CHAPTER THIRTEEN

543 30 4
                                    

" NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER THIRTEEN

"Hendrix anak! Kailan ka pa dumating?"

"Anong kalokohan ito Hendrix?" Panabay na sambit ng mag-asawang Trixia at Henry.

Pero bago ito sumagot ay lumabas muna ng sasakyan, saka inalalayan ang asawa na makalabas din.

"Mano po inay, mano po itay." Bagkus ay wika nito saka inabot ang palad ng mga magulang at isa-isang hinagkan sa noo.

"Kaawaan ka ng Diyos anak ko. Kailan ka ba dumating? Saka baka naman maaring ipakilala mo ang kasama mo ngayon." Ani Aling Trixia.

"Alin doon ang uunahin ko inay?" Nakuha pang biro ni Hendrix kaya naman kurot ang natamo sa ina.

"Mano po inay, mano po itay. Ako na po ang magpapakilala sa sarili ko. Crystal Angela De Luna Albayalde po ang pangalan ko at mag-asawa na po kami ni hubby loves ko. At doon sa kailan pa kami dumating ngayon lamang po." May ngiting pagpapakilala ni CA sa sarili sa mga magulang ng asawang napipi na yata.

"Naku may manugang na pala tayong hindi nalalaman. Mabuti naman at sa wakas may nakabihag na sa puso ng anak natin Henry. Halika iha, maligayang pagdating dito sa munti naming tahanan. Ako ang nanay Trixia mo at siya ang tatay Henry mo." Hindi magkandatutong wika ni Aling Trixia.

Ginawa naman ni CA ang dinidikta ng damdamin niya, kumawala siya sa pagkakahawak kamay nilang mag-asawa saka walang pag-aalinlangang yumakap sa mga biyanan.

"Maraming salamat po inay, itay." Abot hanggang taenga ang ngiting sabi nito.

"Walang anuman anak, pagpasensiyahan mo na ang aming tahanan. Halika pala iwanan mo diyan sa labas ang pipi mong asawa, pasok na tayo." Sabad naman ni Mang Henry.

Dito natauhan si Hendrix kaya naman napakamot sa ulo at lumapit sa mga magulang saka bumulong.

"Ha? Totoo ba iyan Hendrix anak? O baka naman pinagloloko mo ako?" Napatigil at napamulagat na sambit ni Aling Trixia.

Kaya naman muling natameme si Hendrix, imbes na makasagot na ay hindi dahil sunod-sunod na namang nagsalita ang ina.

"Naku ikaw na bata ka parang nalunok mo na ang dila mo ah. Hala pasok na tayo sa loob para makapahinga kayo, sakto nagluto ang tatay mo ng almusal." Sita pa nito saka nagsimulang lumakad papasok kasama ang manugang.

"Bleeh! Buti nga sa iyo." Patihayang sutil ni CA sa asawa saka kumapit sa biyanan na para bang malulunod.

Hinintay ng mga barakong nakapasok ang magbiyanan bago nagsalita ang ama ni Hendrix.

"Maraming salamat anak at umuwi ka na. Alam kong darating ang araw na ito kaya maraming salamat at hindi nga nagtagal, heto ka umuwi at may kasama pang asawa. Hinahanap-hanap ka ng kuya mo." Masayang wika nito sa anak.

"Sabi nga nila itay kung ang dahilan ng pagkabigo mo'y pag-ibig,  pag-ibig din ang makakagamot. At heto kami ngayong mag-asawa. Kaso mukhang magkasundong-magkasundo sila wifey loves ko at inay. Aba'y talagang nalunok ko ang dila ko sa kanilang dalawa. Siya nga pala itay, si daddy Gabriel Clyde De Luna po, daddy siya naman po ang tatay Henry Albayalde ko." Sagot at pagpapakilala ni Hendrix.

"Nice to meet to you pare este balae pala." Masaya ding saad ni Clyde. Sa sayang nakikita sa katauhan ng bunsong anak ay masaya na rin siya. Masaya siya lalo at ramdam niyang mabuting pamilya ang pinagmulan ng manugang niya.

"Same here balae. Maligayang pagdating dito sa munti naming tahanan. Parang nakita na kita balae? O baka nagkakamali ako, may detective agency ang mga De Luna dito sa Isabela pero hindi ko alam kung isa ka sa may-ari nito. By the way pasok na rin tayo bago pa muling bumusina si misis." Sagot naman ni Mang Henry.

NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon