CHAPTER EIGHT

165 11 0
                                    

Totoong inabala ni Katrina ang sarili sa trabaho upang kalimutan ang nararamdamang kalungkutan, it was her first heart break and it's really hard to forget, ginawa niya ang lahat ng pinapagawa sa kanya ng nakatataas at maayos naman niyang natatapos iyon, sinubsob niya ang sarili sa trabaho pero kahit kailan ay hindi naman niya kinaligtaang kumain. Ayaw niyang magkasakit at matanggal sa trabaho.

At lahat ng pinaghirapan niya ay nagkaron ng magandang resulta, napromote siya bilang kapalit ng nag resign na batikang reporter na tatakbo sa pagkasenador ngayong darating na eleksyon. She is now part of the evening news, isa siya sa mga field reporters ng naturang programa.

"Wow, congrats Rina! You are now part of the evening news, nakakainggit ka!" masayang sabi ni Shella, naroon sila sa cafeteria habang kumakain.

"And I'm so happy dahil makakasama kita palagi, I'm glad that we're partners," masaya ding saad ni Carlos, nakangiting tumango siya.

"Oo nga, mabuti na lang nandiyan ka, pwede mo akong turuan pa sa mga dapat kong gawin," aniya, kilala na rin si Carlos bilang field reporter kahit iilang taon pa lang itong nagtatrabaho sa RBN.

"Don't worry, nandito lang ako para sa'yo!" nakangiting sabi nito.

"Hmp! If I know she used her body for that position, ke bago bago napili ni boss, I can't believe it!" narinig nilang sabi ni Faye, isa sa mga journalist sa team nila, isang taon na ito sa RBN at isa ito sa nagngingitngit sa galit dahil siya ang napili ng kanilang boss.

"Yeah! What a bitch!" pagpaparinig ng kasama nito.

Malalim na nagbuntong hininga si Katrina at pilit na kinalma ang sarili, ayaw niyang patulan ang mga pasaring ng mga ito, alam naman niyang pinaghihirapan niya ang lahat sa malinis na paraan kaya narating niya ang posisyon ngayon.

"Ignore them Rina, inggit lang ang mga iyan dahil mas magaling ka kaysa sa kanila," sabi ni Shella, tumango lang siya.

"Ayaw na lang kasi nilang magtrabaho ng maayos, gagawa lang ng script palagi pang rejected, paano ba sila mapopromote bilang reporter kung sa paggawa lang ng script pumapalpak pa," sabi pa ni Shella.

"Hayaan ninyo na lang, huwag ninyo na lang patulan," sabi ni Carlos, hinawakan ni Carlos ang kamay niya at nakangiting nagsalita. "Kumain na lang tayo Rina, hindi ba?" nakatawang sabi nito, nakatawang tumango siya.

"Oo, nagugutom na nga ako," aniya, mabuti na lang at mayron siyang mga kaibigan na tulad ng mga ito, kahit papaano ay lumalakas ang loob niya, natutulungan din siya kahit papaano na pansamantalang malimutan ang problema sa puso.

Nagtatawanan sila ng mga kaibigan ng mahagip ng mga mata niya ang pamilyar na bulto, nang lingunin niya ang VIP room ay nagtama ang mga paningin nila ng lalaking matagal tagal na rin niyang iniiwasang makita. Her heart started to pound faster, hindi pala niya kayang kalimutan ng ganong kadali ang binata kahit anong pilit niyang sabihin sa sarili na hindi sila nito para sa isa't isa, na hindi siya nito kailanman kayang mahalin.

Nakita niya ang madilim na ekspresyon nito habang nakatingin sa kanya, ganon ba talaga niya ako kinamumuhian? Her heart was bleeding painfully.

Iniiwas niya ang tingin dito at pinilit na huwag ng tingnan ang gawi nito. Itinuon na lang niya ang sarili sa pagkain at sa mga kaibigan.

"Hey, bakit parang ang sama ng tingin ni sir Ford sa atin? May ginawa ba tayong kasalanan?" bigla ay bulong ni Shella, muli niyang sinulyapan ang VIP room, Clifford Han is still looking at them like a mad man, mukha ngang galit ito.

"Matagal na naman na seryoso si sir Ford, masanay na kayo," nakangiting sabi ni Carlos pagkuwan ay binigyan siya ng gulay na inorder nito sa plato niya, "Kumain ka ng gulay Rina, you look thin," anito, ngumiti siya.

The Gang Lords 1: Clifford HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon