CHAPTER THIRTEEN

167 9 2
                                    

Hindi pa nakakalayo masyado si Katrina sa malaking mansiyon na iyon nang may tumigil na itim na van sa harap niya at bumukas ang pinto, nakita niya ang ilang mga nakaitim na lalaki ang bumaba doon pagkuwan ay puwersahan siyang ipinasok sa loob niyon.

"Let me go!" sigaw niya pero masyadong malakas ang mga lalaki, itinali ng mga ito ang kamay niya, "Sino kayo? Anong gagawin ninyo sa akin?" tanong niya sa mga ito pero walang sumasagot. "Pakawalan ninyo ako! Sino ba kayo?!" nagpupumiglas niyang sigaw.

"Shut up!" singhal ng isang boses mula sa unahan ng sasakyan, nang sumilip ito ay nakita niya ang nakangising mukha ng kinamumuhian niyang matandang lalaki. "Surprise, did you know me, little girl?" nakangising pakli nito.

"Ikaw?!" gimbal na sabi, nanginginig ang buong kalamnan niya dahil sa galit ng mga sandaling iyon.

"Yes, ako nga," anito, "Ako na pumatay sa lolo mo," pang iinis pa nito. Kumulo ang dugo niya sa sobrang galit.

Magsasalita sana siya ng makarinig ng ilang putok ng baril sa kasunod na mga sasakyan. "Bullsh*t!" gulat na sabi nito, kamuntikan na rin itong tamaan ng bala kung hindi lang ito nakayuko at kausap siya. Nakita niyang kinuha nito sa bulsa ang cellphone at may tinawagan, maya maya ay muli itong nagsalita.

"Calm down Duke, don't shoot us, kasama ko si Katrina, kapag pinaputukan mo pa ulit ang sasakyan namin, may masamang mangyayari sa babaeng ito!" babala ng matanda sa kausap habang nakatingin sa kanya.

Nagulat naman siya sa narinig, sino ang kausap nito? Sino si Duke?

Wait! Duke? I saw his name somewhere. Saan nga ba niya nakita o nabasa ang pangalan na Duke.

Natigilan siya ng maisip niya ang bracelet na nahulog sa bulsa ni Ford noong gabing iniligtas niya ito. So, the Duke that man talking about is Clifford Han, ang Lan na kilala niya.

Sinulyapan niya ang sasakyan sa likuran ng sinasakyan niya at nakita nga niya si Ford habang madilim ang anyong nagmamaneho ng sasakyan.

"Ford?" Anas niya, hindi niya maintindihan ang nangyayari. Ang pinanggalingan ba niyang mansiyon ay pagmamay ari ni Ford? Ang mga narinig niya kaninang nag uusap tungkol sa gang at patayan ay si Ford at mga kasama nito?

Sino ba talaga siya? Anong kinalaman niya sa nangyayari? Bakit siya tinawag na Duke ni Mr. B? Magkakilala ba sila?

"Stop chasing us, huwag kang mag alala, walang masamang mangyayari sa kanya, tatawagan kita ulit kung kailan at saan tayo magkikita, ibibigay ko siya sa'yo kapalit mo," sabi ni Mr. B pagkuwan ay pinindot na nito ang end button.

Tumingin sa kanya ang matanda, "You don't know him well, are you?" nakangising sabi nito. Tila nahulaan nito ang nasa isip niya, "Sige, sasabihin ko sa'yo atleast bago ka man lang mawala sa mundong ito ay malaman mong ang lalaking pinakamamahal mo ay isang gang lord," anito, napaawang naman ang labi niya, gang lord? Isang gang lord si Ford? Bakit parang hindi naman halatang lider siya ng isang gang? Masamang tao ba si Ford?

She started to cry, tumawa ang matandang lalaki.

"Duke is one of the four powerful gang lords of Le Royale Gang, gusto ko silang mapabagsak dahil sagabal sila sa negosyo ko, wala silang kuwentang lider dahil sinira nila ang reputasyon ng dating gang, binago nila ang lahat. At ang ayoko sa lahat ay iyong matutuwid at mababait na taong uto utong sumusunod sa batas, kung nabubuhay lang si Kris Han, siguradong pinagsisisihan niyang ipinasa niya ang pamumuno sa apat na ampon niya!" galit na sabi nito. "I want them to die, iisa isahin ko sila at mauunang mawala sa landas ko ang Duke na iyon," nakangisi na ulit na saad nito, hinawakan nito ang baba niya at pinisil iyon.

The Gang Lords 1: Clifford HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon