CHAPTER THREE

835 38 9
                                    

" NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER THREE

"Kailangan mo ba talagang umalis anak? May trabaho ka naman dito ah, bakit kailangan mo pang lumabas ng bansa?" Naiiyak na wika ni Aling Trixia sa kaisa-isa nilang anak.

"Mama matagal ko na po itong pangarap alam n'yo po iyan ni papa kaya huwag na po kayong malungkot dahil mabilis lang naman ang takbo ng panahon. Just wish me a luck." Tugon ni Hendrix sa sinabi ng ina.

Actually, totoo namang matagal na niyang pangarap ang mapabilang sa mga international detective agent. Pero naging paraan lan iyun ng langit na makalayo siya sa kabiguan ng puso niya. Ayaw niyang laging nakikita ang taong minahal niya ng lubos pero ang mahal nito'y iba.

"Iyan ba talaga abg rason anak? O may iba ka pang dahilan?" Panghuhuli naman ng ama kahit na may hint na kung bakit ayaw papigil sa pag-alis.

"Kasama na doon ang nais mong tukuyin papa. Kailan man ay hindi naging kami pero kailangan ko ding timbangin ang sarili ko dahil ayaw kong makasagabal sa kaligayahan niya." Pang-aamin ni Hendrix, bakit pa siya magsisinungaling samantalang totoo naman ang sinabi niya na mahal niya ito pero ang mahal ay iba.

Pero bago pa man makapagsalitang muli ang isa sa kanila ay may iba ng nagsalita, only to found out na ang mga taong pinag-uusapan nila. Lewis Roy and Darlene Faith.

"Una sa lahat nais kong humingi ng paumanhin dahil sa bigla naming pagpasok ni Darlene dito sa loob. Brod ang kagaya ng pagmamahal mayroon ka ay may nakalaang katugon iyan, I salute you brod dahil walang walang pag-aalinlangan mong pinalaya ang nararamdaman mo. Oo masuwerte ako dahil ako ang nakasungkit sa matamis na oo ni Darlene pero mas masuwerte ka brod dahil may chance ka pang makakita at makakilala ng mas deserving sa pagmamahal mo. Thank you brod for being honest, I know it's hard for you but no hard feeling brod, friends?" Wika ni Lewis sa kausap sabay lahad sa palad.

Hindi  na nag-alinlangan si Hendrix, tinanggap niya ang nakalahad na palad ng binatang nasa harapan niya.

"Sure my friend, always remember brod acceptance of the fact is one way of forgiving and moving on." Tugon naman ni Hendrix.

"Ahm...Hindi ko alam kung paano, at saan ako magsisimula Hendrix. Alam kong I have that very bad behaviour unto you, pero let me start by saying I'm so sorry for everything. I know it's not that easy pero sana this time maging daan ito ng pagkakasundo natin. It came alreary to my senses that I'm  so childish on what I'm doing to you samantalang wala ka namang ginagawang kasalanan sa akin. May the Lord bless you Hendrix, sana sa pag-alis mong ito dito sa ating bansa makilala mo na sana ang babaing mas higit sa akin na magmamahal sa iyo. I'll  be praying for your luck over seas. Friends?" Ani na rin ni Darlene Faith sabay lahad sa palad. Na sa pagtanggap nito sa kasalanan o kamalian ay gumaan ang pakiramdam.

Without hesitation, tinanggap ito ni Hendrix. Totoo naman ang tinuran  ng dalawa niyang panauhin.

"Yes Darlene thank you. Kayo ding dalawa I'm wishing you all the best. Maraming salamat at kayong dalawa ba rin mismo ang nagpunta dito dahil paluwas na rin ako ng Manila para sa flight ko bukas ng gabi. Of course Darlene we can always be friends." Maluwag sa kaloobang sagot ni Hendrix.

Totoo naman kasi, wala silang patutunguhan kung patuloy siang magbabangayan. Ang mahalaga'y nagkapatawaran, nag-usap, at nagkaliwanagan pa silang tatlo.

"Sayang paalis ka na brod, iimbitahin ka sana namin sa aming kasal." Muli ay wika ni Lewis .

Dahil dito muling nagsalita ang binata na mas hinangaan ni Lewis.

"Gustuhin ko mang nandito sa araw ng kasal ninyong dalawa pero hindi na maaring ipagpaliban ang pagluwas ko dahil nakahanda na ang lahat. Alam kong kayang-kaya n'yong palitan when it comes to money even I know you can give me a work too pero matagal ko ng pangarap ang maging isang international detective agent kaya pasensiya na kung hindi ko na kayo mapagbibigyan sa bagay na iyan. And I wish you all the best too, Lewis Roy and Darlene Faith." Matatag nitong sabi.

NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon