" NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER FOUR
"Hey daddy whats on that deep sigh?" Kunot-noong tanong ni Duncan sa ama. Kadarating lang niya galing sa trabaho pero ang malalim na buntunghininga ng butihin nilang ama ang nadatnan.
"Oh nandiyan ka na pala anak, kumusta ang maghapon sa trabaho?" Balik tanong ni Clyde.
"Ay si daddy inililiko ang usapan, okey lang po ako daddy. Ikaw ba kumusta ka? Aba'y nasa pintuan pa lang ako pero dinig na dinig ko na ang kasing lalim na yata ng earth ang paghinga mo ah. Ako bang problema daddy?" Ayaw paawat na tanong ni Duncan sa ama.
They are so blessed to have a super daddy like him. Maaga man silang naulila sa ina pero hindi naging sagabal iyun para hindi sila maasikaso ng ama. He love and care for them equally, kaya alam na alam nila kung may problema ito. Patunay lamang ang isa pang buntung-hininga nito bago muling nagsalita.
"Two days from now kaarawan na ng bunso n'yong kapatid anak pero wala pa siyang sinasabi kung uuwi ba siya, kung nasaan ba siya. Hindi naman kaila sa inyo ng kambal mo na sa tuwing sumasapit ang araw ng kahyang kapanganakan ay siya ring pagdaraos natin sa death anniversary ng mommy ninyo." Malungkot na sagotng may edad na ring si Clyde.
Lihim namang nakunsensiya abg binata dahil dito , totoo naman kasi na wala pang paramdam ang lady Captain pilot/ reporter/ stewardess nilang kapatid. Alam naman nilang nasa himpapawid ito pero ang hindi nila alam ay kung saang banda ito sa kasalukuyan.
"Daddy huwag ka ng malungkot dahil alam naman nating lahat kung nasaan si bunso kulit i mean wait lang at tatanungin ko ang management ng American American Airlines kung saan naka-base si lady pilot De Luna para alam ko ang next na gagawin ko." Wika na lamang ni Duncan saka inabot ang telepono sa lamesa.
Hindi na sila pumayag na wala silang katulong dahil ayaw din nilang nahihirapan ang kanilang ama. Tama na ang pag-aaruga at pagpapalaki nitong mag-isa sa kanila. Oras na rin para ibalik nila dito ang kabutihan kahit pa sabihing kahit kailan man ay hindi nila naramdamang wala silamg ina dahil napapalibutan naman sila ng mababait at mapagmahal na pamilya. Panahon na para magpahinga ito sa pagsisilbi sa kanilang magkakapatid noong nag-aaral pa sila. Isa na siyang alagad ng batas na nasa military, ang kambal niyang si Claudette ay isa ng international lawyer na kung saan-saan na rin napapadpad, ayun sa kanilang ama wala itong pinagkaiba sa tiyahin nilang si Nathalie Janelle, at ang bunso nilang kapatid ay ilang taon na ring nagpapalipad ng eroplano ng mga americano.
"Anong sabi ng nakausap mo anak? Nasaan daw ang kapatid mo?" Mas excited pa ang ama kaysa sa kanya na tumawag.
"Nasa himpapawid pa daw daddy pero lalapag sa Los Angeles. I've an idea daddy and I'll not take no as an answer." Abot taenga ang ngiting sabi ng binata.
Kaya naman natigilan ang ama sabay tanong kung ano ang nais ipakahulugan ng anak.
"What do you mean by that anak?" Takang tanong ni Clyde.
"Right now we will travel to Los Angeles to surprise her on her birthday. Ayun din naman kay kambal nasa LA siya kina tita Whitney kaya everything gonna be alright. Don't worry about mommy mauunawaan niya kung bakit mawawala tayo dito ng ilang araw." Deretsahang sagot ng binata.
Dahil dito ay nagliwanag ang malungkot na mukha ni Clyde.
"Sa lagay na iyan anak wala na akong choice kundi ang sumang-ayun?" Pasakalye pa niya.
"Yes daddy kaya kung ako sa iyo go and fix your things as I do mine. Treat ko na lang sa iyo daddy alam mo namnag ikaw ang hero namin eh. Love you daddy." Lambing niya sa super daddy nila na kulang na lang ay maglambitin sa may edad ng super daddy nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/181356036-288-k481359.jpg)
BINABASA MO ANG
NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)
Ficción GeneralDrama, general fiction. A story that will makes you cry, makes you laugh, to hate, to curse maybe even you will hate the writer too. But at the end you will love it after all.