CHAPTER TWELVE

150 9 1
                                    

"Yohan Dy, ano ang pakiramdam mo ngayon na sumisikat ka dahil sa sinalihan mong reality show?" nakangiting sabi ni Katrina, naroon na sila sa set ng I scoop you, ang sikat na showbiz segment ng RBN. Nakatutok sa kanila ang mga camera at ang mga mata ng mga taong nanonood sa taping na iyon.

Para naman silang nagkukwentuhan lang ng binatang artista dahil magaan itong katrabaho, hindi rin nawawala ang mga ngiti nito, ang mga ngiting pag aagawan ng mga babaeng fans nito.

"So, if you don't mind, we want to know if you're taken or not?" nakangiting sabi niya, hindi naman kasama iyon sa interview niya, may katrabaho lang siyang may crush dito na gustong malaman kung may girlfriend na ba ito o wala, tutal okay lang din naman na isama sa interview iyon dahil gusto din ng mga fans nito na malaman ang katotohanan kaya itinanong na rin niya.

Napansin niya ang ilang babaeng staffs na kinikilig habang hinihintay ang sagot ng lalaki, tumawa muna ito bago sumagot.

"Ah, no, no, I'm not taken, I'm single but I have a crush with someone, someone I just met," anito na kakaiba ang tingin sa kanya, lihim naman siyang napalunok, mukhang shinoshowbiz pa yata siya ng lalaking kaharap.

"Wow, ang swerte naman ng babaeng iyon," nakatawang sabi niya.

"Yes, if I have a chance, I will date her and get to know her well, sana pumayag siya," anito pa na hindi inaalis ang ngiti habang titig na titig sa kanya, nakaramdam naman siya ng pagkailang.

Isang malakas na tunog ang umagaw sa atensyon nilang lahat.

"Cut!" sabi ng direktor pagkuwan ay bumaling sa gilid na bahagi ng set, nakita nila si Clifford Han, dinadampot nito ang nahulog na vase na props sa set, tila ba hindi maipinta ang mukha nito, he looks mad. Hindi naman niya alam kung bakit.

"I'm sorry, continue what you're doing," may inis sa tinig ng binata.

Hindi naman nakaangal ang direktor at pinagpatuloy ang taping.

"Okay, start with another question," sabi na lang ng direktor.

Sumunod naman si Katrina at pinagpatuloy ang pagtatanong, nasa kalagitnaan na sila ng taping ng mag iba ang pakiramdam niya, naging dalawa sa paningin niya ang lalaki. Pinilit ni Katrina na magpakanormal, matatapos na naman ang taping kaya titiisin na niya ang nararamdamang pagkahilo.

When their interview is about to end they heard another loud noises, hindi na iyon kagagawan ni Clifford Han, ang tunog kasi ay nagmula sa itaas ng kisame, kahit nahihilo ay nagawa niyang sulyapan ang narinig na tunog, napaawang ang bibig niya ng makitang pumutok ang ilang mga kuryente ng ilaw na nakakabit doon. Nanlaki pa ang mga mata niya ng unti unting bumigay ang braces o poste ng mga ilaw at mukhang babagsak sa gawi niya.

Gusto naman niyang tumayo o umiwas pero ewan ba niya kung bakit nanigas ang katawan niya at hindi nakakilos, pakiwari kasi niya ay napakabigat ng mga paa niya. Napapikit na lamang siya at hinintay ang katapusan niya.

Kasabay ng sigawan ng mga tao roon ay naramdaman ni Katrina ang matigas na mga brasong yumakap sa kanya. Iminulat niya ang mga mata at bumungad sa paningin niya ang mukha ng lalaking pilit niyang kinakalimutan pero pilit naman nagsusumiksik sa puso niya. Nag umpisang magrigodon ang puso niya hindi dahil sa takot kundi dahil sa kabang dulot ng pagkakalapit nila ng binata.

Hindi niya alam ang eksaktong mga nangyari dahil nakatitig lang siya dito, basta ng marinig niya ang tinig ng mga tao sa palagid ay nakita niya ang sarili na nasa ibabaw na ni Clifford Han habang yakap siya ng mahigpit.

He save me...he save me again...but why?

"Miss Santos, Boss Han! Okay lang ba kayo?" nag aalalang tanong ng direktor.

The Gang Lords 1: Clifford HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon