CHAPTER FIVE

174 8 0
                                    


"What are you doing?" Narinig ni Rina na tanong ni Lan mula sa kanyang likuran. Abala siya sa harap ng laptop, nakiusyoso naman ito habang inaayos niya ang kanyang resume.

"A resume? Mag aapply ka?" curious na tanong nito, tumango siya. It's her first time to apply in a company. All these years she'd been hiding in that house, hindi naman kasi ganon kadaling maipakulong ang pumatay sa kanyang lolo, he is a big fish, big fat fish! Kailangan sigurado siya sa lahat at mayron siyang ebidensya na magdadala dito sa kulungan. Lihim na sinusubaybayan niya ang mga galaw sa hacienda nito, doon nalaman niyang tama ang hinala ng kanyang lolo, the man has illegal business, may plantasyon ito ng marijuana at shabu laboratory, pakiwari din niya ay miyembro ito ng isang gang base na rin sa silver dog tag na nakuha niya sa kamay ng kanyang lolo noong mamatay ito. Alam niyang sa matandang lalaki iyon, nakalagay doon ang initial na pangalan ng matanda at ang pangalan ng gang. Hindi niya alam kung paano napasakamay iyon ng kanyang lolo pero ang mahalaga ngayon ay isa iyon sa ebidensya niya.

"Ah, oo," sagot niya.

Mayron naman siyang home based job, kumikita siya kahit papaano bilang online writer and a marketer, nagbibigay siya ng magagandang reviews sa mga products online at doon siya binabayaran, bukod doon ay may koprahan at sakahan pa naman sila.

May bahay sila sa Sta Cruz pero mas madalas siya doon sa ancestral house dahil mas nagagawa niya ang trabaho ng maayos. Ayaw niyang malaman ng kanyang lola ang delikadong ginagawa.

"Oh, graduate ka pala ng mass com," amuse na saad nito, tumango siya. "Bakit hindi ka kaagad nag apply ng trabaho sa malalaking istasyon?" anito pa, nagbuntong hininga siya.

"Kagagraduate ko lang noong mamatay si lolo, ayokong iwanan mag isa noon si lola dahil alam ko na nalulungkot at nahihirapan pa rin siya," malungkot na sagot niya. Saglit na tumahimik ang lalaki pagkuwan ay muling nagsalita.

"I'm sorry to hear," paghingi nito ng pasensya, tumingin siya dito at ngumiti, pilit na nagpakasigla sa harap nito.

"Hindi mo kasalanan," nakangiting sabi niya, "Sa tingin mo ba, matatanggap ako sa trabaho bilang journalist or newscaster kahit na online writer lang ang naging trabaho ko nitong mga nakaraang taon? Oo nga pala, pinamamahalaan ko rin ang sakahan at koprahan nila lolo at lola," aniya.

"May negosyo naman pala kayo bakit kailangan mo pang mag apply at mangamuhan? Atleast ikaw ang boss sa sarili ninyong negosyo," komento nito.

"But I want to have a better career, pangarap kong makapagtrabaho sa isang sikat na broadcasting network atsaka gusto kong-" muntik na niyang masabi na gusto niyang maghiganti para sa kanyang lolo.

"Atsaka gusto mong?" curious na tanong nito, hindi, hindi niya maaaring sabihin dito ang matagal na niyang plano. Baka kasi pigilan siya nito katulad ng kanyang lola.

"Atsaka gusto kong makita sa tv," nakatawang sabi niya, napailing naman ang binata, sinulyapan nito ang resume niya at binasa ang mga nakasulat.

"Well, may on the job training ka naman, but you don't have experience in the real work of broadcasting," komento nito, nanlumo naman siya sa sinabi nito, may punto naman ito at may katotohanan. Sa dami ng magagaling ngayon siguradong malabong matanggap siya sa trabaho, napansin naman nito ang panlulumo niya.

"Kahit yata sa pipitsuging tv network hindi ako matatanggap, sa mga sikat na tv network pa kaya," bagsak ang mga balikat na saad, tumayo siya sa pagkakaupo, "Sandali, magluluto lang ako ng tanghalian natin," aniya. Naglakad siya patungo sa kusina, saglit siyang bumaling at nakita niyang pinapakealaman nito ang resume niya, naiiling na pumasok na siya sa kusina para magluto.

The Gang Lords 1: Clifford HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon