Ilang araw na nagpahinga si Katrina sa trabaho, binigyan siya ng limang araw na leave ng boss niya, kailangan daw niyang magpahinga muna, hindi naman siya nakatanggi dahil kailangan naman talaga niya iyon, shock pa rin siya sa nangyaring aksidente. At dahil wala siyang sasakyan ay napilitan siyang magcommute papasok ng araw na iyon.
"Rina, kumusta ka na? Okay ka na ba?" nag aalalang tanong ni Shella, dahil nabasa ng ulan ang cellphone niya ay wala din siyang komunikasyon sa kaibigan, wala naman siyang ginawa sa bahay kundi magpahinga at matulog at madalas ay isipin si Clifford Han.
Tipid siyang ngumiti at tumango, "Maayos na ako Shella, huwag ka ng mag alala," sagot niya, niyakap siya nito.
"Thank God!" bulalas nito, "By the way, kakausapin daw tayo ni boss Yano ngayon kaya sinalubong na rin kita," anito pa.
"Bakit daw?" takang tanong, nagkibit balikat ito.
"I don't know, wala din akong ideya," sagot nito.
Pagkalagay ng mga gamit sa lamesa niya ay sabay silang nagtungo ni Shella sa opisina ng kanilang boss.
Hindi nagtagal ay naroon na sila sa tapat ng pinto ng opisina nito, pagkaraan ng ilang mahihinang katok ay nagsalita ang lalaki sa loob.
"Come in!" boses ng boss nila, binuksan niya ang pinto at naabutan pa nila na kabababa lang nito ng telepono. Nakangiti itong sumenyas sa kanila na maupo, tahimik naman silang sumunod.
"How are you, Miss Santos?" kaagad nitong tanong sa kanya.
"I'm fine, sir," sagot niya, ngumiti ito.
"Good, siguro naman ay nakapagpahinga ka ng maayos?"
"Yes sir, thank you sa five days leave ko," aniya, tumango lang ito.
"Anyway, pinatawag ko kayo dahil gusto kong malaman ninyo na nagkaron ng reshuffle ng position sa department natin," umpisa nito, takang nagkatinginan sila ng kaibigan.
"Reshuffle? What do you mean sir?" tanong ni Shella.
"What I mean is Miss Santos will be host reporter now and you, Miss Cinco will be the field reporter," imporma nito, napaawang ang bibig niya. Ang ibig sabihin ay magiging showbiz reporter siya from now on? No way! Hindi niya magagawa ang mga plano kapag doon siya maaassign. Nakita naman niya kay Shella ang matinding kasiyahan, gustong gusto rin kasi nitong maging field reporter simula pa noong una pero sa pagiging showbiz reporter ito napunta.
"Boss Yano, bakit naman nagkaroon ng ganong reshuffle?" takang tanong niya.
"Ah, nalalapit na ang yearly appraisal, gustong malaman ng management kung kaya ninyong magmulti task sa trabaho ninyo, though you are excellent in your job position right now, para din naman sa inyo ang reshuffle na iyon para mas maenhance pa ang galing ninyo sa ibang parte ng reporting," paliwanag nito, gusto naman niyang magprotesta pero wala naman siyang magagawa. It is company's rules.
"Hanggang kailan ang reshuffle na ito sir?" tanong niya.
"Iaannounce ni Mr. Han kung kailan ulit magbabalik sa dati ang posisyon ninyo pero sa ngayon, isipin ninyo muna ang bagong trabaho ninyo para sa nalalapit na appraisal," nakangiting sabi nito.
So, there's a yearly appraisal, iilang buwan pa lang naman siyang nagtatrabaho sa RBN pero may pagkakataon silang ipakita pa ang galing. May magandang parte din pala sa pagkatao ni Mr. Han, hindi pala talaga siya isang evil boss.
Well Katrina this is your chance to show them your real talent, hindi lang pang field reporter ang galing at beauty mo, you can do showbiz reporting too!
![](https://img.wattpad.com/cover/181808074-288-k965421.jpg)
BINABASA MO ANG
The Gang Lords 1: Clifford Han
RomanceSaksi si Katrina sa pagkamatay ng kanyang lolo, pinatay ito kaya naman pinangako niya sa kanyang lolo na maghihiganti siya at bibigyan ito ng hustisya. Habang humahanap siya ng ebidensya sa pagkakabagsak ni Mr. B ay nakasaksi siya ng isang aksident...