CHAPTER TWO

178 11 0
                                    

Ibinaba ni Katrina ang tray na may lamang pagkain sa center table sa tapat nito. She cooked rice porridge for the stranger man.

"Kaya mo bang kumain?" tanong niya dito. Hindi ito umimik kaya naman kumilos siya at kinuha ang kutsara, marahan niyang hinipan ang mainit na lugaw atsaka iniumang sa bibig nito.

"Here, isubo mo na, hindi na mainit," kaswal na sabi niya, hindi naman ito kumilos kaya sinulyapan niya ang lalaki. Kung bakit nagsimula na namang magrigodon ang puso niya.

Inirapan niya ito upang itago ang totoong nararamdaman, ibinaba niya ang kutsara at tumayo.

"Kumain ka na, tatapusin ko lang itong ginagawa ko," sabi niya na pilit na kinakalma ang sarili.

Sa unang pagkakataon ay hindi makapagfocus si Katrina sa kanyang ginagawa, napakahirap gumawa lalo na kung may maya't mayang tumitingin sa kanya.

Marahas siyang nagbuntong hininga pagkuwan ay tumingin sa lalaki, napansin niyang hindi pa rin nito kinakain ang niluto niyang lugaw. Napapalatak siya.

"Tsk, kung hindi ka gutom magpahinga ka na lang muna para mabawi ang lakas mo, I'm really busy here so feel at home," kalmadong saad kahit na pigil na pigil niyang asikan ito. Nag effort pa siyang ipagluto ito ng lugaw, hindi naman pala kakainin.

"And by the way, stop staring at me," aniya. Tumayo ang lalaki at walang salitang naglakad.

"Saan ka pupunta?" takang tanong niya.

"I'll find a nice room so I can rest well," kaswal na saad nito. "Magkaka backache ako sa maiksing sofa na iyan," turo nito sa sofa.

Lihim na iningusan niya ang lalaki, sumobra naman yata ang pagka at home nito.

"Okay, my bad, hindi kita pinagpahinga sa maayos na kwarto, hindi kasi kita kayang buhatin paakyat sa itaas ng bahay," paliwanag niya. Tumalikod na ito at muling naglakad.

That nerve?! Ang antipatiko! Tinulungan na nga, nagsusungit pa?

Tumayo siya at sinundan ito, "Halika sumunod ka sa akin," aniya dito na nagpatiuna sa hagdanan.

Dalawa lamang ang silid sa itaas, silid niya at silid ng kanyang mga lolo at lola noon.

Nagngingitnit ang kalooban niya habang naglalakad, kung hindi lang siya pinalaki ng maayos ng kanyang mga lolo at lola, dapat ay kanina pa niya ito pinalabas ng bahay at pinabayaan na ito.

Tumigil si Katrina sa tapat ng isang pinto, binuksan niya iyon at tumambad ang hindi kalakihang silid, kumpleto pa rin sa gamit ang silid na iyon at higit sa lahat ay malinis. Weekly kung maglinis doon ang caretaker ng bahay.

"Dito ka muna mamahinga, silid ito ng mga lolo at lola ko," aniya, walang imik itong naglakad papalapit sa malaking papag na may makapal na kutson. Nakita niyang pinagpag nito ang bed sheet.

Tumaas ang isang kilay niya, "Mukha lang luma ang mga gamit dito pero tinitiyak kong malinis naman lahat, mayroon naglilinis nitong bahay lingguhan kaya free ito sa germs," sarkastikong saad niya.

Tumingin ito sa kanya, "That's good to hear," sagot nito. Lihim na nakuyom niya ang mga kamay. Nakakapikon na talaga siya!

Ah, baka dala lamang ng kanyang amnesia kaya siya ganon. Kumuha siya ng bagong kumot at unan sa loob ng cabinet pagkatapos ay ipinatong sa ibabaw ng kama.

"Maaari mong buksan ang electric fan or kung gusto mo naman iyong bintana, malamig naman dito lalo na sa gabi," mahinahon pa rin niyang sabi. Tahimik pa rin ang lalaki kaya minabuti niyang magpaalam na dito. "Maiwan na kita, magpahinga ka muna, bumaba ka na lang kapag nagugutom ka," aniya na naglakad na patungo sa pinto. Isasara na lamang niya ang pinto ng marinig niyang magsalita ito.

The Gang Lords 1: Clifford HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon