CHAPTER FOURTEEN

390 17 2
                                    

"I'm so sorry Rina, I didn't mean to hurt you," sabi ni Ford habang naglalakad, hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanyang mga mata, "I lied to you, hindi totoong may amnesia ako, hindi totoong nakalimutan ko ang pagkatao ko noong iligtas mo ako," muling saad nito, napaawang naman ang bibig niya sa narinig, anong ibig nitong sabihin? At bakit nito iyon sinasabi sa kanya?

"I want to hide my real identity, that I am Clifford Han, I am the Duke of the Le Royale Gang, yes! I am a gang lord, ayokong matakot ka sa akin, ayokong lumayo ka sa akin dahil simula ng iligtas mo ako at makilala kita, binago mo ang pagkatao ko, binigyan mo ng kulay ang buhay ko," patuloy nito, kung bakit naman nagkusang dumaloy ang luha sa mga mata niya, totoo ba itong mga naririnig ko? O panaginip lang ito? Tama ba? Nagtatapat sa kanya si Ford?

"Noong umalis ako at muli tayong nagkita, nagpanggap akong hindi kita kilala, iniwasan kita at pilit na iniignora sa karamihan dahil maraming nagbabanta sa buhay ko at ayokong mapahamak ka, ayokong madamay ka dahil kapag may nangyari sa'yong masama, hinding hindi ko mapapatwad ang sarili ko," anito. Oh Ford.....

Nasa gitna na ito ng saglit na tumigil, "Patawad kung nireject ko ang topic na iyon, ang dahilan gusto kong ako ang gumawa niyon para sa'yo, ayoko kasing mapahamak ka, ayokong mawala ka dahil mahal na mahal kita, Rina," sabi nito habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya.

Lumundag yata ang puso niya sa sobrang sayang nararamdaman niya, hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa binata, he loves her too, mahal siya nito, mahal siya ni Ford.

Hindi tumitigil ang mga luha sa kanyang mga mata at sa pagkakataong iyon, luha na iyon ng kaligayahan, kahit nasa bingit ng kamatayan ay naging masaya pa rin siya dahil sa wakas ay narinig niya ang gustong gusto niyang marinig mula dito. Kung mayron nga lang na namamatay sa sobrang kaligayahan, siguro ay humandusay na rin siya.

Suminghot muna siya pagkuwan ay marahang umiling, "Ford, wala akong pakealam sa tunay mong pagkatao, kung sino ka pa, kung isa ka mang gang lord dahil ang mas mahalaga sa akin kilala ka nitong puso ko, my heart knows who you really are, ikaw ang tinitibok nito, ikaw lang ang lalaking mahal ko," aniya sa pagitan ng pagluha, nakita naman niya ang pagliwanag sa mukha ng binata.

"Rina, mahal kita!" sabi nito.

"Mahal din kita, Lan or Ford or Duke! Mahal na mahal din kita!"

Gustong gusto na niyang tumakbo palapit dito pero mahigpit pa rin siyang hawak ng matandang lalaki.

Napangiwi siya ng maramdaman ang pag ipit ng braso nito sa leeg niya habang nakatutok pa rin ang baril sa ulo niya.

"Tapos na ba kayo sa drama ninyo?" sarkastikong tanong ng matanda.

"Victor, sinabi ko nang huwag mo siyang sasaktan!" galit na sabi ni Ford.

"Then continue walking! Bilisan mo Duke! Naiinip na ako," pakli ng matanda, marahas namang nagbuntong hininga ang binata at pinagpatuloy ang paglalakad palapit sa kanila, nakuyom naman ni Katrina ang mga palad. Kanina pa siya napipikon sa matandang lalaki. Muli siyang nagsalita kaya muling natigil sa paglapit si Ford.

"Ford, naalala mo noon nung sinabi ko na mag sisisi ka kapag may ginawa kang masama sa akin?" sabi niya, nangunot naman ang noo nito pero sumagot din naman.

"Oo naaalala ko."

Ngumisi siya, "Puwes makikita mo kung bakit ko sinabi iyon," aniya, kumilos ang isang kamay niya at mabilis na tinabig ang kamay ni Mr. B na may hawak na baril pagkuwan niyon ay kinagat niya ang braso nitong nakaipit sa kanyang leeg, nabitawan ng matanda ang baril kasabay niyon ay ang pagsigaw nito sa sakit. Hindi naman siya nakuntento pa, ginamit niya ang natutunan niya sa self defense na inaral niya noon. Bahagya siyang lumayo sa matanda upang makakuha ng buwelo, umikot siya atsaka binigyan ng flying kick ang matanda. Sapul ito sa mukha na nagdulot ng pagdurugo ng ilong.

The Gang Lords 1: Clifford HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon