan ang legally adopted child ng kanyang Leona.
"Mas maganda pa rin po daddy na mag doorbell para may thrill. Nandiyan po ba mga kapatid ko?" Tugon ng binata.
Pero bago sinagot ni NP ang tanong nito'y tumingin muna ito sa pambisig na orasan.
"Wala pa anak alam mo namang nagmana yata lahat ng kapatid mo sa mommy mong lagalag noong kabataan niya." Pabirong sagot nito.
"Hep! Hep! Ikaw lampa ko naalala mo na naman ang mga lagalag imbes na ayain mong pumasok ang binata natin eh nagtsismisan pa kayo diyan sa labas. Hala pasok." Ayun at naka-pamaywang na sabad ng hindi nila namalayang lumapit sa kanila.
Kaya naman nauwi sa tawanan ang simpleng pagbisita ni Kenjie sa mga ito. Ang pagbisitang may benipisyo. Hindi man nito sinasadyang narinig ang usapan ng mag-asawa ay pabor pa rin sa kanya, mahigit isang taon na rin niyang hindi nakita ang mahal niyang si CA, at gano'n na rin katagal na pinagplanuhan niya ang lahat. No one knows about those matter except him.
Samantala sa kinaroroonan ni Hendrix, "Diyos ko alam ko pong makasalanan akong tao pero maari po bang ibalato mo na lang sa akin ang pagtakas ko dito? Dalawang buwan na akong pinapahirapan ng tauhan ni Satanas, pagod na rin ang katawan ko na laging nalalatigo, binubogbog ng gagong iyun. Hindi ko na rin alam kung ano na ang nangyayari sa mag-ina ko, kaya Diyos ko patawarin ko na ako sa mga kasalanan ko at hayaan mo na akong makatakas dito." Panalangin nito.
Hindi man siya palasimbang tao, hindi rin siya pala-basa ng banal na AKLAT pero alam niya ang bawal at hindi, alam niya ang tama o mali, at higit sa lahat may takot siya sa Maykapal.
Out of the blue...
"Bakit kung makakatakas ka ba dito'y may gagamitin kang travel documents para makauwi ng Pilipinas kung saan naroon ang mag-ina mo?" Wika ng inner ego niya kaya naman para siyang nasilihan sa puwet na napaupong bigla kahit pa nakagapos siya.
"Sino iyun? May nakaka-alam na ba kung nasaan ako?" Para tuloy siyang sira-ulong bubulong-bulong dahil sa nagsalita.
But at the end saka pa lamang niya napagtanto na sarili niya ang kanyang kausap. Kaya naman napabuntunghininga na lamang siya dahil dito.
"Oo nga naman, paano ako makakauwi sa Pilipinas kung wala akong travel documents? Hindi ko nga alam kung paano ako nadala ng kanong iyun dito samantalang ang mga papeles ko'y nasa bahay." Bulong niyang muli.
"Ang dali mong ma-brain wash! Kapag gusto maraming paraan pero kung gusto mong dito na manirahan ay huwag mo ng alamin kung paano ka makakauwi sa piling ng mag-ina mo." Para tuloy siyang baliw dahil kausap ang sarili, pinapagalitan pa.
Until...
"Diyos parang awa mo na patakasin mo na ako dito, alam ko na ang gagawin ko kapag makatakas ako dito. Alam ko naman ang access sa condo ng wifey loves ko, doon maari akong tatawag sa Pilipinas para makahingi ng tulong." This time ay naka-tingalang sambit nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/181356036-288-k481359.jpg)
BINABASA MO ANG
NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)
General FictionDrama, general fiction. A story that will makes you cry, makes you laugh, to hate, to curse maybe even you will hate the writer too. But at the end you will love it after all.