CHAPTER SEVEN

238 16 20
                                    


"Oh my God! It's Lan, it's really him!" nangingilid ang mga luha niya sa sobrang kagalakan, tumayo siya at wala ng inaksayang oras, tinawag niya ang pangalan nito.

"Lan! Landon!" she called out his name, pero sa sobrang daming tao ay hindi siya nito narinig, naglakad siya palapit dito subalit maraming nakaputing unipormeng bodyguards ang nakapalibot dito kaya hindi siya makalapit sa binata.

What should I do? Kailangan kong magpakita sa kanya upang malaman niyang narito ako.

Maya maya ay tumigil ang mga ito nang lapitan ng ilang lalaki na nakasuot ng amerikana, saglit na nag usap pagkuwan ay nagkamay, doon naman nakahanap ng pagkakataon si Katrina na makalapit sa binata.

"Lan! Lan!" sigaw niya, nagtinginan ang mga ito sa kanya kasama na ang mga tao sa paligid. Nakangiting kinawayan niya ito ng makita niyang nakatingin na sa kanya si Lan, nang makahanap ng tiyempo ay nakalapit pa siya dito at walang anumang niyakap ng mahigpit.

Sa sobrang saya niya ay hindi niya pinansin ang ekseheradong reaksyon ng mga tao doon.

"Thank God, you're safe! Akala ko ay napaano ka na, akala ko ay may masamang nangyari sa'yo," sabi niya na nangingilid pa rin ang mga luha sa sobrang kasiyahan. "What happened? Bakit bigla kang nawala? Bakit bigla kang umalis? Marami pa naman akong ikukuwento sa'yo, nakalabas na si lola sa ospital, lumalakas na siya atsaka look, nandito ako at natanggap sa trabaho," masaya pa niyang pagbabalita. She look at him but she saw was his foker face; this is not Lan she used to know.

"Ford, you know her?" asked the man with a brown hair, katulad ni Lan ay napakalakas ng dating nito. His serious face is intimidating.

Ford? His name is Ford and not Lan.

"Ah, oo nga pala, ako lang pala ang nagpangalan sa kanya ng Landon. So, bumalik na ang alaala niya, his real name is Ford." Anang isip niya, pero hindi ba niya ako kilala? Hindi ba niya ako natatandaan? Eh ang pinagsamahan namin?

"Ford?" tinapik ito sa balikat ng isa pang lalaking kasama, the man looks prim and proper. Doon naman nagsalita ang binata.

"Keep her away from me," Ford said seriously, para namang nabasag na kristal ang puso ni Katrina ng marinig ang sinabi ng binata, para bang may nakakahawa siyang sakit kung ituring nito.

"Tsk, another stupid woman, she's wasting our time," inis na sabi ng lalaking kasama nito, nang sumenyas ito ay mabilis na kumilos ang isang bodyguard at inilayo siya kay Lan, err no, kay Ford.

Sinulyapan muna siya ng tatlong lalaking kasama ni Ford bago muling naglakad, subalit ang binata ay hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

Her heart is bleeding inside, ngayon lang niya naranasan ang ganong kirot sa puso, para bang gusto niyang mamatay sa sobrang sakit. Kasabay pa ang kahihiyan sa mga tao roon.

Hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan at naririnig na niya ng malinaw ang bulungan ng mga tao sa paligid.

"Oh my gosh! I can't believe she did that! What a shameless woman!" komento ng isang babae.

"Nakakahiya naman yung ginawa niya, sino ba siya?" komento pa rin ng isa.

"I don't know, I think she's a newbie, ngayon ko lang siya nakita dito," anang isa pa.

"Nah, what a pity, hindi pa nagsisimula sa trabaho, matatanggal na kagad," sabi naman ng isa pa.

"Sigurado iyan! Ikaw ba naman galitin ang mga big boss," bulong naman ng isa pa.

Kumilos na si Katrina sa kinatatayuan at mabilis na naglakad patungo sa ladies room, pumasok siya sa isang cubicle roon, inilock ang pinto at humalukipkip na naupo sa nakasarang bowl. She cried in silence. Her heart was aching so bad. Nagsama sama ang kahihiyan at ang katotohanan na hindi siya kilala ng lalaking iniibig niya.

The Gang Lords 1: Clifford HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon