"Darn! It's raining again?!" yamot na usal ni Katrina habang patakbong tinungo ang sasakyang nakaparada sa madilim na bahagi ng lugar na iyon. Maingat na ipinatong niya sa passenger seat ang itim na sling bag, naroon ang mahahalagang gamit niya, hindi iyon maaaring mabasa ng ulan. Tinanggal niya ang suot na sombrero at jacket pagkuwan ay inihagis sa likod na bahagi ng sasakyan. Nakuyom niya ang mga palad habang nakatingin sa mataas na pader na iyon.
"Now I have the evidence," nakangising bulong niya. Kung hindi lang dahil sa biglang pag ulan, mas marami pa sana siyang makukuhang importanteng ebidensya pero sa tingin niya sapat na rin ang mga nakuhanan niya.
Bubuhayin pa lang sana niya ang makina nang makarinig ng sunod sunod na pagharurot ng sasakyan.
"Kailan pa nagkaroon ng drug racing sa liblib na lugar na ito?" nagtatakang tanong sa sarili. Inis na napailing siya. "That brat kids! Gabing gabi na, nang iistorbo pa ng mga natutulog," aniya na in-start na ang sasakyan. Liblib ang lugar na iyon pero maraming mayayaman doon, naglalakihan ang mga mansiyon at hacienda ng mga ito. Tiyak niyang mga pasaway na anak ng mga ito ang sakay ng mga humaharurot ng sasakyan na kadadaan lamang.
Tinurn on niya ang mp3 at mabilis na pumailanlang ang upbeat songs, kalahating oras din ang bibiyahihen niya pauwi sa kanyang tinutuluyan kaya kailangan niyang malibang sa pamamagitan ng pakikinig ng musika.
Habang nagmamaneho at palayo siya ng palayo ay padilim naman ng padilim ang daan, tanging ilaw lamang ng kanyang sasakyan ang makikita. Mapuno na at masukal ang magkabilang bahagi ng daan, kung tutuusin ay nakakatakot ang lugar subalit dahil doon siya lumaki ay sanay na siya. Hindi siya naniniwala sa mga kuwentong may aswang o maligno roon, mas naniniwala pa siya sa mga taong halang ang kaluluwa na pumapatay ng mga tao, ilang beses na kasing may sunod sunod na bangkay na nakikita sa kung saan saang bahagi sa masukal na daang iyon. Malamang, sinalvage o tinorture ng kung sinong mga maiitim ang budhi at doon itinatapon. Katulad na lamang noong nakaraang buwan nabalitaan niyang may narekober na bangkay ng lalaki na may tama na nga ng bala sa ulo, sinunog pa ang katawan, tuloy hanggang ngayon ay hindi pa ito nakikilala. Naawa nga siya dahil hindi man lang nabigyan ng maayos na burol ang lalaki, samantalang hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang may kagagawan.
"Diyos na lang ang bahala sa mga kaluluwan nila," bulong pa niya.
Saglit na naagaw ang atensyon niya ng maramdaman ang pagvibrate ng cellphone niya. Kinuha niya iyon sa kanyang bulsa, nang makita ang caller ay kaagad niyang pinindot ang call button upang sagutin.
"Oh, napatawag ka, ate Rosie?" tanong niya sa kausap. "Kamusta si lola?" tanong pa ulit niya.
"Maayos naman ang lagay ni lola Minda, tumawag ako kasi gusto ka niyang makausap," anito. Narinig niya ang pagpasa nito ng cellphone.
"Hello Rina, apo?" garalgal na tinig ng kanyang lola. Halatang may dinaramdam. Nangilid ang mga luha niya.
"Lola, kamusta ho kayo? Maayos po ba kayong inaalagaan ng mga nurse at doktor ninyo?" tanong niya pigil ang damdamin.
"Oo apo, mababait silang lahat," sagot nito. Nagkuwento pa ito kung paano ito tratuhin ng mga doktor sa ospital kung saan ito nakaconfine, ilang buwan na, napabuntong hininga siya.
"Magpagaling kayo lola para makauwi na kayo at maalagaan ninyo sina Tom and Jerry," pilit na pinasaya ang tinig. Mga alagang pusa nito ang tinutukoy niya, narinig niya ang pag ungol nito.
"Rina, gusto ko ay apo, apong maaalagaan," anito. Napailing siya. Tiyak na kukulitin na naman siya nitong mag asawa. "Kailan mo ba kasi ipapakilala sa akin ang nobyo mo?" tanong nito. Nakagat niya ang ibabang labi.
BINABASA MO ANG
The Gang Lords 1: Clifford Han
RomanceSaksi si Katrina sa pagkamatay ng kanyang lolo, pinatay ito kaya naman pinangako niya sa kanyang lolo na maghihiganti siya at bibigyan ito ng hustisya. Habang humahanap siya ng ebidensya sa pagkakabagsak ni Mr. B ay nakasaksi siya ng isang aksident...