Natigil ang ginagawa ni Katrina nang marinig ang pagtawag ng lalaki sa kanyang pangalan. Saglit niyang iniwan ang ginagawa at pinuntahan ito.
"Bakit? Anong problema?" tanong niya, inilabas nito ang ulo at nakita pa niyang may bula iyon.
"I forgot to tell you, can I borrow some clothes again?" anito mula sa loob ng banyo. Tumango siya.
"Sige, sandali lang ikukuha lang kita," aniya.
Hindi naman nagtagal ay bumalik siya sa kusina na dala na niya ang mga damit na hihiramin nito, nakita niyang kalalabas lang ng banyo ng lalaki. Mas naging kaakit akit ito habang basa ang buhok, may mga patak pa ng tubig sa katawan nito. Nasundan pa nga niya iyong isang patak ng tubig na galing sa buhok nito, dumiretso iyon sa balikat nito pababa sa dibdib nito at nagtuloy tuloy sa perpektong tiyan nito at tumigil sa bahaging natatakpan ng tuwalya.
Her mouth sunddenly run dry and her cheeks become red.
Ah! Tukso layuan mo ako!
Pinilig niya ang ulo at pilit na inalis ang tingin sa bahaging iyon na pinagtataguan ng big monster.
"Ito na ang hinihiram mong damit," kaswal na sabi niya habang papalapit dito upang ibigay ang mga damit.
Habang papalapit sa lalaki ay hindi niya namalayan ang basang sahig na tiyak na galing sa tubig na inigib nito kanina. Nadulas siya at huli na para makabalanse pa, alam niyang babagsak siya paharap sa malamig na marmol subalit nakita niya ang mabilis na pagkilos ng lalaki, nasalo siya nito pero dahil mabigat siya ay natumba rin ito. The man landed at the floor while she was landed at his body.
"Aww!" nakangiwing ungol ng lalaki na tiyak na nasaktan sa malakas na pagkakabagsak. While Katrina's heart was pounding hard, it's her first time to be with a man and have a skin to skin contact. Tumingin siya sa lalaki at nakita niya kung gaano kalapit ang mukha nila sa isa't isa. Kaya naman ng tumingin ito sa kanya ay lalong dumagundong ang dibdib niya.
"Are you okay Rina?" may pag aalala sa tinig nito. Sa sobrang lapit nila sa isa't isa ay sumuot sa ilong niya ang mabangong amoy nito at naramdaman ang mainit na hininga na dumampi sa kanyang pisngi.
Hindi siya kaagad nakaimik, she's still looking at his handsome face. Nang makita niyang nakatitig na rin sa kanya ang lalaki ay lalong naging triple ang tibok ng puso niya.
Nag alala siya bigla na baka marinig nito ang malakas na tibok ng puso niya kaya naman pilit siyang humiwalay dito. Natuunan niya ang malapad na dibdib nito upang bumangon pero nanlaki ang mga mata niya ng may maramdamang matigas na bagay sa may puson niya.
That huge thing!!!
Pulang pula ang magkabilang pisngi niya ng magawang makatayo, inayos niya ang sarili at pilit na iwasan itong tingnan.
"I-I'm sorry, heto ang mga damit," aniya na wala sa sariling ibinato ang mga iyon dito, mabuti na lamang at mabilis nito iyong nasalo, mabilis pa rin ang tibok ng puso niya ng talikuran ito at iwanan.
Nagmamadaling bumaba si Katrina ng hagdan, naging abnormal ang tibok ng puso niya ng makita niya ang lalaki na paakyat naman ng hagdan.
"Mukhang aalis ka, saan ka pupunta?" curious na tanong nito, pilit na kinalma niya ang sarili, ayaw niyang mahalata nitong apektado pa rin siya sa nangyari kanina sa kusina.
"Pupunta ako sa ospital," sagot niya, nangunot ang noo nito.
"Bakit? May masakit ba sa'yo? Bakit hindi mo sinabing nasaktan ka kanina?" anito, nahimigan niya ng pag aalala ang tinig nito, her heart triplicated in time.
BINABASA MO ANG
The Gang Lords 1: Clifford Han
RomanceSaksi si Katrina sa pagkamatay ng kanyang lolo, pinatay ito kaya naman pinangako niya sa kanyang lolo na maghihiganti siya at bibigyan ito ng hustisya. Habang humahanap siya ng ebidensya sa pagkakabagsak ni Mr. B ay nakasaksi siya ng isang aksident...