PROLOGUE

434 14 0
                                    

"Dead or alive! Bring me the Duke!" makapangyarihang utos ng matandang lalaki sa mga lalaking nakaunipormeng itim.

"Yes boss!" sabay sabay na sagot ng mga lalaking naroon sa isang silid.

Itinaas nito ang isang kamay at sumenyas, sabay sabay na nagpulasan sa silid na iyon ang mga lalaking nakaitim.

Tumalikod ang matanda at humarap sa salaming dingding ng mataas na gusaling iyon. Mula sa bulsa ay kinuha ang mamahaling tabaco.

"K," tawag nito sa lalaking tahimik na nakatayo sa di kalayuan, lumapit naman ang lalaki at dinampot ang lighter sa ibabaw ng desk table. Binuksan iyon at maingat na sinindihan ang tabaco ng matanda.

"Kapag napabagsak ko ba ang Le Royale Gang, will I become more powerful businessman?" tanong ng matanda. Tumango ang lalaki pero sa isip ay malabong mangyaring mapabagsak ng ganong kadali ang Le Royale Gang na matagal ng pinamumunuan ng apat na makapangyarihang lalaki sa corporate world.

Le Royale Gang, a famous gang in the world, this gang operated an underground business some years ago, dating pinamumunuan ni Kris Han. Kris was known as the heartless and evil gang lord, pero simula ng mamatay ito ay ipinasa ang pamumuno sa apat na lalaking kilala sa tawag na King, Prince, Duke at Knight, ang maduming negosyo ng gang noon ay binago ng apat na lalaki, pinasok ang corporate world at unti unting umunlad at nakilala. Ngayon ay hindi na mapigilan ang paglago ng Le Royale Corporation, sa malinis at legal na paraan.

Magmula sa local business hanggang sa abroad ay lumalago ang LRC. Indeed, the four powerful men of the said gang are smart, intelligent and brave.

"Magaling ang naisip mong plano, K, mapapabagsak ko sila kung iisa isahin ko ang mga namumuno, babaliin natin paisa isa ang galamay ng Le Royale Gang," seryosong saad nito. "And I will start this to the Duke."

Mr. B, an old man who was a former gang member, now a greedy businessman. Unti unting bumabagsak ang kumpanya nito dahil sa kalabang kumpanya na pagmamay ari naman ng LRC.

Nakangising sumang ayon ang kausap na lalaki pagkuwan ay tahimik na nakuyom ang mga palad.

"I'm looking forward to that, Mr. B." his wicked mind said.


The Gang Lords 1: Clifford HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon