Abala si Katrina sa harap ng computer ng tumunog ang telepono sa tabi niya, kaagad niyang sinagot iyon. Ang head manager ang nasa kabilang linya.
"Ngayon na kaagad sir?" gulat na sabi kay boss Yano.
"Oo, bukas ng umaga ang schedule ng report mo sa magiging kaganapan sa lugar na inassign sa'yo, kaya dapat ngayon ay makaalis ka na at makabiyahe patungo sa Bagiuo," paliwanag nito.
"Okay sir, liligpitin ko lang itong gamit ko at didiretso na ako sa Bagiuo," sagot niya, pagkatapos niyang ligpitin ang mga gamit sa ibabaw ng table ay naglakad na siya palabas ng opisina.
Simula naman ng maging field reporter siya ay palagi na siyang handa, may mga gamit at damit na siya sa loob ng sasakyan kapag may biglaang assignment na ipapagawa sa kanya.
Palabas na siya ng gusali ng saglit na matigilan dahil sa malakas na pagsalubong sa kanya ng hangin. Tumingala siya at nakita ang madilim na kalangitan, alas diyes pa lang ng umaga pero parang alas sais na ng gabi dahil sa nagbabadyang malakas na pag ulan.
Noong isang araw lang ay ibinalita ng resident weather forecaster na may bagyong paparating sa bansa, mukhang iyon na nga ang bagyo. Sa kasamaang palad, tatamaan ng mata ng bagyo ang lugar kung saan siya nakaassign.
Pinauna na niya ang van kung saan nakasakay ang team niya, may sarili naman siyang sasakyan kaya iyon na lang ang dadalhin niya.
Sumakay na siya sa sasakyan at pinaandar iyon, kinuha niya ang cellphone at tumawag sa bahay, hindi na kasi siya makakauwi pa para magpaalam. Pagkapatay niya ng cellphone ay eksakto namang nalowbatt iyon, tuluyan na niya munang pinatay iyon atsaka isinaksak sa power bank.
Katrina, you will be okay, kausap niya sa sarili habang pilit na pinaglalabanan ang kabang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Sanay na siyang iassign sa iba't ibang lugar, sanay siyang bumiyahe mag isa, sa maikling panahon pa lang niya sa kanyang trabaho, madalas na siyang purihin dahil sa taglay niyang galing, but for the first time, kinakabahan talaga siya dahil sa isang bagay na kinatatakutan niya.
Nagitla siya ng biglang dumagundong ang kalangitan, you will be okay Katrina, it's just a thunder!
Natigil ang ginagawa ni Ford at napatingin sa salaming dingding ng makarinig ng malakas ng pagkulog, doon niya napansin na madilim ang kalangitan kahit pa na alas diyes pa lang ng umaga.
Kaagad niyang inabot ang telepono at akmang pipindutin ang numero sa opisina ni Katrina, pinigil niya ang sarili, hindi makabubuti ang gagawin niya, tumayo siya at hinablot ang coat na nakasabit, isinuot iyon atsaka naglakad palabas ng kanyang opisina.
Lihim na sumilip siya sa cubicle ng dalaga pero wala roon ang dalaga. Ganon na lamang ang pag aalala niya, may takot si Rina sa kulog at kidlat, she hates when it's raining. Alam niyang hindi maganda ang lagay ng dalaga ngayon, baka tulad noon ay umiiyak ito habang takip ang mga tainga. Damn! Don't panic Rina, you will be alright.
Mabilis niyang pinuntahan ang control room kung nasaan ang monitor ng mga cctv cameras ng buong gusali.
"Good morning sir Han!" kahit nagulat sa biglaan niyang pagdating ay binati pa rin siya ng security team.
"Let me see the camera in department B," utos niya sa isa sa mga naroon. Atubili namang sumunod sa kanya ang lalaki.
Maya maya ay nakita niya si Katrina, nakaramdam siya ng pananabik ng masilayan niya ang magandang mukha ng dalaga, though she was too busy with her work, hindi pa rin nababawasan ang kagandahang taglay nito.
I really miss you Rina....
Napangiti siya ng makita niya ang mga pagkunot ng noo nito habang nasa tapat ng computer, hindi siya binigo ng dalaga ng personal niyang irefer ito sa HR manager. She's impressive and she's really a smart lady. Positibo palagi ang naririnig niyang komento sa trabaho ng dalaga, tama nga ang mga managers niya, Katrina have a future in broadcasting. She's a good reporter. Malayo ang mararating nito at alam niyang marami itong magiging achievements sa darating na araw.
BINABASA MO ANG
The Gang Lords 1: Clifford Han
RomanceSaksi si Katrina sa pagkamatay ng kanyang lolo, pinatay ito kaya naman pinangako niya sa kanyang lolo na maghihiganti siya at bibigyan ito ng hustisya. Habang humahanap siya ng ebidensya sa pagkakabagsak ni Mr. B ay nakasaksi siya ng isang aksident...