CHAPTER NINETEEN

594 41 16
                                    

" NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER NINETEEN

"Honey ano bang mayroon sa bahaging ito at parang napakadumi? Hindi ba ito nililinis ng katulong?" May pagtatakang tanong ni Cassey sa asawa, isang araw ng sila'y naglalakad-lakad sa likuran ng kanilang tahanan.(tagalog na lang haha XD!)

"Ang alam ko eh ang apo natin ang nakakaalam sa bahaging ito, ayun sa kanya praktisan niya ito kaya huwag mo ng alalahanin pa baka magalit siya sa atin." Tugon naman ng Ginoo.

Pero bilang isang dating alagad ng batas ay hindi mapakali si Cassey. Lumapit siya sa parang bahay-kubo na napapalibutan ng dahon na para bang sinadyang takpan para hindi makita.

"What are you doing honey?" Takang tanong ni John.

Hindi siya mapakali dahil sa hitsura ng paligid kaya't sinumulan niyang tanggalin ang mga nakatakip na dahon. Malakas ang kutob niyang may mali sa bahaging 'yun lalo at hindi naman maruming tao ang apo nila pero nakapagtataka na sa sulok ng kanilang tahanan o sa bahaging iyun ng bakuran nila'y parang imbakan na hindi mawari.

"Hayaan mo na iyan honey mamaya'y magalit sa atin ang apo natin. Siya na nga lamg mayroon tayo eh huwag mo na iyang pakialaman malay mo may balak siya diyan." Muli ay sawata ng Ginoo sa asawa.

And yes!

Sila ang mga naririnig ni Hendrix na nag-uusap sa labas ng pinagkulungan sa kanya ng mortal niyang kaaway. Na ang nasilip niyang pag-asa'y bigla ding naglaho.

Hindi pinakinggan ni Cassey ang pananawata ng asawa sa kanya, bagkus ay ipinagpatuloy nito ang pagtatanggal ng mga nakaharang na dahon.

But....

Her phone rang continuously with unknown caller!

This time, tuluyan na nitong itinigil ang pansamantalang paglilinis sa mga dahon at tuyong sanga ng kahoy.

"Answer it honey." Sabi ng Ginoo dahil sa pagtunog ng mobile ni Cassey nagkatinginan sila.

Kaya naman kahit nahihiwagaan sila'y wala na silang nagawa kundi ang sagutin ito.

"Yed hello, who's this?" Agad na sagot at tanong ng Ginang.

Samantalang inis na inis na si CA ng makailang beses na siyang nag-dial sa numero na nakuha niya sa cellphone ng bihag niya.

"What a hell on them! Tinotolerate pa yata ang hinayupak na apo!" Ngitngit na sambit nito.

"Anong kinalaman ng mga ninuno ko diyan Crystal Angela--"

Nahihirapan man dahil sa panggugulpi ng dalaga sa kanya pero parang nabuhay ang dugo niya ng narinig ang tinuran nito. Ang mga ninuno pala niya ang tinawagan nito after she took his mobile phone.

Hindi siya papayag na makarating sa mga ito ang kagagawan niya. Mga alagad ng batas ang mga ito at sigurado siyang hindi nila magugustuhan ang lahat kapag malalaman .

Inipon niya ang lahat para makatayo kahit nakatali siya patalikod. Susugurin na sana niya ito pero hindi na niya nagawa.

At iyun ang malaking pagkakamali niya dahil sa kanyang pagtayo'y nagulat ang malditang may sungay, sa kabiglaan nito'y muling pinakawalan ang malupit na sipa ng ilang ulit na naging dahilan upang muling sumadsad sa sulok ang binata.

"Hayop ka! Wala na nga akong napapala sa iyong gago ka ginagalit mo pa ako ng husto! Gusto mo na ba talagang mamatay tarantado kang kano ka!?" Sigaw ng malditang may sungay na nakalimutan na yatang may kausap sa telepono.

But, that's her advantages!

Kung nagkatinginan ang mag-asawa sa kabilang banda ng may tumawag na unknown, this time nabosesan nila ang caller.

NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon